Noli Me Tangere Kabanata 26: Ang Bisperas ng Pista – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 26 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa paghahanda ng mamamayan ng San Diego para sa piyesta, katulad ng paglalagay ng mga dekorasyon, pagtatayo ng tanghalan, paghahanda ng mga pagkain, at marami pang iba. Ito ay isang tradisyon o kaugalian ng mga Pilipino na ginagawa pa rin hanggang ngayon. Dito ay matutunghayan din natin ang ipinapatayong paaralan ni Ibarra at ang mga pasilidad nito. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 26

Tuwing ika-10 ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ang pista sa bayan ng San Diego. Bisperas pa lamang ay nakahanda na ang lahat. Ang mga tahanan ay mayroong iba’t-ibang dekorasyon, palamuti, kurtina, at iba pang antigong kagamitan. 

Sa hapag-kainan ng mga mayayaman ay maraming nakahandang masasarap na putahe. May mga kakanin, panghimagas, at minatamis na bungang kahoy. Ang iba ay mayroon ding mga pagkain na mula pa sa Maynila, katulad ng serbesa, relyenong pabo, at tsanpan. Bukod pa rito, mayroon din silang alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkaing ito ay inihanda para sa lahat, kahit taga-ibang bayan, upang ang lahat ay maging masaya para sa piyesta. 

Para sa dagdag kasiyahan, panay rin ang pagpapatunog ng kampana, pagpapaputok ng kwitis, at mayroon ding banda ng musiko para sa pagtugtog. May arkong kawayan naman ang mga matataong lugar katulad ng plaza. Sa harap ng simbahan ay naglagay ng tolda para sa prusisyon. Itinayo sa liwasang bayan ang isang tanghalan para sa ilang palabas, katulad ng komedya at iba pang pagtatanghal. 

May partisipasyon para sa kasayahan sina Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquim, ang intsik na si Carlos, at iba pang mayayaman sa bayan ng San Diego para sa piyesta. Ang misa naman sa umaga ay pangungunahan ni Padre Damaso at siya rin ang magiging bangkero sa gabi. Ang mga taga-bundok at magsasaka ay naghahanda ng kanilang pinaka-mainam na ani, mga gulay, baboy, manok, at bungangkahoy upang dalhin sa may-ari ng kanilang mga sinasaka. 

  El Filibusterismo Kabanata 22: Ang Palabas  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Sa isang lugar na malapit sa tahanan ni Ibarra ay tinatapos ang pagtatayo ng bahay-paaralan. Ang nangangasiwa ng pagpapatayo nito ay si Nol Juan. Ipinaliwanag ni Ibarra sa mga manggagawa na ang kaniyang ipatatayo ay isang malaking paaralan. Ito ay magiging katulad ng mga modernong paaralan sa Europa. Ang unang panig ng paaralan ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Si Ginoong A ang arkitekto ng ipinapatayong paaralan na ito. Ayon sa kanya, ang gilid ng eskwelahan ay magiging taniman ng puno at gulay. Magkakaroon din ng bodega at silid pang-disiplina. 

Hiniling ng kura kay Ibarra na siya ang gawing padrino at magbasbas sa paglalagay ng unang bato sa huling araw ng pagdiriwang ng piyesta. Ang mga mayayaman ay nagbigay ng tulong para sa pagpapatayo ng paaralan ngunit tinanggihan ito ni Ibarra. Sinabi ni Ibarra na siya ang sasagot ng lahat ng gastos sa pagpapatayo nito. Marami ang humanga kay Ibarra, ngunit marami rin ang naging kaaway niya ng palihim. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 26

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 26 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay sumasalamin sa pagtutulungan ng mga Pilipino at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon. 

Mga Aral Paglalarawan
Pagkakaisa ng mga mamamayan Nakita sa kabanatang ito ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ng San Diego. Nagkaroon sila ng maayos na paghahanda sa piyesta para sa kasayahan ng lahat. 
Pagkakaroon ng determinasyon para sa pagtataguyod ng edukasyonSi Ibarra ay may determinasyon na maisakatuparan ang kanyang plano na magpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego kaya nakamit niya ito. Alam niya ang kahalagahan ng edukasyon kaya hindi siya nagpasindak sa mga hinarap niyang pagsubok. 
Ang ating mga desisyon at aksyon ay may epekto sa ibang taoMarami ang humanga kay Ibarra sa pagpapatayo niya ng paaralan. Subalit sa kabila nito, may mga taong lihim na naging kaaway niya. Hindi lahat ng tao sa paligid mo ay magiging masaya sa iyong tagumpay.
Pagbabahagi ng mga biyaya Katulad ng mga magsasaka, nagbigay sila ng kanilang pinakamagandang ani sa may-ari ng lupa na kanilang sinasaka. 

Mga Tauhan sa Kabanata 26

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 26 ng Noli Me Tangere. Ang bawat isa sa kanila ay may mahalagang papel sa paghahanda para sa piyesta at pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan. 

  Florante at Laura Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga TauhanPaglalarawan 
Padre Damaso Siya ang nag-sermon para sa pang-umagang misa. 
Kapitan Tiyago, Kapitan Joaquin, Instik na si Carlos, at iba pang mayayamanSila ay may mahalagang partisipasyon para sa kasiyahan sa piyesta. 
Mga magbubukid at taga-bundok Nagbigay sila ng kanilang pinakamainam na ani para sa may—ari ng lupa na kanilang sinasaka. 
Crisostomo Ibarra Siya ang sumagot ng gastos para sa pagpapatayo niya ng kaniyang binabalak na paaralan. 
Nol Juan Siya ang nangangasiwa sa pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan
Ginoong A Siya ang arkitekto ng paaralan na ipinapatayo ni Ibarra 
Kura Hiniling niya kay Ibarra na siya gawin siyang padrino at magbasbas ng unang bato. 

Talasalitaan 

Ito ang ilan sa mga malalalim at matatalinhagang salita na ginamit sa kabanatang ito. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng bawat salitang ito upang mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa Wikang Tagalog. 

Mga Salita Kahulugan 
Padrino Sponsor 
Pista/ Piyesta Isang pagdiriwang ng isang bayan o barangay para sa kanilang patron. 
Banderitas Mga maliliit na bandila or bander ana ginagawang dekorasyon sa mga kalsada at matataong lugar. 
Pinaka-mainam Pinakamaganda 

Leave a Comment