Noli Me Tangere Kabanata 8: Ang Mga Alaala – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa ika-walong kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Mga Alalala”, makikita ang pagkaka-iba ng pamumuhay ng mga Pilipino at mga Espanyol. Napansin ni Ibarra na mabilis ang pag-asenso o ang pag-unlad ng mga Espanyol at nalulugmok naman ang sariling bayan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nag-aral sa Europa upang matulungan niya ang kanyang sariling bayan. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 8

Sa pag-alis ni Ibarra sa bahay ni Maria Clara ay naramdaman niya ang kalungkutan. Ngunit napalitan naman ito ng kaligayahan noong libutin niya ang Maynila habang sakay sa kalesa. Napansin niya na halos walang pinag-bago ang bayang kinalakhan niya. Makikita pa rin ang mga kalesa, karwahe, at kareta. May mga ingay at gulo rin sa paligid. Dahil dito, nalungkot siya dahil hindi niya nakita ang pag-unlad ng bayan sa loob ng pitong taong wala siya rito. 

Ang mga kalsada ay hindi pa rin pantay at bako-bako pa rin. Maalikabok din ang kalsada kaya nagiging maputik kapag umuulan. Tumatalsik naman ang mga putik na ito sa mga taong dumadaan, kaya hindi kaaya-ayang tingnan. 

May napansin naman siyang kaunting pag-asenso sa Escolta. Naging mga gusali na ang mga hilera ng bodega dati. Sa Aroceros naman ay nakita niya ang isang pagawaan ng tabako. Mayroon pa ring mga kababaihan na nagtutulungan sa pagpapatuyo ng mga dahoon nito. 

Patuloy lamang sa pagmamsid ng paligid si Ibarra. Nakita niya ang isang karwahe na papalapit sa kanya. Sakay dito si Padre Damaso na parang may malalim na iniisip sapagkat kita ang pagkunot ng kanyang noo. 

  Noli Me Tangere Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Naalala naman niya ang mga magagandang mga halaman noong napadaan ang kaniyang sinasakyan na karwahe sa Hardin ng Botaniko. Ngunit agad din naming naparam sa kanyang isipan ang kagandahan o karikitan nang siya ang mapadaan sa Bagumbayan, sapagkat ang lugar na ito ay kilala ng mga tao bilang lugar ng kamatayan. 

Sa kanyang paglalakbay ay naalala rin niya ang turo at payo ng kanyang gurong pari noong nag-aaral siya sa Europa. Sinabi ng guro sa kanya na ang karunungan ay nagbibigay ng liwanag sa kamangkamangan. Dapat ay kuhanin ang oportunidad na makapag-aral sa ibang bansa, lalo na kung mabibigyan ng pagkakataon sapagkat malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at ng bayan at bansa kung saan ka naninirahan. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 8

Sa Kabanata 8 ng Noli Me Tangere makikita natin ang kahalagahan ng edukasyon lalo na sa mga kabataan. Bilang mga susunod na henerasyon, sila ang itnuturing na pag-asa ng bayan. Sa pamamagitan ng edukasyon, mas uunlad ang sarili at bayan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Huwag palampasin ang oportunidad May mga oportunidad na dumarating sa ating buhay at hindi natin ito dapat pinapalampas. Isa sa mga oportunidad na ito ay ang pag-aaral sapagkat hindi lahat ng kabataan ay nakakapunta sa paaralan. 
Pagmamahal sa Bayan Ipinakita ni Crisostomo Ibarra ang pagmamahal sa bayan dahil isa sa mga mithiin niya ay matulungan na maiahon sa kahirapan ang bayan kung saan siya lumaki at makatulong sa pag-unlad nito gamit ang kanyang mga natutunan. 
Paunlarin ang kaalaman Dapat nating paunlarin ang ating mga kaalaman at kakayahan, sapagkat ito ang magbibigay sa atin ng magandang kinabukasan. Lalo na sa panahon ngayon na mabilis magbago ang kalakaran at maraming mga pagbabago ang nagaganap. 
Tumulong sa suliranin ng bayan Alamin ang mga problema o suliranin ng bayan at tumulong kahit sa maliit at simpleng pamamaraan. Kailangan nating tulungan ang bawat isa upang lahat tayo ay umunlad sa ating pamumuhay. 
Pagpapahalaga sa Pag-aaral Isang magandang oportunidad ang pag-aaral kaya dapat itong pahalagahan. Ito ay makatutulong sa atin upang mas malinang at mapaunlad ang ating mga kaalaman at talento. 
Kabataan ang pag-asa ng bayan Isa ito sa mga tanyag o kilalang linyana sinabi ng ating pambansang bayan. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya dapat silang maging mabuting halimbawa at maging disiplinado. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga nabanggit na tauhan sa ikawalong kabanata ng Noli Me Tangere. Ang bawat tauhan o karakter sa kabanatang ito ay nagbibigay kulay sa kwento dahil sa kanilang natatanging personalidad. 

  Florante at Laura Kabanata 6: Ang Gererong Taga-Persia – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan
Crisostomo Ibarra Siya ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito. Sa kanyang paglilibot ay nakita niya ang mga kalagayan ng kanyang mga kababayan at ang mga simpleng pagbabago. 
Padre Damaso Siya ang paring nakasalubong ni Crisostomo Ibarra na sa tingin niya ay mayroong malalim na iniisip sapagkat nakakunot ang noo nito. 
Gurong Pari Isa sa mga guro ni Crisostomo Ibarra na nagpayo sa kanya na ang karunungan ay naglilibagay ng kaliwanagan sa kamangmangan. 

Talasalitaan 

Ito ang ilan sa mga salita sa Kabanata 8 ng Noli Me Tangere. Ang ilan sa mga salitang ito ay mababasa rin sa iba pang kabanata kaya dapat malaman ito ng mga mambabasa upang mas maintindihan nila ang kwento o nobela. 

Mga Salita Kahulugan 
BakubakoSira-Sira
Kagalakan Kasiyahan o kaligayahan 
Kamangmangan Walang alam
Karwahe Sasakyang hinihila ng kabayo 
Kareta Kariton 
Lumalatay Bumabakat 
Marikit Maganda
Naparam Nawala o naglaho 

Leave a Comment