Noli Me Tangere Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 40 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagdaraos ng dula na pinamunuan ni Don Filipo. Dumalo sa dula ang ilang mga Kastila, Kura, si Ibarra, Maria Clara at kanyang mga kaibigan, at mga mamamayan ng San Diego. Sa pagdating ng mga guwardiya sibil upang ipatigil ang dula ay nagkaroon ng gulo. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 40

Isa-isang sinindihan ang mga kwitis habang palapit ang ika-sampu ng gabi. Ang nagsisilbing ilaw sa daanan ng mga tao ay “Luces de Bengala”. Ang huling pailaw ay maihahalintulad sa isang bulkan. 

Ang Tinyente Mayor na si Don Filipo ang namahala sa dula na idaraos sa malaking entablado. Nag-uusap si Don Filipo at Pilosopo Tasyo tungkol sa kagustuhan ng Don na magbitaw sa kanyang tungkulin, ngunit hindi ito tinanggap ng Alkalde. Nang dumating si Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan ay saglit na napatigil ang kanilang usapan. Dumating na kasunod nila ang ilang Kastila at ang mga kura. Sila ay inihatid ni Don Filipo sa kanilang mga upuan. 

Nagsimula na ang unang bahagi ng dula sa pamamagitan ng pag-awit nina Chananay at Marianito ng kantang “Crispino dela Comare”. Nakatuon sa kanila ang interes ng mga tao, ngunit si Padre Salvi ay nakatuon ang atensyon kay Maria Clara. 

Nang dumating si Ibarra ay tapos na ang unang bahagi. Agad nagkaroon ng bulungan sa paligid, ngunit hindi ito pinansin ni Ibarra. Sinabi ni Padre Salvi kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Hindi naman sumang-ayon dito si Don Filipo sapagkat malaki ang ambag ni Ibarra at maghapon siyang kausap ng Alkalde at Kapitan Heneral. Dahil dito, umalis na lamang si Padre Salvi. 

  Noli Me Tangere Kabanata 39: Si Donya Consolacion – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Lumapit naman si Ibarra sa mga dalaga at sinabing aalis muna siya dahil may nakalimutan siyang tipanan. Ang pag-alis niya ay pinigil ni Sinang, ngunit sinabi niya na babalik na lamang. Nang si Yeyeng ay sasayaw na, may mga gwardiya sibil na lumapit kay Don Filipo at sinabing itigil ang dula, sapagkat hindi makatulog ng maayos dahil naiingayan ang Alperes at si Donya Consolacion. 

Hindi naman sumang-ayon sa kanila si Don Filipo. Maya-maya pa ay nagkaroon ng gulo. Hinabol ng dalawang sibil ang mga musikero upang itigil ang palabas ngunit sila ay nahuli ng mga kuwadrilyero na tumulong kauy Don Filipo. Habang nagkakagulo ay dumating si Ibarra at hinanap niya si Maria Clara. Si Tiya Isabel ay patuloy sa kaniyang pagle-letania sa latin. 

Inihatid ng mga kuwadrilyero ang mga gwardiya sibil sa tribunal at sila ay pinagbabato ng mga tao. Ang ilan namang mga binata ay nagbalak ng masamang gawain tungkol sa mga sibil. Nakiusap naman si Don Filipo na huwag nang palalain ang kaguluhan, ngunit patuloy pa rin ang mga tao. Kinausap naman ni Don Filipo si Ibarra na pakiusapan ang mga tao na itigil na ang gulo, ngunit sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Nakiusap naman si Ibarra kay Elias na kausapin ang mga nangugulo at napatigil niya ang mga ito. Kita naman ni Padre Salvi ang mga pangyayari mula sa kanyang kinatatayuan. Nagbalita rin ang mga utusan sa kanya tungkol sa mga pangyayari. 

Nakita niya na nawalan naman ng malay si Maria Clara at agad na binuhat ni Ibarra. Kaagad na bumaba sa kumbento si Padre Salvi at pumunta sa liwasa. Ngunit, pagdating niya roon ay wala ng tao. Agad siyang pumunta sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya ang mga anino ni Maria Clara at Tiya Isabel. Nawala naman ang kanyang pag-aalala at takot, sapagkat alam niyang ligtas na si Maria Clara. Bumalik na siya sa kumbento

  Florante at Laura Kabanata 6: Ang Gererong Taga-Persia – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 40

Ito ang mga aral na matututunan ng mga mambabasa sa Kabanata 40 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay tungkol sa 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagtatanggol sa karapatan at lakas ng isang tao Ipinakita ni Don Filipo ang pagtatanggol sa karapatan ng mga tao nang gustong paalisin ng kura si Ibarra. Ipinagtanggol niya ang karapatan ni Ibarra na pumunta sa dula. 
Pagpapakita ng pagmamahal Nang mawalan ng malay si Maria Clara ay kaagad itong binuhat ni Ibarra. 
Pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan Mahalaga na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maipaglaban ang karapatan ng bawat tao at mapigilan ang mga hindi magandang gawain. 
Pagkontrol sa emosyon Sa tulong ni Elias ay napigilan ang mga tao sa binabalak nilang masamang gawain. Mahalagang kontrolin ang ating emosyon sapagkat ito ay nagpapakita rin ng pagpapahalaga sa bawat tao. 

Mga Tauhan sa Kabanata 40

Narito ang mga tauhan na binanggit sa Kabanata 40 ng Noli Me Tangere. Ang bawat isa sa kanila ay may mahalagang partisipasyon sa okasyon at sila ay nagpakita ng kanilang mga pag-uugali tungkol sa naganap na kaguluhan. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Don Filipo Siya ang tinyente mayor sa bayan ng San Diego at ang nangasiwa sa dula. 
Pilosopo Tasyo Kilala siya sa pagkakaroon ng matalas na pag-iisip. Siya ang kausap ni Don Filipo tungkol sa kanyang planong pagbibitiw sa pwesto. 
Chananay at Marianito Sila ang mga mang-aawit sa unang bahagi ng dula. 
Padre SalviAng kura paroko ng simbahan at ang kanyang atensyon ay nakatuon lamang kay Maria Clara. 
Crisostomo Ibarra Malaki ang kanyang ambag sa dula. Siya rin ang bumuhat kay Maria Clara nang mawalan ito ng malay. 
Mga kura o pari Gusto nilang paalisin si Ibarra sa dula
Guwardiya Sibil Sila ang nagpatigil ng dula sapagkat naiingayan ang Alperes at si Donya Consolacion
Maria Clara Siya ay nawalan ng malay dahil sa mga pangyayari
Tiya Isabel Siya ang kasama ni Maria Clara at patuloy sa pagdarasal upang matigil ang kaguluhan
Elias Siya ang nakiusap sa mga tao upang mapigilan ang mga masamang balak ng mga kalalakihan
Mga KuwadrilyeroSila ang humuli sa mga gwardiya sibil 

Talasalitaan 

Narito ang mga salitang ating mababasa sa kabanatang ito na maaaring hindi pamilyar sa ilang mambabasa. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito upang mas mapaunlad ang ating kaalaman sa wikang ito. 

  Noli Me Tangere Kabanata 61: Ang Barilan sa Lawa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Paglalarawan 
Kumbento Simbahan 
Kwitis Uri ng paputok na ginagamit sa pagdiriwang ng isang okasyon
Dula Isang uri ng pagtatanghal
Abuloy Donasyon o ambag
Kuwadrilyero Miyembro ng militar
Panauhin Bisita 

Leave a Comment