Florante at Laura Kabanata 8: Paghahambing sa Dalawang Ama – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 8 ng Florante at Laura ay hango sa Saknong 98 to 107. Sa kabanatang ito ay makikita natin ang pagkakaiba ng ama ni Aladin at Florante. Kung si Florante ay minamahal at inaaruga ng kanyang ama, si Aladin naman ay inagawan ng kanyang ama sa kanyang sinisinta kaya nagagalit siya rito. Nagpaalam na rin si Florante sa kanyang sinisinta na si Laura at hangad nito ang kanyang kaligayahan. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 8

Sandaling tumigil si Florante sa kanyang pagtangis nang marinig niya ang pagtangis ng isang Moro. Tinutop ni Aladin ang kanyang puso at nagsalaysay tungkol sa ama. Itinatanong niya kung kailan kaya bubukal ang luha niya para sa kanyang ama. 

Ang dahilan ng pagtangis ni Aladin ay ang pag-agaw ng kanyang ama sa kanyang sinisinta. Samantalang si Florante ay nanaghoy dahil sa pagmamahal sa kanya ng amang yumao na. 

Si Aladin ay lumuluha hindi dahil sa andukha at pagtangkilik ng ama, ngunit dahil sa bagsik nito sa kanya. Ang masasabi lamang niyang palayaw sa kanya ng ama ay ang paglililo nito sa kanya. Inagawan siya ng kanyang ama sa kanyang minamahal at pinagnasaan siya ng ama na malubog sa dusa at makitil ang buhay. 

Pagdurusa at luha ang naging layaw niya sa kanyang ama. Hindi rin niya naranasan na makalasap ng kahit kaunting tuwa sapagkat pagdaka’y nawala na ang kanyang inang mapagsinta. 

Nang marinig niyang muli ang pananambitan ng nakagapos na si Florante ay napahinto siya. Ang wika ni Florante ay si Laura na aliw ng kanyang budhi. Siya ay nagpaalam na sa kanyang sinisintang si Laura. Idinalangin niya na lumagi si Laura sa kaligayahan sa harap ng hindi niya katipang esposo. Ayaw niya na maranasan ni Laura ang kanyang mga naranasan kung saan siya ay nilimot at pinagliluhan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 17: Si Basilio – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mahal pa rin niya si Laura kung sakaling nagtaksil man ito sa kanya. Sisintahin pa rin niya si Laura hanggang sa malibing ang kanyang mga buto ni Florante. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 8

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay marami tayong mapupulot na magagandang aral. Mahalagang isaisip at isapuso ang mga aral na ito sapagkat magbibigay ito sa atin ng gabay at inspirasyon. 

Mga Aral Paglalarawan 
Magkaiba man ang ating karanasan sa pamilya, mahalagang irespeto at intindihin ang bawat isaMagkaiba ang pag-uugali ng ama ni Florante at Aladin. Mapagmahal ang ama ni Florante samantalang inagawan naman si Aladin ng kanyang ama kay Flerida. 
Ang pagmamahal ng isang tao ay hindi kaagad malilimutanKatulad ni Florante, ginugunita pa rin niya ang pagmamahal sa kanya ng kanyang amang yumao. Pahalagahan natin ang pagmamahal ng ating pamilya, sapagkat mayroong mga taong hindi ito nararanasan. 
Tapat na pagmamahalIpinakita ni Florante ang kanyang tapat na pagmamahal kay Laura. Kahit sa isip niya ay nagtaksil na sa kanya si Laura, mahal na mahal pa rin niya ito. 
Paghahangad ng kaligayahan para sa minamahal Hangad ni Florante ang kaligayahan ng kanyang sinisinta na si Laura, kaya kahit nasaktan siya ay hindi mababago ang pagmamahal niya. 

Mga Tauhan

Narito ang mga tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Natunghayan natin sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng magkaibang karanasan ni Aladin at Florante sa kanilang ama at sa kanilang sinisinta. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Aladin Siya ang Morong taga-Persiya. Narinig niya ang panambitan ni Florante tungkol sa kanyang ama at minamahal na si Laura. 
Ama ni AladinSiya ang umagaw sa minamahal ni Aladin. Galit si Aladin sa kanyang ama sapagkat inagaw nito ang kaniyang sinisinta. 
FleridaAng sinisinta ni Aladin. Inagaw siya ng ama ni Aladin. 
FloranteSi Florante ang lalaking nakagapos sa gubat. Narinig din niya ang paghikbi ng lalaking Morong taga-Persiya na si Aladin. 
Duke Briseo Siya ang ama ni Florante. Mapagmahal siya kay Florante. 
Laura Si Laura ang kasintahan ni Florante. Iniisip ni Florante na nagtaksil ito sa kanya at nasa piling na ng iba. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay mayroon tayong mababasang matatalinhaga o malalalim na salita. Ang mga salitang ito ay maaaring hindi pamilyar sa lahat ng mga mambabasa kaya mahalagang matutunan ang mga kahulugan nito. 

  Florante at Laura Kabanata 22: Si Laura– Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
NanangisNagdalamhati o naiyak
TumagistisDumaloy 
HabagAwa 
Nagsaysay Nagsalaysay, nagkwento, o nagpaliwanag
Bubukal Pag-agos o pagdaloy
Mapagtangkilik Mapagmahal 
Panaghoy Pag-iyak o pamimighati dahil sa matinding kalungkutan
BangisIto ay isang paglalarawan sa isang matapang o mabagsik na pag-uugali. 
Makitil Maputol o mawalan ng buhay
NananambitanNagsasalaysay
IbinabahaNangangahulugang patuloy na umaagos o umiikot.
Kinaratnan Ito ay tumutukoy sa naging kapalaran ng isang tao o ang resulta ng isang gawain. 
Nagsukab Ito ay tumutukoy sa pagtataksil ng isang tao o pagiging hindi tapat sa minamahal at hindi pagtupad sa mga pangako.
Napahinto Ito ay nangangahulugan ng pagtigil sa isang gawain. 
Lubha Lubos 
Aruga Ito ay ang pag-aalaga ng isang tao sa kanyang mga mahal sa buhay. 
Nakalasap Nakaranas 

Leave a Comment