El Filibusterismo Kabanata 8: Mabuting Pasko – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang Artikulong ito’y naglalaman ng buod ng kabanata walo ng El Filibusterismo na pinamagatang Mabuting Pasko. Maliban dito ay ipakikilala rin ang mga tauhan na mababanggit sa kabanata ng nobela. Naglalaman din ang artikulong ito ng mga aral na matututunan sa nobela at maging ang mga talasalitaan na nabanggit sa kabanata at ipaliliwanag ito sa mas mababaw na kahulugan upang mas maunawaan ng mga mambabasa o ng sino mang sumusuri sa nobela.

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 8: Mabuting Pasko

Namumugto pa ang mga mata ni Huli ng siya’y magmulat at makitang madilim pa ang kanilang kabahayan. nagtitilaukan na ang mga manok. Sa isip isip niya’y marahil gumawa ng himala ang Mahal na Birhen na hindi na sumikat pa ang araw. Bumangon na siya sa pagkaka higa at nag antanda, taimtim na nagdasal bago pumunta sa batalan na iniingatan nyang wag gumawa ng ingay sa kaniyang pag lakad. 

Walang himala sapagkat sisikat ang araw, ang mga bituin sa silangan ay lumalamlam at ang mga manok ay unti unti na sa pagtigil ng tilaok. Ang kaniyang hiling ay mas madaling magagawan ng himala kung susumahin ay ano na lamang ba ang dalwang daan at limampung piso sa birhen ngunit ang naiwan ay ang sulat ng kaniyang ama na naglalaman ng paghingi nito ng tulong pang tubos. Nagtataka si Huli sapagkat panatag ang kaniyang kaisipan di gaya ng nagdaang gabi. Gumawa na siya ng salabat na pang agahan, naiisip niya rin si Basilio na palaging nagsasabi na pag siya ay naging Mediko ay pakakasalan siya at hindi na kakailanganin ng kaniyang ama ang lupain nito. 

  Noli Me Tangere Kabanata 55: Ang Pagkakagulo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Pagkat nasagi sa kaniyang isipan si Basilio ay hinahkan niya ang agnos na bigay nito sa kaniya ngunit agad na pinawi ang labi sapagkat ang agnos ay mula sa ketongin na isipin pa lang niya na siya ay magkakaroon ng ganoong karamdaman ay hindi na siya makapag aasawa. Nakita niya ang kanyang lelong na nakaupo sa isang sulok. Binindisyunan siya ng matanda na nagawa pa niyang mag biro na pag dumating ang kaniyang Ama ay sabihin dito na siya ay naka pasok sa kolehiyo at ang amo niya ay marunong ng Kastila. Nang makita niya na napupuno na ng luha ang mga mata ng matanda ay sinunong na niya ang kaniyang tampipi at mabilis na pumanaog sa hagdan. Nilingon niya ang kanilang mapanglaw na bahay, ang bahay na kinalakihan niya. Umiyak si Huli ng umiyak. 

Nang maka alis si Huli ay mataas na ang araw, Si Tandang Selo ay nakadungaw at naka tingin sa mga batang lalaki at babae na nabihisan at wari ay pupunta sa Pistahan. Halos mga naka gayak ang lahat na tutungo sa misa. Ang pasko ayon sa matatanda ay pista ng mga bata sapagkat pero mahihinalang kanila pang kinatatakutan ang araw na iyon sapagkat sila ay binibihisan ng mga bagong kasuotan at dinadala sa misa mayor kung saan kailangan nilang magtiis sa init at singaw ng mga taong nagsisiksikan sa loob ng isang oras, kailangan nilang mag rosaryo o kung hindi man ay wag maglilikot o makakatulog. Sa bawat kagaslawan at pag rumi ng kasuotan ay katumbas ang kurot o pagalit ng magulang kung kaya’t tila hindi kasiya siya ang pasko sa mga bata. Matapos yon ay dinadala sila sa bahay ng mga kamag-anak upang sumayaw o kumanta sa ayaw man nila o gusto at pag sumuway ay kurot nanaman. Sila’y binibigyan ng pera ng kanilang kamag-anak na hindi naman nila napapakinabangan pagka’t kinukuha ito ng kanilang mga magulang. 

  Noli Me Tangere Kabanata 48: Ang Talinhaga – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang mga taong may kagulangan na ay nakakasali rin sa kapistahang ito, silay pumupunta sa bahay ng kanilang mga magulang o di kaya’y kamag-anakan at luluhod ang isang paa bago babati ng maligayang pasko. Ang Aguinaldo na natatanggap ng may mga edad ay hindi salapi bagkus ay matamis, bungang kahoy at isang basong tubig o di kaya’y regalo. Pinagmasdan ni Tandang Selo ang mga kaibigan at nalungkot na siya’y walang aguinaldo na maiaabot sa mga ito sapagkat ang kaniyang apo ay umalis ng walang taglay na Aguinaldo o mabati man lang siya ng maligayang pasko. Sinalubong ni Tandang Selo ang mga kamaganakang dumalaw bitbit ang kanilang mga anak. Ngunit hindi niya kayang bumigkas ni ano mang salita na kanya namang ikinamangha. Pinilit ang sarili ngunit hindi magawa, tanging pag iling ng ulo ang kaniyang tugon. Lumabas na tinig sa matanda ay kahaya ng sa hungkoy. Pipi! Pipi! Sigawan ng mga taong nasindak at nagkagulo. 

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 8?

Ang sakripisyo ng isang Anak para sa kaniyang Ama – Gaya na lamang ni Huli na humihiling na huwag ng mag umaga sapagkat alam niya na pag tungtong ng umaga ay aalis na siya sa kanilang bahay upang manilbihan. Kung tutuusin ay hindi naman responsibilidad ni Huli na tubusin ang ama pero ginawa niya dahil sa pagmamahal niya dito. Handa siyang iwan ang kanilang pamamahay upang manilbihan para sa perang ipangtutubos sa ama, mabigat man sa kaniyang kalooban ay napilitan siya para sa ikabubuti ng kaniyang ama at para sa ikapapalagay niya. Ang pagmamahal para sa ating pamilya at mahal sa buhay ay handang hamakin ang lahat. 

  El Filibusterismo Kabanata 36: Mga Kapighatian ni Ben Zayb – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 8?

Huli – Kasintahan ni Basilio na anak ni Kabesang Tales na mamamasukan bilang utusan upang ipang tubos sa kaniyang Ama na nadukot ng mga tulisan. 

Basilyo – Ang kasintahan ni Huli na nag aaral ng Medisina. Nangangako kay Huli ng Kasal matapos niyang makapag tapos sa pag aaral. 

Tandang Selo – Ang Ama ni Kabesang Tales na Lolo naman ni Huli. Kagulat gulat na naging Pipi siguroy dahil sa lungkot. 

Talasalitaan

Batalan – Sinaunang lababo kung saan gumagawa noong araw ng paghahanda ng makakain.

Nag antanda – Ginagawa ng mga Katoliko bilang tanda ng pananalig sa Panginoon. 

Lumalamlam – Pumupungay

Nasagi – Mahinang pag banga. Nadaplisan. 

Lelong – Lolo

Pumanaog – Bumaba

Tampipi – Sinaunang Maleta o lagayan ng damit. 

Sinunong – Lumakad. Halimbawa: Sinunong na niya ang kalsada para pumunta sa palengke. 

Kagulangan – Matatanda

Leave a Comment