Noli Me Tangere Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 25 ng Noli Me Tangere ay naganap sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Dito ay nagkausap sina Pilosopo Tasyo at Ibarra tungkol sa kanyang pagpapatayo ng paaralan. Hiningi ni Ibarra ang payo ng Pilosopo. Hindi sila nagkasundo sa ilang konspeto dahil magkaiba sila ng pananaw, prinsipyo, at paniniwala tungkol sa iba’t-ibang bagay. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 25

Pumunta si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa kanyang binabalak na pagpapatayo ng paaralan. Nakita niya na abala si Pilosopo Tasyo sa pagsusulat kaya hindi na sana siya tutuloy. Napansin naman siya nito at inanyayahan sa kanyang tahanan. Ang sinusulat niya ay heroglipiko sa Wikang Tagalog na hindi raw mauunawaan ngayon. Ito ay para sa susunod na henerasyon sapagkat magiging mas matatalino sila kaysa sa mga ninuno. 

Inilagay ni Ibarra ang kaniyang sarili bilang isang dayuhang mula sa Europa kahit sa San Diego siya ipinanganak at lumaki. Kailangan niya ang payo ng pilosopo dahil kilala ito sa bayan. Sinabi naman ni Pilosopo Tasyo sa kanya na hindi dapat sa kanya sumangguni si Ibarra. Dapat daw ay sa kura, kapitan ng bayan, at mga mayayaman. 

Sinabi rin ni Pilosopo Tasyo sa kanya na masamang payo ang ibibigay ng mga ito kay Ibarra, ngunit hindi naman nangangahulugan ang pagsangguni na dapat sundin ang kanilang mga suhestiyon o payo. Magkunwari na lamang si Ibarra na sinusunod niya ang sinabi ng mga ito. 

Ang sabi ni Ibarra ay maganda ang payo ng pilosopo ngunit mahirap itong gawin. Para kay Ibarra, hindi dapat palitan ng kasinungalingan ang katotohanan. Sinabi ng Pilosopo sa binata na mas makapangyarihan ang simbahan kaysa sa pamahalaan kaya kailangan niya ang suporta at tulong nito. Naniniwala naman si Ibarra na tutulungan siya ng pamahalaan at ng mamamayan sapagkat ang kanyang mithiin ay para sa kabutihan ng nakararami. 

  Noli Me Tangere Kabanata 46: Ang Sabungan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Patuloy ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ni Ibarra at Pilosopo Tasyo dahil sa kanilang magkaibang paniniwala. Sinabi ni Pilosopo Tasyo na ang pader ng pamahalaan ay nakasandig lamang sa pader ng simbahan. 

Natutuwa naman si Ibarra sapagkat hindi dumadaing ang bayan at hindi ito naghihirap tulad ng ibang bansa. Ayon naman kay Pilosopo Tasyo ay hindi dumadaing ang bayan sapagkat ito ay parang pipi. Aniya, sa darating na panahon ay magkakaroon ng liwanag sa dilim at lalabanan ng bayan ang kanilang pagtitimpi. Maniningil din ang bayan at maisusulat ang dugo sa kasaysayan. 

Dagdag pa ni Pilosopo Tasyo ay maganda ang plano ng mga nakatataas na pinuno ngunit hindi ito napatutupad ng maayos sapagkat sakim sa yaman ang mga nasa posisyon at kulang sa kaalaman ang bayan. Pinayuhan si Ibarra ni Pilosopo Tasyo na yumuko sa mga naghahari-harian kung gusto niyang magtagumpay ang kanyang plano. 

Inihalintulad ni Pilosopo Tasyo si Ibarra sa halamang rosas na kailangang yumuko kapag hitik na ang bulaklak, dahil kung hindi ay mababali ito, at sa puno ng makopo na nangangailangan ng tukod upang hindi maitumba ng hangin. Tulad ng mga halaman at punong ito, kailangan din ni Ibarra ang suporta ng simbahan at pamahalaan. 

Bago naman umalis si Ibarra ay binigyan siya ni Pilosopo Tasyo ng inspirasyon na kung hindi magagawa ni Ibarra ang mga plano niya ay mayroon namang uusbong na magpapatuloy ng kanyang nasimulan. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 25

Narito ang mga aral na matututunan natin sa Kabanata 25. Marami tayong makukuhang mahahalagang bagay at kaisipan mula sa naging usapan nina Pilosopo Tasyo at Ibarra tungkol sa pagtupad ng isang mithiin. 

  El Filibusterismo Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga Maynila  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Aral Paglalarawan 
Maging responsable bilang isang pinuno Nakita natin na ang mga pinuno na tinutukoy sa kabanatang ito ay ginagamit sa pansariling interes ang kanilang kapangyarihan. Bilang isang pinuno, dapat ay magkaroon ng patas na desisyon para sa ikabubuti ng nakararami at maging responsable sa mga ginagawa. 
Mahalaga ang edukasyon at pag-alam sa katotohanMahalagang buksan ang mga mata at isipan upang makita ang pang-aabuso ng mga pinuno at ang mga katiwaliang kanilang ginagawa. Sa pamamagitan nito, mas magiging maunlad ang bayan. 
Ang pagyuko sa mga pinuno o makapangyarihan ay hindi nangangahulugan ng kaduwaganMinsan ang pagiging mapagkumbaba sa mga pinuno ay nakatutulong upang maabot ang mga pangarap. 
Pagbibigay ng payo at inspirasyon sa ibang tao Malaki ang naitutulong ng pagbibigay ng mabuting payo at inspirasyon sa ibang tao. Ito ay magsisilbing gabay at magbibigay ng lakas ng loob upang harapin ang mga pagsubok. 

Mga Tauhan sa Kabanata 25

Ang kabanatang ito ay naka-sentro sa pag-uusap nina Pilosopo Tasyo at Ibarra tungkol sa pagpapatayo ng paaralan sa bayan. Mas nakilala natin sila dahil sa pagbabahagi nila ng kanilang mga pananaw at paniniwala base sa kanilang karanasan at obserbasyon. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Crisostomo IbarraSi Crisostomo Ibarra ay pumunta sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo sa kanyang layunin na magtayo ng paaralan. 
Pilosopo TasyoSiya ang nagbigay ng payo at inspirasyon kay Ibarra. 

Talasalitaan 

Narito ang mga malalalim na salitang nabanggit sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere. Ang pag-alam sa kahulugan ng mga salitang ito ay makatutulong sa atin upang mas mapalawak ang ating kaalaman sa Wikang Filipino. 

  El Filibusterismo Kabanata 36: Mga Kapighatian ni Ben Zayb – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Suhestiyon Mungkahi o Payo 
Punla Binhi 
Kura Pari
Pilosopo Matalino
Uusbong Sisibol 

Leave a Comment