Noli Me Tangere Kabanata 52: Ang Mga Anino – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang kabanata 52 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa mga anino o mga taong nag-uusap sa kadiliman upang hindi sila kaagad makilala. Nagkaroon sila ng planong pagsalakay sa kumbento at paglusob sa kwartel. May mga lihim na plano ang nabuo sa pag-uusap ng mga anino na magbibigay ng isang palaisipan sa mga mambabasa.

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 52

Madilim ang paligid at malamig ang hangin na pumapaspas sa mga dahon at alikabok sa makipot na daan papunta sa libingan. Sa ilalim ng pintuan ng libingan ay may tatlong aninong paanas na nag-uusap. Ang isang anino ay nagtanong sa isang kasama kung nakausap na ba nito ng harapan si Elias. Sumagot naman ang anino at sinabing hindi pa ngunit natitiyak na kasama ito sapagkat minsan ng iniligtas ni Ibarra ang buhay niya. 

Ayon naman sa unang anino ay na ito ay pumayag nga na sumama sapagkat ang asawa ng aninong ito ay ipinadala ni Ibarra sa Maynila upang ipagamot. Upang makaganti sa kura ay sinabi niyang sasalakay siya sa kumbento. Ang ikatlong anino naman ay nagbigay diin na lulusob sila sa kwartel upang ipakikilala sa mga gwardiya sibil na ang kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Ipinahayag din ng alila ni Ibarra na sila ay magiging dalawampung katao na. 

Sila ay may nabanaagan na isang aninong namamaybay sa bakod kaya itinigil nila ang kanilang pag-uusap. Nang makarating sa kinaroroonan ng tatlo ay nagkakilala sila. Ang bagong dating na anino ay nagpaliwanag na sinusundan siya kaya nagkahiwa-hiwalay sila. Nagbigay siya ng habilin na bukas nila matatanggap ang mga sandata at sila ay sisigaw ng “Mabuhay Don Crisostomo”. Pagkatapos nito, nawala na sa likod ng pader ang tatlong anino at ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan. 

  Florante at Laura Kabanata 28: Si Flerida – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

May isang anino na dumating at nagmasid siya sa kanyang paligid. Umambon kaya sumilong ito sa pintuan ng libingan kaya nagkita sila ng unang sumilong dito. Napagdesisyunan nilang dalawa na magsugal at ang maiiwan naman ang mananalo upang makipagsugal sa mga patay. Sila ay pumusok sa libingan at umupo na magkaharap sa ibabaw ng isang puntod. Ang isa sa kanila ay may pilat sa mukha at ito ay si Lucas samantalang ang isa na mas matangkad ay si Elias. Natalo sa sugal si Elias kaya umalis na ito. 

Noong gabing iyon, dalawang gwardiya sibil ang nagpapatrol. Hinahanap nila si Elias. Nakasalubong nila si Lucas at nang tanungin kung saan ito pupunta ay sinabing magpapamisa sa simbahan. Pinabayaan nila iyon sapagkat walang pilat si Elias. 

Makalipas ang ilang saglit ay nakasalubong nila si Elias, ngunit hindi nila alam na si Elias na mismo iyon. Pinapunta siya ng gwardiya sa may liwanag upang makilala. Sinabi niya sa mga gwardiya sibil na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat binugbog nito ang kanyang kapatid. Nagtungo naman ang mga gwardiya sibil sa simbahan kung saan nagpunta si Lucas. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 52

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 52 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pakikibaka para sa kabutihan nila at ng kanilang mga pamilya. 

Mga Aral Paglalarawan 
Mahalaga ang pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga plano Katulad ng mga taong nag-uusap sa kabanata, nagkaroon sila ng pagkakaisa upang magawa nila ang kanilang plano o balak. 
Pagtanggap sa kapalaran Tahimik na tinanggap ni Elias ang kanyang pagkatalo sa sugal nila ni Lucas. 
Maging maingat sa mga desisyon at aksyon Mahalagang maging maingat sa bawat desisyon at aksyon upang hindi makasama ang resulta nito. 

Mga Tauhan 

Ang mga tauhan sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ay nag-usap sa gitna ng dilim upang magsagawa ng kanilang plano. Ang bawat isa sa kanila ay handang makibaka at ipaglaban ang kanilang karapatan. 

  El Filibusterismo Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga Maynila  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Tauhan Paglalarawan 
Tatlong anino Sila ang nag-uusap tungkol sa paglusob sa kwartel at pagsalakay sa kumbento. Gumawa sila ng plano sa madilim na gabi sa libingan.
Lucas Si Lucas ang nakalaban ni Elias sa sugal at siya ang nanalo sa kanilang dalawa. Siya rin ang unang nakasalubong ng dalawang gwardiya sibil.
EliasSi Elias ang natalo sa laban nil ani Lucas kaya tahimik siyang umalis. Siya ang huling nakasalubong ng mga gwardiya sibil. 
Gwardiya SibilSila ang mga nagpapatrol noong gabing iyon. Hinahanap din nila si Elias. Nakasalubong nila sa daan si Lucas at Elias, ngunit hindi nila nakilala si Elias. 

Talasalitaan 

Ito ang mga malalalim o matatalinhagang salita na nabanggit sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere. Alamin natin ang kahulugan ng mga salitang ito upang magamit natin ang mga ito ng tama at maayos sa pagsusulat o pakikipag-usap. 

Mga Salita Kahulugan 
Sasalakay Pag-atake sa isang lugar 
Sementeryo Libingan 
Gwardiya Sibil Sila ay miyembro ng militar na naatasang magpanatili ng kaayusan sa kapaligiran.
Kwartel Ito ay tumutukoy sa base militar o kampo.
Puntod Dito nakalibing ang mga patay
Pagmamatyag Pagiging alerto at mapanuri sa paligid 
Tugon Sagot 

Leave a Comment