Noli Me Tangere Kabanata 51: Mga Pagbabago – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 51 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang “Mga Pagbabago.” Nagsimula ito sa pagkatanggap ni Linares ng liham mula kay Donya Victorina upang isagawa ang paghamon sa alperes. May mga pagbabanta rin sa liham kung hindi magagawa ni Linares ang ipinag-uutos ng Donya. Pumunta si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago at naabutan niya dito si Padre Salvi na malugod na nakipagkamay sa kanya. Gusto niyang makausap ang kanyang kasintahan na si Maria Clara ngunit hindi nagtagal at umalis din siya. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 51

Naging balisa si Linares dahil sa liham na natanggap nito mula kay Donya Victorina. Sa sulat na ito ay nakasaad na kailangang malaman ng Donya kung nagtaos sila ng alperes sa loob ng tatlong araw. Kapag lumipas na ang tatlong araw at hindi pa sila nagtutuos ng alperes ay ibubunyag nito ang mga lihim ni Linares. 

Kabilang sa mga ito ay ang pagsasabi kay Kapitan Tiyago na hindi naging kalihim si Linares, pagbubunyag ng mga lihim nito kay Maria Clara, at hindi rin siya bibigyan ng Donya ng salapi. Ngunit kung kakalabanin niya ang alperes ay ibibigay ng Donya ang anumang magustuhan ni Linares. Sinabi rin ng Donya sa sulat na hindi siya tatanggap ng anumang dahilan o paumanhin. 

Alam ni Linares na seryoso ang Donya at hindi ito nagbibiro. Kailangan niyang hamunin ang alperes at iniispi niya kung sino ang magiging padrino niya kung si Kapitan Tiyago ba o ang kura. Ang kanyang pagsisinungaling at pagmamayabang upang makapanlamang ay pinagsisisihan niya. Siya ay labis na nagpatianod at sumunod sa mga kapritso ni Donya Victorina. 

  El Filibusterismo Kabanata 35: Ang Piging – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Si Padre Salvi ay dumating at nagmano kay Kapitan Tiyago. Masaya niyang ibinalita kay Kapitan Tiyago ang sulat ng Arsobispo tungkol sa pagkakaalis ng pagiging ekskomunyon ni Ibarra. Pinuri din niya ang binata ngunit sinabing ito ay may kapusukan ng kaunti. Si Padre Damaso na lamang daw ang hadlang sa pagpapatawad dito. Ngunit kung si Maria Clara ang kakausap dito ay hindi ito makatatanggi sapagkat ama-amahan niya ito. Nagtungo naman agad si Maria Clara sa silid kasama si Victoria nang marinig niya ang usapang ito. 

Habang nag-uusap si Kapitan Tiyago at Padre ay dumating si Tiya Isabel kasama si Ibarra. Binati ni Ibarra si Kapitan Tiyago at yumukod siya kay Linares. Kumamay naman ng malugod si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing katatapos lamang niyang papurihan ang binata. Si Ibarra naman ay nagpasalamat sa kura. Tinanong ni Ibarra si Sinang kung galit ba sa kanya si Maria Clara. Ayon kay Sinang ay ipinasasabi ni Maria Clara na limutin na lamang siya ni Ibarra. Sinabi naman ni Ibarra na gusto niyang makausap ng sarilinan si Maria Clara. Hindi nagtagal at umalis na rin si Ibarra. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 51

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay mayroong aral tayong matututunan. Ang mga aral na ito ay mahalaga nating matututunan, sapagkat ito ay magbibigay sa atin ng magandang kaisipan para sa ating kinabukasan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Huwag magsinungaling at magmayabang upang makamit ang isang bagay. Mas masaya sa pakiramdam na makamit ang mga bagay na gusto sa pamamagitan ng pagsisikap at pagiging totoo sa sarili. Hindi tama pagsisinungaling at pagmamayabang sa pagkamit ng tagumpay. 
Pagkakaroon ng hustisya Ipinakita sa sulat ng Arsobispo na tinanggal na ang pagiging ekskomunyon ni Ibarra at nagpapakita ito ng pagkakaroon ng hustisya. 
Pagpapatawad Malugod na kinamayan ni Padre Salvi si Ibarra at nagpapakita ito na napatawad na niya ang binata. 
Ipaglaban ang pag-ibig Tinupad ni Ibarra ang pangako niya kay Maria Clara na dadalaw ito sa kanya. Gusto rin niyang makausap ng sarilinan ang kanyang kasintahan. 

Mga Tauhan sa Kabanata 51

Narito ang mga tauhang nabanggit sa Kabanata 51 ng Noli Me Tangere. May mga pagbabagong naganap sa mga buhay nila at ito ay naka-apekto sa kanilang kasalukuyang pamumuhay at sa koneksyon nila sa bawat isa. 

  Florante at Laura Kabanata 24: Pakikipaglaban kay Osmalik – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
LinaresNakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina tungkol sa ipinag-uutos niyang hamunin ni Linares and alperes. 
Donya Victorina Siya ang nagpadala ng liham kay Linares. 
Kapitan Tiyago Ang ama ni Maria Clara. Napag-usapan nil ani Padre Salvi ang tungkol sa sulat ng arsobispo. 
Padre Salvi Malugod niyang kinamayan si Ibarra at nagbigay siya ng papuri sa binata, ngunit sinabi niya na mayroong kaunting kapusukan si Ibarra. 
Padre Damaso Ayon kay Padre Salvi, si Padre Damaso na lamang ang hindi pa nakakapagpatawad kay Ibarra at kung kakausapin ni Maria Clara si Padre Damaso ay pagbibigyan siya nito.
Ibarra Si Ibarra ang kasintahan ni Maria Clara. 
Tiya Isabel Siya ang kasama ni Ibarra na pumasok sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
Victoria Isa sa mga kaibigan ni Maria Clara.
Sinang Sa kanya nagtanong si Ibarra kung galit ba si Maria Clara. 
Maria ClaraSiya ang minamahal ni Ibarra. 

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang nabanggit sa Kabanata 51 ng Noli Me Tangere. Ang mga salitang ay makakapag-palawak ng ating kaalaman sa Wikang Tagalog sa pamamagitan ng pag-alam ng kahulugan ng mga ito.  

Mga Salita Kahulugan 
Nabalisa Nabahala o kinabahan
Ekskomunikado / Ekskomunyon Ang pagtanggal ng pribelehiyo na maging kaanib ng simbahan
Pagkagalak Kasiyahan o pagkatuwa
Liham Sulat
Sagabal Hadlang 

Leave a Comment