Noli Me Tangere Kabanata 30: Sa Simbahan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa kabanata 30 ng Noli Me Tangere ay makikita natin ang isang kaugalian ng mga Pilipino at ito ay ang “Filipino Time” kung saan hindi nagsisimula ang isang okasyon o pagpupulong sa tamang oras. Isa sa mga dahilan nito ay nagpapahuli ang mga mahahalagang panauhin. Sa kabanatang ito ay ating makikita ang mga panyayari habang naghihintay ang mga tao sa simbahan para sa misa. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 30

Ang simbahan ay punong-puno ng mga tao at lahat ay gusto makasawsaw sa agua bendita. Sa dami ng tao ay halos hindi na makahinga ang mga nasa loob ng simbahan. Nagsisiksikan ang mga tao at ang mga bata naman ay nag-iiyakan. Ang misa sa araw ng pista ay nagkakahalaga ng dalawang daan at limampung piso. Ang halagang ito ay halos ng katumbas ng bayad para sa komedya. 

May mga paniniwala ang mga tao roon na mas mainam na gumastos at marapat na magbayad ng malaki para sa misa kaysa sa komedya. Ang kaluluwa raw ay mapupunta sa langit kung makikiisa sa misa at makikinig ng sermon, samantalang sa impyerno naman kung ang pagtutuunan ng atensyon ay ang komedya. 

Ang mga tao sa loob ng simbahan ay patuloy sa pagpapaypay gamit ang abaniko, panyo, at sombrero dahil sa init. Hinihintay naman ang alkalde bago simulan ang misa. May mga tao ring inaantok na nakapwesto sa may tabi ng kumpisalan. 

Makalipas ang ilang saglit ay dumating na ang alkalde at ang kanyang mga tauhan. Sadyang nagpahuli ang alkalde sa misa upang mapansin ng mga tao ang kanyang pagdating. Mayroon siyang suot na limang medalya sa kanyang dibdib na sumisimbolo ng kanyang katayuan sa pamahalaan. Napapalamutian naman ng banda ni Carlos III ang kanyang kasuotan. Dahil sa suot niyang ito ay inakala ng mga tao na siya ay isang osang sibil na nakasuot ng damit para sa mga komedyante. 

  Noli Me Tangere Kabanata 27: Sa Pagtatakip-Silim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Agad namang sinimulan ang misa pagdating ng Alkalde. Ang mga tao ay naghanda upang makinig ng maayos sa misa. Sa pagpasok sa simbahan at pagpunta sa altar ay nangunguna ang dalawang sakristan na sinundan ng isang prayle na naghahawak ng isang kwaderno. Sumunod naman ang pari sa mga ito at pumanhik ito sa pulpit. Sa pagtindig ni Padre Damaso ay pupito ay makikita na parang siya ay isang Franciscano na dapat sundin. 

Mga panlalait at masasakit na salita ang sinabi ni Padre Damaso tungkol kay Padre Manuel Martin na nagmisa noong bisperas ng pista. Sinabi niyang mas magaling siyang magmisa kaysa kay Padre Martin. Pagkatapos ng pari sa kanyang pagmamayabang ay saka pa lamang sinimulan ang sermon. 

Inutusan ni Padre Damaso ang kasama niyang prayle na buksan ang kwaderno upang kumuha ng tala at opsiyal na masimulan ang pagmimisa para sa pagdiriwang ng kapistahan ng bayan. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 30

Maraming mahahalagang aral ang ating matututunan sa Kabanata 30 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral sa kabanatang ito ay dapat nating isapuso at isa-isip upang mas mapahalagahan natin ang oras ng bawat isa. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pahalagahan ang oras ng ibang tao Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng “Filipino Time” kung saan hindi nagsisimula sa ang isang okasyon sa tamang oras. Mahalaga ang oras ng bawat tao kaya dapat ay maging responsable tayo. Hindi dapat tularan ang alkalde na sinadyang magpahuli sa pagdating dahil alam niya na hindi magsisimula ang misa kung wala siya roon. 
Mas mahalaga ang pagpapakita ng magandang kaugalian kaysa sa pagsusuot ng magarang kasuotanAng simbahan ay isang lugar para sa pananampalataya. Dapat lahat ay pantay-pantay ang pagtrato sa mga deboto o mananampalataya. Mas mahalaga ang taos-pusong pakikinig sa misa, pagkakaroon ng aktibong partisipasyon, at pagsasabuhay ng mga natututunan kaysa sa magarbong kasuotan. 
Maging maingat sa mga paniniwala ng mga tao Tayong mga Pilipino ay maraming paniniwala, subalit ang ilan sa mga ito ay walang kabuluhan o hindi makatutulong sa atin. 
Huwag abusuhin ang posisyon Ginamit ng Alkalde ang kanyang posisyon upang magpahuli sa misa at mapansin ng mga tao. Bilang isang pinuno, dapat maging mabuting halimbawa sa mga nasasakupan. 
Iwasan ang pagiging mayabang Sinabi ni Padre Damaso na mas magaling siyang magmisa kaysa kay Padre Martin. Bawat isa sa atin ay mayroong natatanging kakayahan at kaalaman sa iba’t-ibang larangan. Matuto tayong igalang ang kakayahan ng bawat tao. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa kwento na naganap sa simbahan. Sila ay ang mga dumalo sa misa para sa pagdiriwang ng pista. Dumalo rito ang mga makapangyarihan at ordinaryong mamamayan ng San Diego. 

  El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Tauhan Paglalarawan 
Mga taong nagsimba sa simbahan Ito ang mga bata, matatanda, at mga mamamayan ng San Diego na dumalo sa misa. 
Alkalde Nagpahuli siya sa pagdating sa misa upang mapansin ng lahat.
Padre Damaso Siya ang nanguna sa pagmimisa at nilait si Padre Martin. 
Mga sakristan Sila ang nanguna sa pagpasok sa simbahan sa pagsisimula ng misa.
Prayle Siya ang inutusan ni Padre Damaso na buksan ang kwaderno. 

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang nabanggit sa Kabanata 30 ng Noli Me Tangere na maaaring hindi pamilyar sa lahat ng mambabasa. Ang mga salitang ito ay ginagamit sa iba’t-ibang teksto na nasusulat sa Wikang Tagalog, kaya mainam na malaman natin ang kahulugan ng mga ito upang lumawak ang ating pagkatuto. 

Mga Salita Kahulugan 
Alkalde Mayor
Pulpito Ito ay ginagamit ng pari sa kaniyang pagsesermon
Agua Bendita Ito ay tubig na ginagamit sa binyag
Abaniko Isang uri ng pamaypay
Kwaderno Aklat ng mga talaan 
Komedyante Aktor sa komedya 

Leave a Comment