El Filibusterismo Kabanata 9: Si Pilato – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Naglalaman ang artikulong ito ng buod ng kabanata Siyam ng El Filibusterismo na pinamagatang si Pilato. Bukod sa maikling buod ng Kabanatang ito ay ipakikilala rin ang mga nabanggit na tauhan sa nobela. Ang mga aral na matututunan sa kabanatang ito ng El Filibusterismo ay isinama na rin kahit na maging talasalitaan na isa isang binigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 9: Si Pilato.  

Ang balita ng nangyari kay Tandang Selo ay nakarating sa bayan, lahat ay nagtataka kung papaano sinapit ng matanda ang ganoong pangyayari. Kinahabagan ng ilan ang nangyari sa matanda at ang ilan naman ay pinag kibit balikan na lamang ito. Walang may kasalanan sa pangyayari at walang dapat sisihin. Samantalang tumanggap naman ng utos ang tiniente ng nga Guardia Sibil na samsamin ang mga armas na tinugon naman nito. Ginawa iyon bunga ng pagkakadukot kay Kabesang Tales. Naka kuha ng lima o anim na pinaghihinalaan at ang mga ito ay inusig. 

Nagkibit balikat ang Uldog na siyang taga pangasiwa ng Hacienda. Wala siyang pakialam sa mga bagay bagay sapagkat ito’y kagagawan ng mga tulisan. Kung hindi siya nag sumbong ay hindi kukumpiskahin ang mga armas at siguro ay hindi mabibihag si Kabesang Tales. Siya si P. Clemente at kailangan niyang mag ingat sapagkat ang Tales na yon at tila sinisipat ang dakong patatamaan sa katawan. Ang pagsasanggalang sa sarili ay may katwiran, hindi niya trabaho ang umusig sapagkat ito’y trabaho ng mga Guardia Sibil, kung si Kabesang Tales lamang ay namalagi sa kaniyang bahay at hindi tumanod sa kaniyang lupain ay malamang na hindi ito madadakip ng mga tulisan. Yun ay utos ng langit para sa lumalaban sa kaniyang korporasyon.

  Noli Me Tangere Kabanata 13: Ang Babala ng Sigwa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nabatid ni Hermana Penchang, ang pinaglilingkuran ni Huli ang nangyari at bumigkas ng tatlong Susmariosep! Ito ay nag antanda pa sabay sabing “kung kaya tayo ay pinadalhan ng Diyos ng ganyang parusa ay dahil tayo’y makasalanan o may anak tayong makasalanan.” Pinatutungkulan nito si Huli, Para rito ay lubos na makasalanan si Huli “Sukat na namang ang dalagang maaari ng mag asawa ay hindi pa marunong magdasal” ibig nitong sabihin ay mali sa kaniyang paniniwala ang ginagawa ni Huli. Maging pag bigkas nito ng mga dasal ay napupuna ng matanda. Matapos ang litanya ay nag antanda at tila ba nagpapasalamat sa pagkakadakip sa Ama ni Huli para raw maalis sa pagkakasala ang anak at matuto ng kabutihan. Na alinsunod sa turo ng kura ay dapat tinataglay ng babaeng Kristiyana. At dahil nga dito ay pinipigilan niya ito na dumalaw at kalingain ang nuno. Kailangan ni Huli ayon kay Hermana Penchang na mag aral, mag dasal at magtrabaho hanggang mabayaran nito ang Dalwang daan at limampung piso na pagkaka utang. 

Nang malaman na si Basilio ay tumungo sa Maynila upang kunin ang salaping kaniyang naipon para tubusin si Huli ay inakala nito na mamamatay na at pakikiharapan ang dyablo na mag aanyong si Basilio. Kahit na nakakainip basahin ay makatwiran ang librong ibinigay ng Kura. Ang mga binatang pumupunta sa Maynila ay manliligaw at manliligaw pa ng iba. Sa pag aakala na naililigtas niya si Huli ay inutos ni Hermana Penchang na basahin ni Huli ng paulit ulit ang aklat ni Tandang Basio Makunat. 

  El Filibusterismo Kabanata 30: Si Huli – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Samantalang ang mga Prayle ay nagsasaya sa pagkaka bihag kay Kabesang Tales upang nang sa ganon ay maibigay nila sa Humingi ang lupain nito. Mga walang kahiyahiya ang mga ito at walang karangalan. Nang dumating ang dating may ari ng lupa na si Kabesang Tales at nalaman ang lahat ng pangyayari noong mga panahon na siya ay bihag ng mga tulisan ay naupo si Kabesang Tales at nalugmok  sa tabi ng kaniyang Ama na ni hindi man lang naguusap buong maghapon. 

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 9?

Huwag maging mapanghusga – Kagaya ng ginagawa ni Hermana Penchang kay Huli, ito ay kaniyang hinuhusgahan kahit na wala naman itong ginagawang masama. Ng dahil lamang sa hindi ito maalam sa pagdadasal ay napaka makasalanan na nito sa paningin ni Hermana Penchang. Huwag gayahin si Hermana Penchang. 

Huwag maging mapang lamang sa kapwa – Ang mga prayle na kumakamkam sa lupaing pinagyaman ni Kabesang Tales ay isang halimbawa ng pagiging mapanlamang sa kapwa. Hindi ito dapat tularan ng kahit na sino man. Ang pagnanasa sa mga bagay na hindi sayo ay para na ring katumbas ng pagnanakaw. 

Huwag maging makasarili – Gaya na lamang ni P. Clemente na walang pakialam kung ano man ang maging kahihinatnan ng kaniyang mga kilos. Ito ay hindi magandang halimbawa na dapat ay hindi tularan lalong lalo na ang mga kabataan. 

Maging matiisin – Gaya na lamang ni Huli na nagtitiis sa sitwasyon na kinalalagyan upang ng sa ganon ay makabayad sa pagkakautang at makalaya na sa pagiging utusan. Magandang gawain ito na dapat tularan sapagkat ang mga matiisin ay silang nagiging matagumpay sa buhay lalo na kung ito ay gagawin nila para sa kanilang mga minamahal. 

  Florante at Laura Kabanata 14: Kabataan ni Florante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 9?

Tandang Selo – Ang Ama ni Kabesang Tales na napipi at hindi na muling nakapag salita pa. 

P. Clemente – Ang nag suplong sa mga tulisan dahilan para ipagbawal ang armas at isa pang dahilan para mabihag si Kabesang Tales. 

Kabesang Tales – Ama ni Huli na nabihag ng mga tulisan. May ari ng lupain na kinakamkam ng mga Prayle. 

Huli – Ang anak ni Kabesang Tales na nag sakripisyo at umutang ng dalwang daan at limampung piso kay Hermana Penchang upang may paipang tubos kay Kabesang Tales. Ang kasintahan ni Basilio na pinangakuan nito ng kasal. 

Hermana Penchang – Ang pinagkaka utangan ni Huli ng dalawang daan at limampung piso upang matubos sa mga tulisan ang kaniyang amang si Kabesang Tales. 

Talasalitaan

Kinahabagan – Kinaawaan. Halimbawa: Kinahabagan ng mga tao si Tandang Selo sapagkat nawala ang boses nito

Alinsunod – Base. Halimbawa: Alinsunod sa batas ay bawal ang mag dala ng armas

Nuno – Lolo

Leave a Comment