Noli Me Tangere Kabanata 24: Sa Kagubatan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 24 ng Noli Me Tangere ay ating matutunghayan ang pagpapatuloy ng piknik nina Ibarra at Maria Clara. Makikita rin natin ang pagsunod ni Padre Salvi dito at nagkaroon sila ng pagtatalo ni Don Filipo tungkol kina Crispin at Basilio. Dito rin ay matutunghayan natin ang pakikialam ni Padre Salvi sa pagmamay-ari ng iba kaya umalis din ito agad. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 24

Nagpatuloy sina Ibarra, Maria Clara, at ang kanilang mga kasama sa pagpipiknik. Maaga namang natapos si Padre Salvi sa kanyang pagmimisa. Pagkatapos ng misa ay agad itong kumain ng almusal. Nagtungo siya sa lugar kung saan nagpipiknik sina Ibarra at Maria Clara. 

Kahit malayo pa ay pinatigil na niya ang karwahe at pinabalik ito sa kumbento. Naglakad-lakad siya hanggang sa marinig niya ang tinig nina Maria Clara. Naghahanap sila ng pugad ng gansa dahil may paniniwala sila tungkol dito. Kapag nakita ito ni Maria Clara ay maari niyang sundan at makita ng madalas si Ibarra nang hindi siya nakikita nito. 

Natutuwa naman si Padre Salvi habang pinapanood ang ginagawa ng mga dalaga. Gusto niyang sumunod sa mga ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagdesisyon siyang hanapin ang mga kalalakihan. Napansin din ng kanyang mga kasama ang galos ni Padre Salvi at sinabi niya na siya ay naligaw. 

Pagkatapos ng tanghalian ay napag-usapan nina Padre Salvi ang taong dahilan kung bakit nagkaroon ng sakit si Padre Damaso. Napadaan naman sa lugar na iyon si Sisa at nag-utos si Ibarra na bigyan ito ng pagkain. Ngunit, kaagad namang umalis si Sisa sa lugar na iyon. 

  Florante at Laura Kabanata 19: Paalaman at Habilin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Dahil dito, ang pagkawala nina Crispin at Basilio ang naging paksa nila. Sa usaping ito ay naging mainit ang pagtatalo nina Don Filipo at Padre Salvi dahil mas mahalaga pa raw para sa kura ang pagkawala ng dalawang onsa kaysa sa mga batang sakristan. Namagitan naman si Ibarra sa pagtatalo nina Padre Salvi at Don Filipo upang hindi na lumaki ang gulo. Sinabi rin ni Ibarra sa kanila ang kanyang planong pagkupkop kay Sisa. 

Nakisali naman si Ibarra sa kanyang mga kasama na naglalaro ng Gulong ng Kapalaran. Ang naging tanong ni Ibarra ay kung magtatagumpay siya sa kanyang plano na magtayo ng paaralan sa bayan ng San Diego. Ayon naman sa librong ginagamit nila ay “Ang pangarap ay nananatiling pangarap lamang.” Sinabi niyang isa itong kasinungalingan. Bilang patunay, inilabas niya ang isang papel na nagpapatibay ng kaniyang pagpapatayo ng paaralan. 

Pagkatapos nito ay hinati ni Ibarra ang sulat at ibinigay ang mga ito kina Maria Clara at Sinang na nakakuha ng hindi magandang kasagutan. Patuloy na naglaro sina Maria Clara, ngunit si Ibarra ay umalis na. 

Si Padre Salvi naman ay biglang dumating at pinunit ang aklat, sapagkat ayon sa kanya ay malaking kasalanan ang maniwala sa aklat na ito. Mga kasinungalingan daw ang nilalaman nito. Nagalit naman si Albino sa kura sa ginawa niyang ito. Ayon kay Albino na malaking kasalanan ang pakikialam sa gamit ng iba lalo na at walang pahintulot sa may-ari nito. Umalis na si Padre Salvi at nagbalik sa kumbento. 

Pagkaalis ni Padre Salvi at dumating ang mga gwardiya sibil at sarhento. Plano nilang dakipin si Elias dahil ito ang pinagbibintangan na nanakit kay Padre Damaso. Hinanap ng mga gwardiya sibil at sarhento si Elias sa buong kagubatan ngunit hindi nila ito nakita. 

  Noli Me Tangere Kabanata 9: Mga Bagay-Bagay Ukol sa Bayan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 24

Narito ang mga aral sa Kabanata 24 ng Noli Me Tangere na ating matututunan. Ang mga aral na ito ay magbibigay sa atin ng magandang kaisipan na maaari nating magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Huwag pakialaman ang pagmamay-ari ng iba.Nakita natin ang pakikialam ni Padre Salvi sa aklat na ginagamit nina Ibarra sa kanilang laro. Isa sa pagpapakita ng respeto ay ang paggamit sa mga bagay na pagmamay-ari ng iba. Hindi dapat pakialaman ang mga bagay na hindi natin pagmamay-ari. 
Maniwala sa iyong mga pangarap. Katulad ni Ibarra, naniwala siya na matutupad ang kanyang balak o plano na magtayo ng paaralan sa bayan ng San Diego. Kahit na ang naging kasagutan ayon sa aklat ay mananatiling pangarap lang ang isang pangarap. Maniwala tayo na makakamit natin ang ating mga pangarap

Mga Tauhan 

Ang bawat karakter sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ay may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ng bawat isa. Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 24 ng Noli Me Tangere. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Crisostomo Ibarra Siya ay naniniwala na maipapatayo niya ang kaniyang binabalak na paaralan. 
Maria Clara Si Maria Clara ang kababata ni Ibarra. 
Padre Salvi Siya ang nakainitan ni Don Filipo at pumunit ng aklat na ginagamit 
Albino Nagalit siya ng pakiaalaman ni Padre Salvi ang aklat na ginagamit nila sa laro. 
Don Filipo Si Don Filipo ang nakainitan ni Padre Salvi sa usapin tungkol kay Crispin at Basilio
Gwardiya Sibil at SarhentoHinahanap nila si Elias dahil ito ang nanakit kay Padre Damaso
Mga kabataan Mga kasama at kaibigan nina Maria Clara at Ibarra sa piknik. 
Elias Siya ang pinagbibintangan na nanakit kay Padre Damaso kaya gusto siyang dakipin ng mga gwardiya sibil at sarhento.

Talasalitaan 

Ito ang ilan sa mga salitang ating matutunan sa Kabanata 24 ng Noli Me Tangere. Ang mga salitang ito ay ginagamit ng mga matatanda at ng mga manunulat ng nobela sa Wikang Tagalog.

  Noli Me Tangere Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Karwahe Sasakyan na hinihila ng kabayo 
Sarhente Nagtatrabaho sa militar o isang sundalo
Kasulatan Dokumento na naglalaman ng mahahalagang impormasyon
TampisawMaglaro sa tubig
Piknik Gawain kung saan ang mga tao ay kumakain sa labas
Pinagmamasdan Tinitingnan
Nabigo Hindi nagtagumpay 
Hinalughog Hinanap 

Leave a Comment