El Filibusterismo Kabanata 20: Si Don Custodio – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng buod ng ika dalawampung kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Si Don Custodio. Maliban sa pag buod ng Kabanata dalwampu ay ipakikilala rin ang mga tauhan na mababanggit sa kabanatang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata dalawampu at maging mga talasalitaan na siya namang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 20: Si Don Custodio. 

Ang isyu tungkol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, dahil siya ang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay kilala sa bahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang

“Buena Tinta”. Si Don Custodio ay nakapag asawa ng isang mayamang babae at sa pamamagitan ng yaman ng kaniyang asawa ay nakapag negosyo siya. 

kahit na si Don Custodio ay kulang sa kaalaman sa mga tungkulin na iniatang sa kanya, siya ay pinupuri dahil sa kaniyang kasipagan. Nang si Don Custodio ay bumalik sa Espanya ay walang pumansin sa kanya dahil nga sa kakulangan niya sa pinag aralan, kung kaya’t wala pang isang taon ay nagbalik na si Don Custodio sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol. Sa loob lamang ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan na kaniyang pagdedesisyunan at handa na niya itong ipaalam sa lahat

  Noli Me Tangere Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 20?

Huwag maging mapang mata gaya ni Don Custodio – Base sa nobela si Don Custodio ay naniniwala na may ipinanganak para mag utos at para sumunod. Ang paniniwalang ito ay baluktot sapagkat tayong lahat ay pare parehong mga tao mayaman man o mahirap ay iisa ang ating kahahantungan at iyon ay ang kamatayan. Lahat ng pag aari at yabang ay hindi madadala sa kabilang buhay kung kaya’t mas mabuting magkaroon ng mababang loob. 

Huwag maging mapag panggap – Gaya na lamang ng ginawa ni Don Custodio na pagpapanggap na naging maganda ang pag tigil niya sa madrid at pagpapanggap na siya ay naging maayos doon subalit ang totoo ay walang pumansin sa kaniya doon dahil sa kakulangan nya sa aral. Hindi magandang gawain ang pagsisinungaling para pang maging maganda ang tingin sayo ng tao o kaya naman ay may maiyabang sa mga tao. Mas magandang ugali ang maging mapagkumbaba at hindi mayabang at mapag panggap. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 20?

Don Custodio – Nakapangasawa ng isang mayaman kung kaya’t nagkaroon ng negosyo. Inatasan para solusyunan ang suliranin na pag gagawa ng paaralan na mag tuturo ng wikang Kastila. Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta” at tanyag na tao sa Maynila.

Talasalitaan

Nagmagaling – Nag bida. Ibinida (Halimbawa: Nagmagaling si Don Custodio na siya ay naging masaya sa ibang bansa kahit ang katotohanan ay hindi.)

Pasiya – Desisyon (Halimbawa: nakapag pasiya na ang mga Prayle na ipagbawal ang kasiyahan.) 

  Noli Me Tangere Kabanata 27: Sa Pagtatakip-Silim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Suliranin – Problema o isyu

Buena Tinta – Kilalang tao o personalidad

Kunwari – Hindi totoo o peke

Amo – Lider o may-ari

Akademya – Institusyon o paaralan

Leave a Comment