El Filibusterismo Kabanata 22: Ang Palabas  – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika dalawamput dalawang kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Ang palabas. Maliban sa buod ng kabanata dalawamput dalawa ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa nobelang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata dalawamput dalawa at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 22: Ang Palabas. 

Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. 

Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan. Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.

Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal. Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. 

  Noli Me Tangere Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa. Isang babae ang dumating na kasama ang asawa.

Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses.

Si Juanito’ y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña. Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don Custodio iyon. Natakot ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong humanga si Donya Victorina kay Pelaez.

Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit. Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan. Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses . Dumating si Makaraig mula kay Pepay.

Malungkot. Nag-usisa ang lahat. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene. Sinang ayunan nag paaralan. Ngunit ito’ y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa pamamahala ng mga Dominikano. Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo.

  Noli Me Tangere Kabanata 60: Ikakasal na si Maria Clara – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si Sandoval.

At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang tagumpay nila. Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad! Pinagtibay ang balak. Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila sa gitna ng alingasngas ng buong bulwagan.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 22?

Huwag gagaya kay Juanito Pelaez na nagdudunong dunungan kahit na ang totoo ay hindi naman nito alam ang isang bagay. Hindi ito magandang gawain lalo na sa mga kabataan at  nakakahiya sa oras na malaman ng mga tao ang pag papanggap na ginagawa. 

Huwag magsisinungaling – huwag magsinungaling para lang makapag pasikat sa mga tao sa paligid. Mas maganda tingnan ang taong matapat. Hindi sagot ang pagsisinungaling para makapag pasikat kanino man. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 22?

Don Primitivo – Nanonood sa palabas. 

Pepay – Isang mang aawit na kaibigan rin ng mga Estudyante. 

Isagani – Kasintahan ni paulita na hindi masaya sapagkat nakita si paulita na dumalo sa palabas kasama ni Pelaez na kaniyang karibal. 

Juanito Pelaez – Karibal ni Isagani. Pilit isinasalin ang wikang pranses sa kastila kina Donya Victorina at Paulita ngunit kadalasay mali ang sinasabi. 

Donya Victorina – Ang tiyahin ni paulita na lubos na natuwa kay Juanito Pelaez at nais pa itong pakasalan kung sakaling mamatay ang kaniyang asawa. 

Paulita – Pamangkin ni Donya Victorina na kasintahan ni Isagani. Dumalo sa palabas kasama si Juanito Pelaez na hindi ikinasiya ng kaniyang nobyo. 

  El Filibusterismo Kabanata 9: Si Pilato - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Gertude at Serpolette – mga mang aawit na nagtatanghal sa palabas na  nabanggit sa kabanata. 

Tadeo – Gaya ni Juanito Pelaez ay isinasalin sa kastila ang wikang pranses ng sapilitan kahit hirap na hirap na. Sinabing ang wikang pranses ay di nalalayo sa wikang kastila. 

Padre Irene – Ang pari na sang ayon sa pag tatayo ng paaralan na magtuturo ng wikang Kastila. Ang tagapag tanggol ng mga Estudyante. Ang nag balita sa mga estudyante na na desisyunan na ang kanilang panukalang pagtatayo ng eskwelahan na magtuturo ng wikang Kastila. 

Pecson at Sandoval – Mga estudyante na nagsusulong ng pagtatayo ng eskwelahan para sa wikang kastila. 

Simoun – Hindi dumalo sa palabas na ipinagtataka ng lahat. 

Talasalitaan

Tabing Harang (Halimbawa: Ninanais ng mga tao na alisin na ang tabing ng sa gayon ay mag simula na ang palabas.)

Makapangahas – Maka gawa ng hakbang. (Halimbawa: Hindi makapangahas na gumawa ng hakbang ang mga tao sapagkat hawak siya ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.)

Leave a Comment