Noli Me Tangere Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 47 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagtatagpo ng Dalawang Senyora na sina Donya Victorina at Donya Consolacion. Nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa. Dahil dito, inutusan ni Donya Victorina na hamunin ni Don Tribucio ang alperes, ngunit tumanggi ito. Si Linares ang napagbalingan ng kanyang galit at may iniutos siya sa binata at kung hindi ito gagawin ni Linares ay ilalantad ng Donya ang tunay nitong pagkatao at sinabing hindi siya karapat-dapat kay Maria Clara. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 47

Sa sabungan ay nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago. Sa kabilang banda naman ay magkaabay na naglalakad ang mag-asawang Don Tribucio at Donya Victorina upang tingnan ang tahanan ng mga Indio. Naiinis ang Donya kapag ang nakakakasalubong nila ay hindi bumabati at nagbibigay galang sa kanila. Sinabi niya kay Don Tribucio na mamalo ng sombrero, ngunit hindi naman sumang-ayon ang Don at idinahilan niya ang kanyang kapansanan. 

Habang naglalakad ay napadaan sila sa bahay ng alperes. Nagtama ang paningin ni Donya Consolacion at Donya Victorina. Naging matalim ang tingin nila sa isa’t-isa. Tiningnan ni Donya Consolacion si Donya Victorina mula ulo hanggang paa, ngumuso, at dumura dahilan kung bakit nagalit ang huli. Sinugod ni Donya Victorina si Donya Consolacion. Ang pagiging labandera ni Donya Consolacion ay binanggit ni Donya Victorina, samantalang sinabi naman ni Donya Consolation na si Don Tribucio ay mapagpanggap. 

Pumanaog si Donya Consolacion na nagpupuyos sa galit. Hawak niya ng mahigpit ang latigo ng alperes. Subalit, bago mag-pang-abot ang dalawa ay dumating ang alperes. Si Don Tribucio ay umawat din. Ang kanilang pag-aaway ay nakita ng mga taong-bayan. Dumating din ang kura upang umawat ngunit tinawag ito ng Alperesa na mapagbanal-banalang Carliston. 

  Florante at Laura Kabanata 4: Daing ng Pusong Nagdurusa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Inutusan ni Donya Victorina si Don Tribucio na hamunin sa barilan ang alperes. Tumanggi naman ang Don sa utos ng asawa. Dahil dito, hinablot na naman ng Donya ang pustiso ng asawa. 

Nang makalipas ang ilang sandal ay nakarating ang mag-asawang de Espadaña sa bahay ni Kapitan Tiyago. Dito ay naabutan nila si Linares na nakikipag-usap kay Maria Clara at sa mga kaibigan nito. Si Linares ang nabalingan ng galit ni Donya Victorina at inutusan niya ang binata na hamunin ang Alperes. Pinagbantaan niya si Linares na ibubunyag ang kanyang tunay na pagkatao sa lahat kung hindi ito susunod sa iniuutos. Ang paghingi lamang ng paumanhin ang nasabi ni Linares sa Donya. 

Dumating si Kapitan Tiyago sa bahay na lugo-lugo dahil natalo ang lasak niya. Kaagad nag-kwento ang Donya tungkol sa mga pangyayari kahit hindi pa nakakapag-pahinga ang Kapitan. Sinabi ng Donya kay Kapitan Tiyago na hahamunin ni Linares ang Alperes at kung hindi ito magagawa ng binata ay hindi ito karapat-dapat kay Maria Clara. Ayon sa Donya ay hindi nababagay si Maria Clara sa isang duwag. Si Maria Clara naman ay nagpahatid na sa kanyang kwarto nang marinig ito. 

Ang ilang libong salapi naman na kabuuang halaga ng panggagamot ni Don Tribucio kay Maria Clara ay kinuha na rin ng mag-asawang de Espadaña. Si Linares naman ay nagipit sa mga pangyayari kaya hindi siya matahimik. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 47

Narito ang mga aral na matututunan natin sa Kabanata 47 ng Noli Me Tangere. Kabilang dito ang paggalang sa damdamin at katayuan ng ibang tao at pagkakaroon ng lakas ng loob sa gitna ng pagsubok. 

  Noli Me Tangere Kabanata 63: Noche Buena – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Aral Paglalarawan 
Pagkakaroon ng respeto sa kapwaMahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa katayuan ng kapwa. Huwag maliitin ang sitwasyon o katayuan ng ibang tao, sapagkat lahat tayo ay nagsisikap upang makamit natin ang maayos na pamumuhay. 
Pahalagahan ang damdamin ng bawat taoPag-isipang mabuti ang mga salitang sasabihin at ang mga kilos na gagawin. Dahil ang bawat kilos at salita natin ay nakaaapekto sa damdamin ng ibang tao. Huwag din magpa-apekto sa mga sinasabi ng iba, lalo na kung hindi naman ito totoo. 
Magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga problemaAng mga problema ay nakakapagpatatag sa atin. Dahil dito, natututunan natin ang mga dapat at hindi dapat gawin. 
Huwag gamitin ang kapangyarihan, posisyon, o mga nalalaman upang maisagawa ang masamang planoKailangan ay pantay at sa maayos na paraan natin isagawa ang bawat plano. Huwag gamitin ang kapangyarihan upang maisagawa ito. 
Huwag magpa-apekto sa sitwasyonKatulad ni Maria Clara ay hindi siya nagpa-apekto sa sitwasyon. 

Mga Tauhan sa Kabanata 47

Narito ang mga tauhang nabanggit sa Kabanata 47 ng Noli Me Tangere. Ang pag-uugali na ipinapakita ng bawat tauhan ay may epekto sa buhay ng bawat isa at nagbibigay kulay sa nobela. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Donya Victorina Ang asawa ni Don Tribucio at ang naka-away ni Donya Consolacion. 
Don TribucioAng asawa ni Donya Victorina na mapagpanggap. 
Donya ConsolacionSiya ang asawa ng alperes. Nakaaway niya si Donya Victorina. 
Alperes Umawat kay Donya Consolacion
Kura Tumulong sa pag-awat sa dalawang senyora
Kapitan Tiyago Umuwi siyang lugong-lugo sapagkat natalo sa sabong. 
LinaresSiya ang inutusan ni Donya Victorina na hamunin ang alperes.
Maria Clara Siya ang anak ni Kapitan Tiyago na ipakakasal kay Linares, sa halip na kay Ibarra. 
Mga kaibigan ni Maria Clara Sila ang palaging kasama at tumutulong kay Maria Clara. 

Talasalitaan 

Marami tayong matutunan na bagong salita sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Ang mga salitang ito ay magagamit rin natin sa ating pakikipag-usap o paglikha ng mga sulatin sa Wikang Tagalog. 

  Noli Me Tangere Kabanata 56: Ang Mga Sabi-Sabi at Kuro-Kuro – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Sabungan Lugar kung saan ginaganap ang pagsasabong ng mga manok na tandang.
Kapansanan Pagkakaroon ng pisikal na sakit o limitasyon sa kakayahan
Naudlot Natigil
Nang-uuyam Nang-aasar 
Matalim Matalas
Baston Tungkod

Leave a Comment