El Filibusterismo Kabanata 24: Mga Pangarap  – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika dalawampu’t apat kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Mga Pangarap. Maliban sa buod ng kabanata labing apat ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa nobelang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata dalawampu’t apat at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 24: Mga Pangarap

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang handa si Isagani sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani.

Si Donya Victorina raw ang may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa. Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita

Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ay sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na galing sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. 

  Noli Me Tangere Kabanata 63: Noche Buena – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi pati ang Espanya. Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakita ng binata ang pinaghahanap na asawang Kastila.

Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan sa nayon (kay Padre Florentino) nag tatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag asawa uli. Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinalinisan niyang kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 24?

Hindi magandang asal ang ginagawa ni Donya Victorina na may asawa pa ngunit nakaka isip na na magpalit ng asawa. Hindi ito magandang tingnan at lalong lalo ng hindi magandang halimbawa sa mga kabataan. Ang pagiging talandi ay hindi kaaya aya ugali. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 24?

Isagani – Kasingahan ni Paulita Gomez. 

Paulita Gomez – Ang kasintahan ni Isagani. 

Juanito Pelaez – Ang karibal ni Isagani kay Paulita na kasama nito sa palabas. 

Donya Victorina – Naghahanap at nagtanong kay Isagani kung nakita ang asawang kastila. Lubos na nalulugod kay Juanito Pelaez at balak ipalit ito sakaling mamamatay ang asawa. 

De Espadana – Ang asawang kastila ni Donya Victorina na nagtatago sa asawa. 

  Noli Me Tangere Kabanata 56: Ang Mga Sabi-Sabi at Kuro-Kuro – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Padre Florentino – Ang napag taguan ng asawa ni Donya Victirina. 

Talasalitaan

Tumungo – Magpunta (Halimbawa: Nais ni Basilyo na tumungo sa San Diego upang bisitahin ang kasintahan.)

Malimatik – Hindi maayos na pagkaka pulupot. (Halimbawa: Malimatik ang daan patungo sa bayan ng San Diego.)

Natiyak – Nasiguro. (Halimbawa: Natiyak ni Isagani na si Paulita na ang kaniyang gusto pang habang buhay.)

Leave a Comment