Florante at Laura Kabanata 15: Pangaral sa Magulang – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 15 ng Florante at Laura ay may hatid na magandang mensahe, lalo na sa mga magulang. Malaki ang papel ng mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Sa kabanatang ito ay makikita natin ang kinahihinatnan ng mga batang lumaki sa layaw at sa kaligayahan. Ang mga ito ay nahihirapan sa mga pagsubok ng buhay, sapagkat sila ay sanay sa ginhawa. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 15

Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang isang bata sa saya at mamihasa sa katuwaan, sapagkat wala itong kakamiting ginhawa kapag lumaki na. 

Ang mundo ay bayan ng paghihinagpis. Bilang isang mamamayan ay kailangan mong tibayan ang iyong kalooban. Kapag ang bata ay lumaki sa tuwa, ito ay walang pagtitiis, kung kaya’t walang dahas na mailalaban kapag dumanas ng sakit o pagdurusa. 

Ang tao na nasanay sa kaligayahan at pag-aaliw ay mahina ang puso. Inilarawan din ni Florante ang mga ito na maramdamIn. Hindi nila matututunan kung paano bathin o harapin ang mga hilahil na kanilang mararanasan. 

Ang mga taong ito ay maihahalintulad sa isang halaman na lumaki sa tubig o halamang paliging nadidiligan. Nalalanta ang mga dahon nito kapag hindi kaagad nadilig. Kapag nainitan kahit na sandal ay ikinaluluoy kaagad nito. Sa halamang ito niya maihahambing ang taong ang puso ay nanaig o nasanay sa tuwa. 

Kahit maliit o kahit kahirapan na maranasan ay iniisip na isang malaking dalahin o pasanin na, sapagkat ang kanyang dibdib ay hindi sanay na mahirapan. Ang kahirapan ay magiging bago sa kanya lalo na at ang mundo ay walang kisapmata. Ang mga tao ay mayroong mga pinagdaaraan na pagsubok kaya mahalagang magkaroon ng matatag na kalooban. 

  Florante at Laura Kabanata 28: Si Flerida – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Kapag ang isang tao ay laki sa layaw, karaniwan ito ay hubad sa kabaitan at pagmumuni. Salat din ang mga ito sa hatol. Ang resulta ng maling paglingap ay masaklap. Ang ibang mga bata ay napapabayaan sapagkat may mga magulang na tamad magturo sa kanilang mga anak. 

Ang mga bagay na ito ay talastas ng kanyang ama kaya siya ay ipinadala sa Atenas upang mamulat ang kanyang bulag na kaisipan

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 15

Sa simula pa lamang ng kabanatang ito ay marami na tayong matututunang aral. Ang mga aral na ito ay mahalagang matutunan at malaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga magulang. 

Mga Aral Paglalarawan 
Huwag palakihan o pamihasanin ang mga bata sa saya at katuwaanKapag ang bata ay lumaki sa saya at katuwaan ay hindi magiging madali sa kanya ang pagkamit ng ginhawa, sapagkat hindi sanay humarap sa mga pagsubok. 
Magkaroon ng matapang na kalooban Marami tayong mararanasang pagsubok at paghihirap, ngunit ang mga ito ay makatutulong sa atin upang mapaunlad ang ating pagkatao. Upang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok ay mahalagang magkaroon ng lakas ng loob. 
Mahalagang turuan na agad ang mga bata ng mabuting asal at humarap sa mga pagsubokKapag marunong tayong gumawa ng tamang desisyon at aksyon, malalampasan natin ang mga pagsubok na ating kinakaharap. Mahalagang matutunan ang mga magandang asal at magkaroon ng matapang na puso upang magtagumpay. 
Malaki ang papel ng mga magulang sa kinabukasan ng kanilang mga anakAng mga magulang ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kinabukasan ng mga anak nila. Ito ay nagsisimula sa pagtuturo sa mga bata ng mabuting asal. Mahalaga ang mga bagay na itnuturo at ipinapakita ng mga magulang sa mga bata, sapagkat ito ang nagiging pundasyon ng kanilang pag-uugali at pagkatao.  

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 15 ng Florante at Laura. Dito ay mas makikilala natin ang mga magulang ni Florante na nagbigay sa kanya ng mga magagandang pangaral at maayos na pagpapalaki. 

  Noli Me Tangere Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Aladin Sa kanya isinalaysay ni Florante ang mga aral na natututunan niya sa kanyang mga magulang. 
Florante Isinalaysay niya ang mga aral na kanyang natutunan sa mga magulang. Sinabi niya na hindi dapat lumaki sa layaw ang mga bata, sapagkat ito ay hindi nakatutulong sa kanilang kinabukasan. 
Duke Briseo Ang ama ni Florante. Ipinadala niya si Florante sa Atenas upang mamulat ang bulag na kaisipan nito. 
Prinsesa FlorescaSiya ang ina ni Florante at nalungkot siya sa pagpapadala ni Duke Briseo kay Florante sa Atenas. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay mayroon tayong mababasang mga malalalim o matatalinhagang salita. Ang ating pang-unawa sa sariling wika ay lalawak sap ag-alam natin sa kahulugan ng mga salitang ito. 

Mga Salita Kahulugan 
Namihasa Nasanay 
HihintingKakamitin 
HinagpisPagdudusa, pagkalungkot, pagdadalamhati, o pagkalumbay.
Magawi Nasanay
HilahilMatinding kirot o ligalig sa isip
Bathin Kaharapin 
Ikinaluluoy Ikinalalanta o ikinahihina 
Maniig Mamihasa o masanay sa isang pangyayari
Magbata Magdala
KisapmataIto ay isang idyoma na nangangahulugan ng mabilis na pagkawala ng isang bagay o mabilis na pagbabago ng mga pangyayari. 
Salat Kakulangan o kakapusan sa isang bagay
Paglingap Pag-aaruga, pagmamahal, pagkandili, o pagkalinga. 
MasaklapHindi magandang pangyayari sa tao, bagay, o hayop. 
Likong pagmamahalHindi maayos o tuwid na pagmamahal. 
TalastasNabatid, nauunawaan, o naiintindihan. 

Leave a Comment