Noli Me Tangere Kabanata 6: Kapitan Tiyago– Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa ika-anim na Kabanata ng Noli Me Tangere ay mas makikilala pa natin si Kapitan Tiyago. Makikita natin ang kaniyang mga pinag-daanan na mga pagsubok noong bata pa lamang siya mula sa pamamasukan niya sa isang Dominikong pari hanggang sa pagiging mangangalakal. Dito rin ay makikilala natin ang kaniyang asawa na nagmula sa Santa Cruz. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 6

Si Kapitan Tiyago ay kilala sa pagiging relihiyoso at mapapansin ito sa kanyang itsura. Kayumanggi ang kanyang kutis. Sa kanilang tahanan ay mayroong magandang kapilya, kung saan nandoon ang iba’t-ibang uri ng mga santo at santa. Sa usaping pang-relihiyon ay hindi siya magpapahuli. 

Siya ay kilala rin sa kanilang bayan bilang isa sa mga mayayamang mangangalakal. Mayroon siyang mga pagmamay-aring lupa sa iba’t-ibang lugar. Taon-taon ay gumagastos siya ng malaki para sa pag-paparangal sa Mahal na Birhen ng Antipolo. Ayos lamang sa kanya na gumastos ng malaki dahil alam niyang bulto-bulto ang tinatamasa niyang biyaya taon-taon. 

Bukod sa pagiging relihiyoso, malapit din siya sa pamahalaan. Sumusunod siya sa utos ng mga opisyal nito, ano man ang posisyon nila. Tuwing kaarawan ng mga Kapitan Heneral, Alkalde, at mga piskal ay palagi siyang bumabati sa pamamagitan ng isang orkestra. 

Mula sa mayamang pamilya si Kapitan Tiyago ngunit dahil sa ganid ang kanyang mga magulang sa kayamanan ay hindi nila sinuportahan ang kanyang pag-aaral. Namasukan siya sa isang Dominikong Pari noong bata pa lamang siya. 

Siya ay naging mangangalakal noong namatay ang Dominikong Pari kung saan siya tumutuloy. Nakilala niya si Pia Alba na taga-Santa Cruz at kalaunan ay kanyang pinakasalan. Pinagtulungan nila na mapalago ang kanilang hanapbuhay at sila ay nagpayaman. Sa loob ng kanilang anim na taong pagsasama ay hindi agad sila nagkaroon ng anak. 

  El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Si Padre Damaso ang kanilang tagapayo at sinabi niya sa mag-asawa na pumunta sa Obando sa piyesta ni San Pascual Bailon upang makilahok, sumayaw, at humingi ng anak na lalaki. Sinunod nila ang payo at kalaunan ay nagdalang-tao si Donya Pia, ngunit nagging maselan ang kanyang paglilihi at pagbubuntis kung kaya’t siya ay nagging malungkutin. 

Nagkaroon siya ng mataas na lagnat na nagging sanhi ng kaniyang pagpanaw. Naiwan kay Kapitan Tiyago ang kanilang anak na si Maria Clara. Bilang kaibigan at tagapayo, si Padre Damaso ang napili nila na maging ninong ni Maria Clara. Si Tiya Isabel ang nag-alaga kay Maria Clara na kinagigiliwan ng mga tao dahil sa kanyang taglay na ganda. 

Nang si Maria Clara ay magdalaga, ipinasok siya sa isang kumbento sa Santa Catalina upang matutunan niya ang pagiging relihiyoso. Bago siya umalis ay nagpa-alam muna siya sa kanyang matalik na mga kaibigan na sina Ibarra at Padre Damaso. Sa loob ng pitong taon ay sa kumbento nanirahan si Maria Clara. Minsan lamang siya may nakaka-usap na taga-labas at ito ay sa pamamagitan ng isang maliit na siwang sa kumbento

Noong nasa Beaearyo na si Maria Clara ay ang pag-alis naman ni Crisostomo Ibarra papuntang Europa. May plano ang kanilang mga magulang na sina Don Rafael at Kapitan Tiyago noong bata pa lamang sila. Naging matapat pa rin sa isa’t-isa si Ibarra at Maria Clara kahit sila ay magkalayo at hindi nagkikita. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 6

Ito ang mga aral na matututunan sa ika-anim na Kabanata ng Noli Me Tangere. Ang mga pangyayari sa kabanatang ito ay isa sa mga karaniwang nangyayari sa pamumuhay ng mga Pilipino sa ngayon. 

  Noli Me Tangere Kabanata 58: Ang Sinumpa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Aral Paglalarawan
Pagiging Maka-DiyosMarami sa mga Pilipino ang Katoliko, kaya makikita ang pagiging maka-Diyos sa pag-gunita ng iba’t-ibang pista ng simbahan. Katulad ni Kapitan Tiyago, hindi siya nag-aatubili sa paggastos ng Malaki lalo na kung para ito sa simbahan dahil alam niyang mas marami pa siyang matatanggap na biyaya. 
Palaging MagsikapMinsan dumarating tayo sa punto ng buhay na nahihirapan sa pang-araw-araw na ikabubuhay, subalit ang taong masikap ay palaging nakahahanap ng paraan. Si Kapitan Tiyago ay nagging mangangalakal at pinaunlad niya ito. 
Magtulungan ang mag-asawa sa hanapbuhayBilang mag-asawa, mahalaga ang pagtutulungan lalo na sa pagpapalago ng ikabubuhay dahil ito rin ay para sa inyong pamilya. Ngunit dapat ay balanse pa rin ang oras sa pamilya at trabaho. 
Makinig sa Payo Mahalaga ang pakikinig sa payo lalo na ng mga nakatatanda dahil makatutulong ito sa ating pag-unlad. May mga payo na hindi sakto sa ating prinsipyo o paniniwala sa buhay, kaya nasa atin pa rin kung susundin ang isang payo o hindi. Katulad nina Kapitan Tiyago at Pia Alba, nakinig sila sa payo ni Padre Damaso upang magka-anak. 

Mga Tauhan 

Sa kabanatang ito, nakilala natin ang mga magulang ni Kapitan Tiyago at ang kanyang asawa, pati na rin ang paring tumanggap sa kanya noong siya ay mamasukan. Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 6 ng Noli Me Tangere: 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Tiyago Si Kapitan Tiyago ang nagging asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
Pia Alba Siya ang naging asawa ni Kapitan Tiyago.
Maria Clara Anak nina Kapitan Tiyago at Pia Alba.
Dominikong Pari Ang paring nagpatuloy kay Kapitan Tiyago noong siya ay mamasukan.
Padre Damaso Ang ninong ni Maria Clara, tagapayo, at kaibigan nina Kapitan Tiyago at Pia Alba. 
Tiya Isabel Siya ang nag-alaga kay Maria Clara. 
Crisostomo Ibarra Siya ang kababata ni Maria Clara. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere, mayroon tayong mababasa na mga salitang hindi pamilyar sa atin. Mahalagang maunawaan ang kahulugan ng mga ito sapagkat ang mga ito ay isa sa mga sumisimbolo ng ating kultura o pagkakaka-kilanlan. 

  El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Salita Kahulugan 
Relihiyoso Maka-Diyos
Abuloy Pagbibigay 
Musmos Bata 
Beateryo Tinitirahan ng mga Madre 
Siwang Maliit na Butas 
Adorno Mga palamuti o alahas 
Siwang Maliit na butas 
Gumagasta Gumagastos 
Bulto-Bulto Madami
Alkalde Mayor
Piskal Abogado
Dominiko Prayle o Pari 
Ganid Mapanlamang
Maselan Sensitibo 

Leave a Comment