El Filibusterismo Kabanata 33: Ang Huling Matuwid – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 33 ng El Filibusterismo ay tungkol sa pagkikita ni Simoun at Basilio. Nang makita ni Simoun si Basilio ay nakita niya ang pagbabago dito. Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo at nakita niya ang dinamita. Ang mga pangyayari at pinagdaanan nina Basilio at Simoun ang nag-udyok sa kanila na lumaban. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 33

Sumapit ang araw ng pag-alis ni Simoun kasama ang Kapitan Heneral. Naka-ayos na rin ang kanyang mga gamit na dadalhin, tulad ng alahas. Naniniwala ang karamihan na hindi siya makatanggi na magpaiwan sapagkat maaaring maghiganti ang mga kalaban niya o kaya ay usigin ng bagong Heneral. 

Bago ang kanyang paglisan, nagbigay siya ng kautusan na ang kanyang tanggapin lamang ay si Basilio. Nang dumating si Basilio, ito ay pinatuloy agad sa silid ni Simoun. Ang malaking pagbabago sa anyo ni Basilio ay napansin agad – siya ay payat, gusot ang buhok, at ang kanyang kasuotan ay hindi maayos. 

Matalim ang kanyang mga mata at ang dating kaamuan noon ay wala na. Tilamsik ng kamatayan ang kanyang anyo, isang buhay na tila bangkay na nagbalik-loob sa mundo ng buhay. Nagulumihanan si Simoun sa anyo ni Basilio. Sinabi naman ni Basilio na naging masama siyang anak at kapatid. 

Tahimik lang na nakikinig si Simoun habang nagsasalita si Basilio. Noon ay tinanggihan ni Basilio ang pagtulong kay Simoun, ngunit ngayon ay hand ana siyang makiisa kay Simoun. Sapagkat pagkakabilanggo ang nag\ging bunga ng kanyang pagtanggi dati. 

Nagsalita si Simoun at sinabi na ipinahayag na ang katwiran ay nasa panig niya. Ang usapin niya ay pareho ng usapin ng mga api at biktima, katulad ni Basilio. Lumantad si Basilio, nang maging masigla sa kanyang pagsasalita, na muling magpapatuloy na ipaglaban ang himagsikan ng walang pag-aalinlangan

  El Filibusterismo Kabanata 16: Ang Kasawian ng isang Intsik  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ipinahayag ni Simoun na ang mga dating ayaw ng gulo ang nag-udyok sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang layunin. Mapagkawanggawa sana at hindi madugo ang pamumuhay kung nagkaisa lamang ang mga nasa mataas at mababang Lipunan. Ang kanyang mga katulong ay natagpuan niya sa kanyang mga imbi. Kung hindi man makagawa ng isang makinis na estatwa, ay sana man lang ay sinimulan ito at ang susunod na sa kanila ang magpapatuloy noon. 

Hindi naman maintindihan ni Basilio ang mga sinabi ni Simoun. Nagpunta silang dalawa sa laboratoryo ni Simoun. May nakalagay na isang kakaibang ilawan sa lamesa roon. Kahawig ng granada ang istilo ng lalagyan nito at ang mga tila buto naman ay may bitak at naiino. 

Pagkatapos nito, tinanggal na ni Simoun ang mitsa. Ito ay may laman na isang litrong gas at ang kapal ng bakal na lalagyan ay may kapal na dalawang sentimetro. May likidong ibinuhos dito si Simoun at nabasa naman ni Basilio ang salitang nitrolisirina na nakasulat sa lalagyan ng likido. 

Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay hindi isang simpleng dinamita. Ito ay naglalaman ng mga luha ng mga api na panlaban nila sa dahas at lakas. Iyon ang unang beses na makakita ni Basilio ng dinamita at hindi siya nakakibo. Nilagyan ni Simoun ng turnilyo ang isang masalimuot na kagamitang inilagay niya sa ilawan at iyon ay gagamitin sa pista. 

Pagkalipas ng 20 minuto, ang ilawang ito ay lalabo at sasabog naman kapag ang mitsa ay ginalaw. Kasunod nito, sasabog din ang mga supot ng pulbura na nasa kainan at hindi makaliligtas ang mga bisita sa pista. 

  Noli Me Tangere Kabanata 44: Pagsusuri ng Budhi – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Hindi nagtagumpay ang pagkakagulo kung saan kasama nila ang artilyero dahil sa kakulangan sa pamamahala. Kaya ngayon, kailangan ni Simoun ang tulong ni Basilio upang ito ang manguna sa labanan. Ang mga baril ay kukunin nila sa tindahan ni Quiroga at ang lahat ng kalaban at ayaw sumama ay papatayin. Ang mga sinabi ni Simoun ay hindi pinag-isipan ni Basilio, sapagkat nais niyang maghiganti sa kanyang pagkakabilanggo ng tatlo at kalahating buwan. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 33

May hatid na aral sa mga mambabasa ang bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa mga aral na matututunan sa kabanatang ito na nagpapakita ng pagtutulungan upang makamit ang isang layunin. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagtutulungan Isa sa mga sinabi ni Simoun na pagkakawanggawa at hindi pagkakagulo ang mararanasan ng isang bansa kung nagkakaisa ang nasa mataas at mababang lipunan. Nakipagtulungan din si Basilio kay Simoun upang makamit ang hangarin. 
Ang Paghahanap ng KatarunganAng kwento ay nagpapakita ng kahalagahan ng paghahanap ng katarungan sa harap ng pang-aapi at kasamaan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 33 ng El Filibusterismo. Ang mga tauhang ito ay nagkaisa at nagplano ng maayos upang makamit ang kanilang layunin o mithiin na makapaghiganti. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Simoun Ang pangunahing tauhan. Siya ay nagplano para sa kanyang paghihiganti. 
BasilioIsang dating mag-aaral ng medisina na naging bahagi ng plano ni Simoun matapos ang kanyang pagkabilanggo.

Talasalitaan 

May mga malalalim o matatalinhaga mga salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito upang mas mapalawak natin ang ating kaalaman sa sariling wika. 

  Florante at Laura Kabanata 3: Alaala ni Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Kahambal-hambalKaawa-awa 
NitrogliserinaLikido na maaaring sumabog
Nag-atubili Nag-alinlangan
Nagulumihanan Naguluhan 
Sasanib Sasama o makikiisa
Sawimpalad Api 
Mitsa Parte ng ilawan na sinisindihan

Leave a Comment