Florante at Laura Kabanata 14: Kabataan ni Florante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 14 ng Florante at Laura ay nagpapakita ng mga pangyayari sa kabataan ni Florante. Sanggol pa lamang siya ay marami na siyang naranasan. Malalaman din natin sa kabanatang ito ang mga naging gawain niya na nagbigay ng aliw sa kanya. Matutunghayan din kung gaano kaganda at kapayapa ang lugar na ito. Nilisan niya ang payapang gubat dahil sa kanyang pagmamahal sa ama. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 14

Nag-agapay sa puno ng kahoy si Florante at isinalaysay ang kanyang kabataan hanggang sa siya sa mapunta sa gubat. Habang nagsasalaysay ay bumabalong ang kaniyang mga luha dahil sa kanyang pinagdaang mga paghihirap. 

Lumaki siya sa siyudad ng Albanya at doon niya nakita ang unang liwanag. Ang ama niya ay si Duke Briseo. Ngayon ay kapiling na nang mapayapa ni Duke Briseo ang kanyang esposo na si Prinsesa Floresca. 

Itinatanong ni Florante kung bakit siya ay sa Albanya lumaki, sa bayan ng kanyang ama at hind isa Krotona, ang siyudad kung saan nagmula ang kaniyang ina. Kung siya ay sa Krotona lumaki ay hindi sana siya lubhang nagdusa. 

Si Duke Briseo ay pribadong tanungan ni Haring Linceo tungkol sa anumang bagay. Siya ang pangalawang pinuno sa kaharian ng Albanya. Sa kabaitan ay uliran ng lahat si Duke Briseo at pangulo naman ng siyudad kung katapangan ang pag-uusapan. Inilarawan niya ang kanyang ama na walang kasindunong sa pagmamahal sa anak, pag-akay, at pagtuturo ng mga gawaing nararapat. 

Hanggang sa ngayon ay sariwa pa sa kanyang isipan at naririnig pa niya ang palayaw sa kanya ng kanyang ama. Tinatawag siya nitong Floranteng bulaklak kong bugtong habang kinakandong ng kanyang ama. 

  Noli Me Tangere Kabanata 29: Ang Araw ng Pista – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Florante ang pangalan niya simula pagkabata at ito ang nakagisnan niya simula pagkabata. Sinabi niyang ang buo niyang kabataan ay hindi isasalayasay sapagkat wala namang mahahalagang pangyayari sa kanya noon. Ang isang pangyayaring isinasalaysay niya ay noong kusa siyang daragitin ng isa Buwitreng ibon noong sanggol pa lamang siya. 

Ang sabi ng kanyang ina ay natutulog si Florante nang pumasok ang ibon sa bahay na kintang. Ang bahay nila ay malapit sa bundok. Malayo ang naabot ng pang-amoy at ang layo nito ay hanggang tatlong legwas sa patay na hayop. 

Ang kaniyang inang mutya ay sumigaw kaya pumasok sa bahay ang kanyang pinsan na si Menalipo. Ito ay nagmula sa Epiro. Ginamit niya ang hawak na pana upang itudla ang ibon na biglang namatay. 

Noong siya ay nagsisimula pa lamang lumakad at naglalaro sa gitna ng kanilang sala ay may pumasok na Arko at kinuha ang Kupidong dyamanteng suot niya sa kanyang dibdib. Noong siya ay siyam na taon na ang nakagawian niya ang ang mag-aliw sa burol. Sakbat niya ang palaso at pumapana siya ng ibon at pumapatay ng hayop. 

Tuwing umaga naman pagkasikat ng araw ay naglilibang siya sa tabi ng gubat. Ang kaligayahang handog ng parang ay kanyang sinasagap. Ang mabangong amoy ng mga bulaklak ay kanyang tinitipon. 

Kung siya naman ay may makitang ibob sa bundok na malapit ay pinapana niya ang ibon. Kapag nagsawa na siya sa paglalaro ng busog ay uupo naman sa isang bukal kung saan mabilis ang tubig na dumadaloy. Kasing linaw ng kristal ang tubig kaya siya ay nanalamin at kumukuha ng lamig. Sa batis ay nawiwili siya sa tinig ng mga nagsasayang Nayadas at ito ay nag-aalis ng lumbay sa dibdib. 

  Florante at Laura Kabanata 19: Paalaman at Habilin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Para kay Florante, aanhin niya ang tuwang kanyang natamo noong kabataan niya, sapagkat ng dahil sa pag-ibig niya sa kanyang ama ay nilisan niya ang payapang gubat. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 14

Narito ang mga aral na ating matututunan sa Kabanata 14 ng Noli Me Tangere. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya, pagmamalasakit, at pagtulong sa kapwa. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagpapakita ng malasakit Noong sanggol pa lamang si Florante ay iniligtas siya ng kanyang pinsan. Itong ginawa niyang pagtulong ay nagpapakita ng malasakit sa kapwa
Pagmamahal sa pamilya Ipinakita ng mga magulang ni Florante ang pagmamahal sa pamilya. 
Pagiging matapang at makatuwiran Inilarawan ni Florante ang kanyang ama bilang makatuwiran at matapang, kaya siya ang tanungin ni Haring Linceo. 
Mahalagang panatilihin ang kalinisan at kapayapaan Ang malinis at mapayapang lugar ay nagdudulot ng kaginhawaan sa bawat tao. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Makikilala natin ang mga tao sa paligid ni Florante noong kabataan niya at may mahalagang parte sa buhay niya. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Aladin Si Aladin ang bagong kaibigan ni Florante. Si Florante ay nagkwento sa kanya tungkol sa kanyang kabataan. 
Florante Ibinahagi niya kay Aladin ang mga pinagdaanan niya noong siya ay bata pa. 
Duke Briseo Siya ang ama ni Florante at pribadong tanungin ni Haring Linceo.
Prinsesa FlorescaAng ina ni Florante. 
Haring Linceo Ang hari kung saan nagtatrabaho ang ama ni Florante bilang pribadong tanungin.
Menalipo Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya sa buwitre. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay may matututunan tayong mga bagong salita. Ang mga ito ay maaaring hindi pamilyar sa atin, sapagkat hindi na madalas gamitin sa modernong panahon. 

  Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
BumabalongUmaagos o dumadaloy
Habag Awa
Uliran Huwaran, modelo, ehemplo, o taong may magandang katangian na dapat tularan.
Nag-andukhaNag-alaga, Nag-aruga, o kumalinga 
TinudlaPinana o paggamit ng pana upang sibatin ang isang hayop
SinambilatDinagit o inalis na bigla
PeboAraw
Pagsawaan Pagkawala ng interes sa isang bagay 

Leave a Comment