Noli Me Tangere Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 60 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa kasal ni Maria Clara kay Linares. Nagkaroon ng mga bisita sa tahanan ni Kapitan Tiyago at nagbigay sila ng kanilang opinyon tungkol dito. Si Ibarra naman ay itinakas ni Elias at dumaan sila kay Maria Clara. Dito ay sinabi ni Maria Clara ang dahilan kung bakit siya magpapakasal kay Linares at ang tunay niyang nararamdaman. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 60

Lubos ang pagkatuwa ni Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lang. Bilang pasasalamat, nagpamisa siya sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Carmen, at Birhen del Rosario. 

Si Kapitan Tiyago ay hindi naimbitahan ng pamahalaan, subalit sa pagkaka-imbita kay Kapitan Tinong ay masamang kapalaran ang dumapo sa kanya. Ang paglalakbay niya sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan ay hindi nakabuti sa kanya. Siya ay namamanas, putlain, nagkasakit, at di palaimik. Dahil sa kanyang pangamba na batiin ng mga pilibustero ay hindi na siya bumaba ng bahay. Ang sinapit na ito ni Tinong ay alam ni Kapitan Tiyago. 

Sa bahay ni Kapitan Tiyago ay dumating si Linares kasama sina Donya Victorina at Don Tribucio na itinuturing na makapamahalaan. Si Donya Victorina naman ay sinarili ang usapan. Si Ibarra daw ay isang pilibustero kaya kung babarilin siya ay nararapat lamang iyon. 

Ang mga bisita ay hinarap pa rin ni Maria Clara kahit na ito ay nanghihina at namumutla. Napunta ang usapan sa pagpapakasal ni Linares at Maria Clara. Si Kapitan Tiyago ay nakayarian na magpapapista. Tinanong ni Kapitan Tiyago si Tiya Isabel kung ano ang saloobin ni Maria sa kasal niya kay Linares. Ang pasya ni Kapitan Tiyago na ipakasal si Maria Clara kay Linares ay buo na. Nakikita na niya ang kanyang sarili na labas pasok sa palasyo kapag naging manugang na niya si Linares. 

  Noli Me Tangere Kabanata 43: Mga Balak o Panukala – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang bulwagan ni Kapitan Tiyago ay napuno ng mga bisita, kabilang na ang mga Instsik at Kastila. Nangunguna rito sina Padre Sibyla, Padre Salvi, ilang dominikano at pransiskano, mag-asawang de Espadaña, at ang Alperes na ngayon ay Tinyente na at may grading Komandante. Nagpahuli naman si Linares at si Tenyente Guevarra sa pagdating. 

May mga kababaihan naman na nag-uusap-usap tungkol sa kasal na magaganap. Kayamanan daw ang dahilan kung bakit sila magpapakasal. Ang iba naman ay nagsabi na kaya magpapakasal si Maria Clara ay dahil bibitayin na si Ibarra, ang unang katipan nito. Dahil sa mga narinig na ito ay nalungkot si Maria Clara. 

Sa grupo naman ng kalalakihan, pinag-uusapan nila ang tungkol sa paglipat ng kura sa Maynila. Sinabi naman ni Tinyente Guevarra na si Ibarra ay ipatatapon lamang at hindi bibitayin. Isa pa sa mga ipinahayag niya ang kaso ni Ibarra. Pagkatapos nito, binati niya si Maria Clara at sinabi na mayroon itong magandang kinabukasan. Umalis na ang tinyente makalipas ang ilang sandal. 

Nagtungo sa Asotea si Maria Clara. Isang bangka ang nakita niya sa sadsaran ng kanilang bahay. Puno ng damo ang bangkang ito at sakay dito sina Elias at Ibarra. Si Ibarra ay itinakas ni Elias. Si Ibarra ay dumaan upang ipahayag ang kanyang damdamin kay Maria Clara at upang bigyan ng laya ang kasintahan sa kasunduan nilang dalawa. 

Si Maria Clara naman ay nagtapat ng dahilan kung bakit siya magpapakasal kay Linares. Ayon sa dalaga, tinalikuran niya ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa ina niyang namayapa na at sa dalawang amang nabubuhay pa. Sinabi rin niya na si Ibarra ang tangi niyang mahal at hindi si Linares. 

  Noli Me Tangere Kabanata 22: Liwanag at Dilim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Niyakap naman ni Ibarra si Maria Clara at pinugpog ito ng halik. Pagkatapos nito, lumundag na siya sa pader at sumakay ng bangka. Yumukod naman si Elias kay Maria Clara at tinanggal ang sombrero. Sumagwan naman sila papalayo sa umiiyak na si Maria Clara. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 60

Narito ang mga aral na matututunan natin sa Kabanata 60 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay may hatid na magandang kaisipan na magbibigay inspirasyon para sa mga mambabasa. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagiging totoo sa sarili Si Maria Clara ay nagpahayag ng kanyang totoong damdamin kay Ibarra. Ipinagtapat niya ang dahilan at ang kanyang tunay na nararamdaman kay Ibarra. 
Pagkakaroon ng tapang sa pagharap sa reyalidad at mga pagsubok sa buhayMatapang na hinarap ni Maria Clara at Ibarra ang mga pagsubok sa buhay. Kahit masakit, isinakripisyo nila ang kanilang pag-ibig para sa ikabubuti ng lahat. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 60 ng Noli Me Tangere. Nagpunta sila sa bahay ni Kapitan Tiyago upang pag-usapan ang pag-iisang dibdib nina Maria Clara at Linares. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Tiyago Siya ang ama ni Maria Clara. 
Kapitan Tinong Siya ay namamanas, putlain, nagkasakit, at di palaimik.
LinaresSiya ang lalaking ikakasal kay Maria Clara. 
Tiya IsabelAng tiyahin ni Maria Clara. 
Don Tribucio at Donya VictorinoMga kamag-anak ni Linares.
Maria Clara Ipinipilit na ipakasal kay Linares. Ang kanyang tunay na damdamin ay ipinahayg niya kay Ibara.
Ibarra Ang tunay na minamahal ni Maria Clara.
Elias Siya ang nagligtas kay Ibarra
Tinyente GuevarraSinabi niya na si Ibarra ay hindi bibitayin at ito ay ipatatapon lamang. 
Padre Salvi at Padre SibylaSila ay dumalo sa okasyong ito.
AlperesIsa siya sa mga bisita ni Kapitan Tiyago. 

Talasalitaan 

Ang may-akda ng Noli Me Tangere ay gumamit ng mga malalalim na salita, kaya maaaring ang mga ito ay hindi pamilyar sa mga mambabasa. Narito ang ilan sa mga salitang ito at ang kahulugan. 

  Florante at Laura Kabanata 15: Pangaral sa Magulang – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Paglalarawan 
Namayapa / Yumao Namatay
Asotea Pinakamataas na bahagi ng tahanan. Isa itong balkonahe na may kaunti o walang bubong.
Ipamalita Ipakalat
Natanaw Nakita
Lulan Sakay 

Leave a Comment