El Filibusterismo Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutchero – Buod, Aral, Tauhan ATBP. 

Ang sulating ito ng ika limang Kabanata ng El Filibusterismo ay pinamagatang “Ang Noche Buena ng isang kutchero” naglalaman ang Artikulong ito ng buod ng ikalimang kabanata ng novela. Bukod sa buod ng kabanata ay may mga tauhan ding ipakikila sa bandang hulihan ng artikulong ito na nabanggit sa Nobela. Mayroon ring aral na makukuha sa Kabanata at mga Talasalitaan na ginamit sa nobela.

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTCHERO

Bisperas ng araw ng Pasko at kasalukuyan na inililibot sa lansangan ng buong bayan ang prusisyon pang Noche Buena ng si Basilio ay marating ang San Diego sakay ng Karomata. Natagalan ang kaniyang biyahe pauwe ng San Diego nang sila’y harangin ng Guardia Sibil nang hindi maipakita ng kutsero ang kaniyang Sedula at sila’y ihinarap sa Komandante. Muling naantala ang biyahe makalipas ang pag harap sa Komandante ng dahil naman sa Prusisyon na binigyang daan sa kahabaan ng mga kalye ng San Diego.

Sa kanilang pag tigil upang panoorin ang Prusisyon ay una nilang namataan ang imahe ng Matusalem dahilan para mag tanggal ng sombrero ang kaniyang Kutchero at nag dasal ng Ama Namin. Tila nakaligtaan na ng kutchero ang kanina’y pananakit sa kanya ng Guardia Sibil at nagsabing “Marahil ay walang Guardia Sibil noong panahon na nabubuhay ang mga Santo, kung mayroon may ay marahil hindi sila mabubuhay ng matagal sa pagkulata”

Sumunod na idinaan ng Prusisyon ay ang tatlong haring mago na kinabibilangan ng imahe nila Melchor, Gaspar at Baltazar. Ang mga ito’y naka sakay sa kabayo ngunit bukod tangi ang kabayo ni Haring Melchor na tila ba mananagasa sa dalawa nitong kasama. Naitanong pa nga ni Sinong kay Basilio kung nakawala na ang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kanundukan ng San Mateo. Kasunod na dumaan ay ang malungkot na pailaw, sinundan ito ni San Jose na sinundan naman ng mga batang may mga bitbit na parol na simbulo ng Paskong Pilipinas. Sa dulo ng Prusisyon ay ang Birhen Maria. 

  Noli Me Tangere Kabanata 35: Mga Usap-Usapan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

At ng matapos ang Prusisyon ay napansin naman ng mga Guardia Sibil na ang parol ng Karitela ni Sinong ay walang ilaw kung kaya’t ito ay pinarusahan nanaman ng mga Guardia Sibil. Dahil sa pangyayari ay nag lakad na lamang si Basilio. Natatanging bahay lamang ni Kapitan Basilyo ang tila masaya sa mga bahay na nadaanan ni Basilio. Nakita niya’ng may mga manok na pinapatay. Nasilip naman niya si Kapitan Basilio na kasalukuyang nakikipag usap sa Kura, sa Alperes at kay Simoun. Narinig pa niyang sinambit nito na “Nagkaka unawaan na tayo Ginoong Simoun. Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang iyong mga Alahas” nag bilin naman ng isang Kairel na relo ang Alperes at isang pares naman ng Hikaw para sa kura na kaniya namang ipinagtaka. (Bakit kaya hikaw?)

Nasa isip ni Basilio na si Simoun ay may kasindak sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap buhay sa bayanh ito liban sa amin. Sa bahay naman ni Kapitan Tiyago ay iginagalang si Basilio lalong lalo na ng matandang utusan nang makitang tumistis ito ng may sakit ng walang ni ano man. Pagkarating ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nagbigay ng ulat ang mga Utusan tungkol sa mga Kalabaw na namatay, pagkamatay ng Matandang nagtatanod sa gubat at pagkakapiit ng ilang katulong. Nanghinayang si Basilio nang kaniyang mabatid na namatay sa katandaan ang matandang nagtatanod sa gubat. Ibig niya kasing makatistis ng tao. Huling ibinalita ng mga utusan ang pagkaka dukot kay Kabesang Tales ng mga tulisan. Pagkarinig ay di naka kain ng hapunan si Basilio. 

  El Filibusterismo Kabanata 24: Mga Pangarap  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 5?

Ang pagmamalasakit ay mabuting gawain – Gaya na lamang ng ginagawa ni Basilio na nagmamalasakit kay Kapitan Tiyago at sa iba pa na ninanais niyang gamutin. Ito’y gawaing makatao at dapat na tularan ng lahat. 

Maging positibo – Gaya na lamang ni Sinong na isang kutsero na sinaktan na’t lahat ng mga Guardiya Sibil ay nagagawa pang maging positibo at limutin ang negatibong naganap sa kaniyang buhay. Isa itong magandang katangian ng tao na dapat ring tularan upang mas maging payapa ang pamumuhay. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 5?

Basilyo – Umuwi ng San Diego ng Bisperas ng Kapaskuhan. Ang naging tagapangalaga ni Kapitan Tiyago. Ang kasintahan ni Huli na anak ni Kabesang Tales. Anak ni Sisa at ang siyang nangangalaga kay Kapitan Tiyago. 

Sinong – Ang Kutchero na nag hatid kay Basilio sa San Diego. Hinarang ng Guardia Sibil dahil hindi maipakita ang Sedula at pinarusahang muli dahil walang ilaw ang parol sa kaniyang Karitela. 

Bernardo Carpio – Isang tauhan sa alamat na naitanong ni Sinong kay Basilio. 

Kapitan Basilio – Ama ni Sinang na namimili ng mga alahas kay Simoun. Kasalukuyang namataan ni Basilio na kausap si Simoun ang alperes at ang kura noong bisperas ng pasko. 

Simoun – Isang alahero na kausap ni Kapitan Basilio at ng Alperes sa bahay ni Kapitan Basilio. 

Kapitan Tiyago – Kinilalang Ama ni Maria Clara, dating sikat at iginagalang na tao sa San Diego at ngayo’y nalulong sa Opyo bunga ng kalungkutan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Kabesang Tales – Kasalukuyang dinampot ng mga tulisan at pinatutubos kapalit ng malaking halaga. Ama ni Huli na kasintahan ni Basilio. 

Talasalitaan

Kutchero – Kadalasang nagmamaneho ng karwahe o ng kalesa. 

Bisperas – Araw bago ang araw ng kaganapan. Bago mag araw ng kaganapan. Halimbawa: bisperas ng pasko, bisperas ng kaarawan, etc. 

Karomata – Isang uri ng sasakyang sinauna na karaniwang may dalawang gulong na hinihila ng kadalasay kabayo. Kaya nitong mag sakay ng hanggang dalawang pasahero. 

Komandante – Ang tawag sa Heneral ng mga sultados. 

Namataan – Nasulyapan, nakita. Halimbawa: namataan ni basilyo si Kapitan Basilyo na kausap si Simoun. 

Marahil – Siguro. Halimbawa: Marahil ay hindi pa kayo kumakain. 

Kura – Kura ay isa pang tawag sa pari noong panahon ng mga Kastila. 

Alperes – Ang Alperes ay nangangahulugan na Opisyal ng Militar. 

Tumistis – Mula sa salitang proseso ng panggagamot o operasyon. 

Leave a Comment