El Filibusterismo Kabanata 11: Los Baños  – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang nilalaman ng artikulong ito ay ang buod ng ika labing isang kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Los Baños. Maliban sa nilalaman ng buod ng Kabanata labing isa ay ipakikilala rin ang mga karakter ng nobela na mababanggit sa kabanatang ito. Naglalaman rin ang sulating ito ng mga makukuhang  aral na sa kabanata at maging mga talasalitaan na nabanggit na siyang binigyan ng mas malinaw at mababaw na kahulugan upang mas maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 11: Los Baños

Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Bosoboso kasama ng banda ng musiko. Siya ang pangalawang patron real na naka base sa Pilipinas o kinatawan ng patron real ng hari ng Espanya. Walang nabaril ni isang usa o ibon man ang Kapitan Heneral, nag balik na ang grupo sa Los Baños. Noon ay kasalukuyang ika 31 ng Disyembre. Naglalaro ng Tresilyo ang Kapitan Heneral sa bahay aliwan kasama ni Padre Sibyla at Padre Irene. Si Padre Camorra naman ay natutuwa sapagkat siya ay nananalo na. Ang hindi nya alam ay sinasadya magpatalo ng dalawa para sila ay maka lamang na kausapin ang Kapitan Heneral tungkol sa plano ng mga kabataan na eskuwelahan na magtuturobng wikang Kastila. 

Samantalang habang nagsusugal ay pinag aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa isa ng kalihim noong pagpapalit ng tungkulin. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez. Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene upang ikinapanalo ng Kapitan Heneral. Sa galit ay tumayo na ito. 

Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra na nooy wala na sa eksena. biniro pa siya ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante.

Pumayag si Simoun. Ngunit wala raw namang maitataya ang kura. Kung kaya’t sinabi ni Simoun na babayaran siya ng pangako nila Padre Sibyla na 

sa bawat limang bilang ay mangangako na di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal. Di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal at kay Padre Irene naman ay lilimutin  ang kalinisang ugali, awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ani Simoun ay kapalit ang kanyang mga brilyante. Dinagdag pa nya ang karapatan magpa piit ng tao sa loob ng limang araw at pagpapatapon maging ang sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa isang taong pipiliin nya at iba pa. Tinanong ng Kapitan Heneral kung ano ang mapapala ni Simoun sumagot naman ito na para mawala na ang masasamang damo. 

  Noli Me Tangere Kabanata 4: Erehe at Pilibustero – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi anq 2 niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang Heneral. Marami raw baril ang tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag. Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang aking mga alahas? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga tulisan sa bayan at siyudad. 11:30 na ng ipatigil ng Kapitan Heneral ang pag susugal at marami pa raw silang pag uusapang suliranin at manananghalian na raw. 

Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon. Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging sinasalungat ang Heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod.

Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani. Ang guro ay humihingi ng bahay paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok. Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani.

  Noli Me Tangere Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod, dugtong pa nito, lahat ng daraing ay pipigilin sa tungkulin. Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan. Kung linggo at pista lang naman daw ginagamit ang pinakamaayos na gusali gaya ng mga sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang. Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag aaralan daw niya. Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya.

Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong. Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang magsalita. Inisa isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni Padre Fernandez si Isagani. Ani naman ni Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor daw ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito.

Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may taga tangkilik na isang kondesa kaya’t di ito pinagusapan. Isinunod si Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam. Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene at Don Custodio.

Tumutol naman si Padre Camorra at sinabing Ang mga Indiyo ay di dapat matuto ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila.

Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko. Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na labanan natin sila ay sang ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit makikipagkagalit tayo sa Bayan? kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin sila, tayo ay di nila kailangan. Ngayon ay mahina ang bayan. Ngunit bukas makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante. Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita. Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita. Nagsabad sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian. Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si Kabesang Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng ama. Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang Heneral.

  Noli Me Tangere Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 11?

Huwag gumaya kay Simoun na pinalalalang lalo ang pagmamalabis ng mga Kastila para sa sarili niyang paghihiganti kahit na magsakripisyo siya ng mga taong siyang mahihirapan sa pagmamalupit ng mga Kastila. Hindi magandang ehemplo ang ginagawa no Simoun ngunit hindi rin naman maganda ang pagmamalabis ng mga Kastila. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 11?

Kapitan Heneral – Ang pangalawang patron real na naka base sa Pilipinas o kinatawan ng patron real ng hari ng Espanya. 

Padre Sibyla – Isang paring kastila na kasa kasama nila Padre Irene at Camorra kalaro ng Kapitan Heneral. 

Padre Irene – Kalaro ni Padre Sibyla at ng kapitan Heneral. Isang paring Kastila. 

Padre Camorra – Paring Kastila na kalaro rin ng Kapitan Heneral. 

Padre Fernandez – Fraile na isang Dominiko. 

Don Custodio – Nababanggit sa nobela. 

Simoun – Ang mayamang alahero na sikat sa tawag na Cardinal Moreno

Talasalitaan

Pinasyahan – Pinagdesisyunan. Halimbawa: Pinasyahan na palayain ang mga tao sapagkat sikit na sa bilangguan. 

Indiyo – Ang tawag sa mga Pilipino na walang dugong Kastila. 

Kumatig – Pumanig. Halimbawa: Kumatig siya sa desisyon ng nakararami sapagkat alam niyang ito ang nararapat. 

Leave a Comment