El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika-labinlimang kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Si Ginoong Pasta. Maliban sa buod ng kabanatang ito ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa Kabanata. Naglalaman rin ang sulating ito ng mga aral na makukuha sa kabanata pito at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Si Ginoong Pasta ay kilalang manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Masyadong maselan dahil tungkol ito sa nalalapit na pagpapalit ng pangalan ni Ginoong Pasta sa ibang bansa. Pinapasok niya si Isagani sa kanyang bahay ngunit ayaw ni Isagani dahil malaki ang problema nito sa buhay. Hindi makita ni Ginoong Pasta ang mga papeles dahil sa sobrang daming pera niya sa loob ng kanyang kwarto. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito. Inilahad nang pabuod ang mga nangyari habang pinakikiramdaman ang naging bisa ng kanyang mga salita sa abogado. Nakinig itong mabuti at kahit alam ang kilusan ng mga estudyante, nagkunwari itong walang alam para ipahalata agad sa binata na wala itong pakialam sa gawain ng kabataan.

Subalit nang malaman nito ang kailangan nina Isagani at marinig na may kaugnayan sa proyektong Akademya ang Bise-Rektor, ang mga prayle, ang Kapitan Heneral, napakunot-noo’t napabulalas na magpatuloy si Isagani sa pag sasalita. 

  Florante at Laura Kabanata 19: Paalaman at Habilin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Binigyan ni G. Pasta ng payo si Isagani ukol sa kanyang sadya. Nais ni Isagani na maaprubahan ng manananggol ang nais nilang Akademya ng Wikang Kastila ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ng abogado na huwag makialam dahil maselan ang usapan. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pagiisip nito.

Naging walang hiya si Don Custodio upang harapin ang mga sitwasyong hindi kanais nais, hinggil ito sa mga plano ni Isagani ang ipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila upang maihayag at maunawaan ang mga salita ng mga Espanyol. Ngunit, dahil nga’y itoy pinipigilan ni Don Custodio upang makuha lamang ang sariling hangarin ay hindi ito hinayaan ng mga Pilipinong mapaghimagsik. Ito ay hindi sinang ayunan nila Simon at Pecson sa isang talastasan. Si Simoun ay nawalan ng malay dahil naglaslas at natapos ang storya.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 15?

Pagiging pursigido – Gaya na lamang ni Isagani na sumadya pa kay Ginoong Pasta na isang Abogado at sinisiguro na ang pag panig nito sa kanilang grupo sakaling sumangguni sa kaniya ang mga tutol sa nais mangyari ni Isagani. Isa itong magandang katangian ng tao na dapat lamang na ipag patuloy sapagkat ang mga taong pursigido ay madalas na nagwawagi sa buhay. 

Pagbubulag bulagan – Huwag gumaya kay Ginoong Pasta na kahit na alam na mali ang mga pangyayari ay hindi nais maki alam dahil maaaring maapektuhan nito ang kanyang mga plano sa susunod na mga panahon. Ang pagbubulag bulagan ay hindi magandang katangian na dapat iwasan ng kahit na sino lalong lalo na kung alam na may pagkakamali sa isang usapin. 

  El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Hindi magandang kaugalian ang pagiging gahaman – Kaya na lamang ng ginagawa ni Don Custodio na hindi man lamang iniisip ang kapakanan ng nakararami bagkus ay ang kanyang kapakanan muna. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 15?

Isagani – Isang mag aaral na kaibigan ni Basilio na isa sa nagnanais na magkaroon ng eskwelahan na magtuturo ng wikang kastila. 

Ginoong Pasta – Isang bantog na abogado na sinangguni ni Isagani para kung sakaling dumulog ang iba sa abogado ay panigan nito ang kampo nila Isagani. Nagpaplano na mag palit ng pangalan sa ibang bansa kung kayat hindi nais maki alam pa dahil maselan daw ang usapin. 

Don Custodio – Isa sa lubhang tumututol sa pagtatayo ng mga estudyante ng paaralan na magtuturo ng wikang kastila para makuha ang sariling hanggarin. 

Simoun – Nabanggit sa bandang dulo ng kabanata. 

Pecson – Isa sa kasama ni Simoun na nabanggit sa bandang dulo ng kabanata. 

Talasalitaan

Manananggol Abogado. Taong nag aral ng abogasya. 

Talastasan – Pag uusap o debate. 

Leave a Comment