Noli Me Tangere Kabanata 7: Suyuan sa Asotea – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa ika-pitong Kabanata ng Noli Me Tangere ay magaganap ang muling pagtatagpo ng magkasintahan na sina Maria Clara at Ibarra. Nananabik si Maria Clara sapagkat magkikita na ulit sila ni Ibarra matapos ang mahabang panahon. Pitong taon silang hindi nagkita ngunit sariwa pa sa kanilang isipan ang mga pangyayari simula noong sila ay musmos pa lamang. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 7

Nakasanayan n ani Tiya Isabel na magsimba tuwing umaga sapagkat siya ay isang deboto. Palagi niyang kasama sa pagsisimba ang kaniyang pamangkin na si Maria Clara. Ngayong araw ay magkikita si Ibarra at Maria Clara, kaya naman nagmamadali siya na makauwi sa bahay. Dahil sa pagmamadali ni Maria Clara, nagalit sa kanya si Tiya Isabel

May pananabik na naghihintay si Maria Clara sa kanilang tahanan dahil ngayong araw ay magkikita sila ni Ibarra. Sa bawat karwahe na humihinto sa kanilang bahay ay hindi mapalagay o mapakali si Maria Clara, dahil sa pag-aakala na si Ibarra na ang sakay doon. Nag-gantsilyo siya habang hinihintay si Ibarra upang hindi siya mainip. 

Si Maria Clara ay pinayuhan ng kaniyang doktor na pumunta sa San Diego upang manumbalik ang pamumula ng kanyang pisngi. Ikinatuwa naman niya ito dahil ito ay pagkakataon niya para makita si Ibarra. 

Ilang sandali ang lumipas at dumating na si Ibarra. Kaagad pumasok sa silid si Maria Clara upang mag-ayos at tinulungan naman siya ni Tiya Isabel. 

Sa Asotea nag-usap sina Ibarra at Maria Clara. Nagkaroon silang dalawa ng masinsing pag-uusap tungkol sa kanilang nadarama para sa isa’t-isa, pati na rin ang kanilang sumpaan. Nag-usap sila tungkol sa mga pangyayari noong sila ay musmos pa lamang, katulad ng kanilang pag-aaway at pagbabati. 

  El Filibusterismo Kabanata 30: Si Huli – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ipinakita ni Ibarra ang tuyong dahoon ng sambong na nakatago sa kanyang pitaka. May liham din siyang ipinakita kay Maria Clara. Binasa ito ni Maria Clara at nalaman niyang kaya pumunta si Ibarra sa Europa ay dahil sa kanyang ama. Sinabi ng kanyang ama na ito ay makapagbibigay kay Ibarra ng magandang kinabukasan

Pinatigil ni Ibarra si Maria Clara sa pagbabasa ng sulat dahil naalala niyang madami pa siyang kailangang gawin, dahil kinabukasan ay Todos los Santos na. Hindi naman mapigilan ni Maria Clara na maluha dahil sa kanyang pangungulila kay Crisostomo Ibarra. Inutusan naman si Maria Clara ni Kapitan Tiago na magtirik ng pinakamahal na kandila kay San Rafael at San Roque dahil maraming mga bandido sa kalsada. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 7

Ito ang mga aral na matututunan ng mga mambabasa sa ika-pitong kabanata. Ang mga aral na ito ay dapat isabuhay upang mas mapa-unlad ang sarili at maging matatag ang relasyon sa isa’t-isa. 

Mga Aral Paglalarawan 
May tamang panahon para sa bawat bagay Katulad ni Crisostomo Ibarra, nagging prayoridad niya ang pagpunta sa Europa para mag-aral at ito ay makatutulong rin sa kanyang kinabukasan. Matiyagang naghintay sina Maria Clara at Ibarra sa isa’t-isa. 
Pagpapahalaga sa mga bagay Pinahalagahan ni Maria Clara at Ibarra ang kanilang pinag-samahan. Ang kanilang ala-ala sa isa’t-isa ay hindi nila nakalimutan. 
Tapat na PagmamahalKahit pitong taong hindi nagkita si Crisostomo Ibarra at Maria Clara ay nanatili pa rin silang tapat sa isa’t-isa. 
Makinig sa eksplanasyon at huwag puro knoklusyon agadMaraming tanong si Maria Clara sa pag-alis ni Ibarra. Nagpaliwanag si Ibarra kay Maria Clara na sinunod niya ang kanyang ama na mag-aral sa Europa. Binasa niya ang liham ni Crisostomo Ibarra at nalaman niya ang dahilan ng kaniyang pag-alis. 
Pagpapahalaga sa Kultura at Tradisyon Ginagawa pa rin nina Ibarra at Maria Clara ang tradisyon tuwing Todos Los Santos. 

Mga Tauhan 

Sila ang mga tauhan o mga taong nabanggit sa ika-pitong Kabanata ng Noli Me Tangere. Ang bawat tauhan sa kwento ay nakatutulong sa pag-unlad ng karakter ng bawat isa. 

  Florante at Laura Kabanata 25: Pagbabalik sa Albanya at Pagsagip kay Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Crisostomo Ibarra Siya ang kasintahan ni Maria Clara. Ipinaliwanag niya kay Maria Clara ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Europa. 
Maria Clara Si Maria Clara ang kasintahan ni Ibarra. Nananabik siya sa muli nilang pagkikita ni Ibarra. 
Kapitan Tiago Siya ang ama ni Maria Clara na nag-utos sa kanya na magtirik ng mga kandila. 
Tiya IsabelSiya ang nag-alaga kay Maria Clara simula noong bata pa lamang ito. Tinulungan niya si Maria Clara sa pag-aayos ng kanyang sarili noong dumating si Ibarra. 
DoktorNagpayo kay Maria Clara na pumunta muna sa San Diego para manumbalik ang pamumula ng kanyang pisngi. 

Talasalitaan 

Narito ang ilan sa mga salitang nabanggit sa ika-pitong kabanata ng Noli Me Tangere. Ang mga salitang ito ay naglalarawan ng kultura ng mga Pilipino at karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. 

Mga Salita Kahulugan 
Karwahe Ito ay sasakyang hinihila ng kabayo. Ang karwahe ay tinatawag ring kalesa. 
Asotea Gilid ng Bahay o Balkonahe
Sinariwa Inalala ang mga pangyayari na nangyari noong mga nakaraang taon 
MasinsinanSeryoso 
Bandido Gumagawa ng masama o mga tulisan 
Magtirik Maglagay o magsindi 

Leave a Comment