Noli Me Tangere Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 20 ng Noli Me Tangere ay ating matutunghayan ang isang pagpupulong na binuo ng dalawang pangkat. Bawat grupo ay nagpahayag ng kanilang suhestiyon para sa darating na pista. Bukod sa pista ay pinag-usapan rin ang pagtatayo ng paaralan. Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang guro at si Ibarra. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 20

Nagkaroon ng isang pagpupulong na ginanap sa tribunal ng bayan. Ito ang lugar kung saan karaniwang nagpupulong ang mga taong makapangyarihan. Nagsisimula na ang pagpupulong nang dumating sina Ibarra at ang guro. 

Mayroong dalawang grupo sa nasabing pulong. Ang unang grupo ay ang mga konserbador na kinabibilangan ng mga matatatanda na pinamumunuan ng Kabesa. Samantalang ang ikalawang grupo naman ay binubuo ng mga kabataan na pinamumunuan ni Don Filipo. Labing-isang araw na lang ang nalalabi bago ang piyesta. Tinulugsa ni Don Filipo ang Kapitan at Tinyente Mayor sapagkat wala silang malinaw at maayos na plano para sa darating na piyesta. 

Ang pagpupulong ay sinamantala ng mga mayayaman kahit wala namang katuturan ang kanilang talumpati o mga sinasabi. Isa na rito si Kapitan Basilyo na nakalaban na rin ni Don Rafael

Unang nagpahayag ng suhestiyon ang grupo ng mga kabataan. Naglahad si Don Filipo ng mga suhestiyon at talaan ng mga magagastos. Gusto niyang magtanghal ng komedya sa loob ng isang lingo, magkaroon ng isang malaking tanghalan o dulaan sa liwasang bayan, at magkaroon ng mga paputok upang mas maging masaya ang pagdiriwang. 

Sinabi niyang ang magagastos sa komedya ay P1,400 dahil ito ay P200 bawat gabi na gaganapin sa loob ng pitong araw. Nagkakahalaga naman ng P600 ang komedya at gusto rin niyang maglaan ng P1,000 para sa mga paputok. Dahil dito, binatikos siya ng mga taong dumalo at iniatras na niya ang kanyang mungkahi. 

  Noli Me Tangere Kabanata 37: Ang Kapitan Heneral – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang kabilang grupo naman ang sunod na nagbigay ng mungkahi. Gusto nilang tipirin ang pagdiriwang ng piyesta kaya hindi na kailangan ng mga paputok. Ang mga mamamayan daw ng San Diego ang magpapalabas ng komedya at ang magiging paksa ay ang pagpapakita ng sariling ugali upang mawala ang mga kapintasan. 

Walang bisa ang suhestiyon o mungkahi ng dalawang grupo sapagkat ipinahayag ng Kapitan na nakapag-desisyon na ang kura para sa mga gagawin sa darating na piyesta. Ayon sa kura ay magkakaroon ng anim na pursisyon, tatlong misa mayor, tatlong sermon, at isang komedya. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 20

Sa bawat kwento o nobelang ating nababasa, may mga aral tayong natututunan. Ang Kabanata 20 ng Noli Me Tangere ay nagpapakita ng paghahanda para sa pagdiriwang ng piyesta, isa sa mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino. 

Mga Aral Paglalarawan 
Isaalang-alang ang kapakanan o kasiyahan ng mga nakararami sa bawat desisyon na gagawinMaraming bagay ang dapat na bigyan ng pansin at isaalang-alang sa paggawa ng desisyon at pagpapahayag ng mga suhestiyon. Alamin kung ano ang makabubuti para sa karamihan at makinig sa suhestiyon ng bawat isa. 
Pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino Ang tradisyon ay sumasalamin sa kultura ng isang komunidad. Pahalagahan, isabuhay, at ipagdiwang ng maayos ang mga pamanang tradisyon sa atin. 
Pakikilahok sa pagpupulong ng bayan o komunidad Aktibong makilahok sa mga pagpupulong upang malaman ang mga kaganapan sa komunidad at kung paano nabuo ang isang desisyon. Sa ganitong paraan ay maipapahayag mo rin ang iyong sariling mungkahi. 
Irespeto ang suhestiyon, mungkahi, o opinyon ng bawat isaBawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paniniwala tungkol sa iba’t-ibang bagay. Irespeto natin ang mungkahi ng bawat isa kahit ito ay iba sa ating pananaw o paniniwala. 
Magkaroon ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng bayanHindi maiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t-ibang suhestiyon, pero sa huli ay dapat pa ring manaig ang pagkakaisa. Ang pagkakaisa ang isa sa mga mahahalagang kaugalian na dapat pahalagahan dahil pag-unlad ang dulot nito sa isang komunidad. 

Mga Tauhan sa Kabanata 20

Ang mga tauhan sa Kabanata 20 ay binubuo ng mga taong dumalo sa ginawang pagpupulong tungkol sa parating na piyesta. Dito ay makikita natin ang pagkakaiba ng kagustuhan at paniniwala ng dalawang grupo na nakilahok sa pagpupulong. 

  Noli Me Tangere Kabanata 61: Ang Barilan sa Lawa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Crisostomo Ibarra Pumunta siya sa pagpupulong upang malaman ang plano sa paaralan at darating na piyesta. 
Guro Dumalo siya sa pagpupulong sapagkat ang pagtatayo ng paaralan ang isa sa mga paksa nito.
Kapitan Basilyo Siya ang Kapitan na walang kabuluhan ang mga sinasabi sa pagpupulong. Nakaaway na rin siya dati ni Don Rafael. 
Kabesa at mga matatanda Ang kabesa ang namumuno sa mga matatanda sa ginanap na pagpupulong. Iminungkahi nila na magtipid sa gaganaping piyesta. 
Don Filipo Si Don Filipo ang namumuno sa mga Kabataan sa pagpupulong. 
Kura Ang kura ang nagdesisyon sa mga gawain na gaganapin para sa darating na piyesta. 

Talasalitaan 

Lumalawak ang ating bokabularyo at nadadagdagan ang kaalaman sa Wikang Tagalog tuwing nakakabasa tayo ng bagong salita at inaalam ang mga kahulugan nito. Sa Kabanata 20 ng Noli Me Tangere ay marami tayong matutunan na mga salita. 

Mga Salita Kahulugan 
Tribunal Isang bulwagan kung saan ginaganap ang pagpupulong
Panukala Suhestiyon
Kabesa Pinuno 
Komedya Isang palabas na nagbibigay aliw sa mga manonood
Pinamumunuan Pinamamahalaan 
Tinutulan Inayawan
Talaan Listahan 
Sermon Pagbibigay ng mensahe o aral tungkol sa moral at relihiyon 
Parada Isang parada para sa panrelihiyon na okasyon 
Iminungkahi Ipinahayag 

Leave a Comment