Florante at Laura Kabanata 21: Heneral ng Hukbo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 21 ng Florante at Laura ay pinamagatang ang “Heneral ng Hukbo.” Isinama ni Duke Briseo si Florante sa hari upang ipakilala ito. Sinabi naman ng hari na si Florante ang napangarap niya na bunying gerero. Si Florante ang napili ni Haring Linceo na maging heneral ng hukbo sa Krotona. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 21

Nagpatuloy si Florante sa pagsasalaysay ng kanyang mga naranasan. Sinabi niya sa Morong taga-Persya na si Aladin na huwag maihalintulad ang gererong bantog sa palad ni Floranteng amis. Hindi niya ninais sa mga kaaway niya ang laki ng pagdurusa na sinapit niya. 

Isinama si Florante ng kanyang ama kay Haring Linceo at humarap sila sa kanya. Ito ay nakagayak ng pandigma. Umaakyat pa lamang sila sa hagdan ng palasyong puno ng hiyas at kayamanan ay sinalubong na sila ng haring maringal. Niyakap niya si Duke Briseo at kinamayan naman si Florante. 

Sinabi ng Hari kay Duke Briseo na si Florante ang kamukha ng bunying gererong napangarap niya at magiging haligi ng setro at reyno ni Haring Linceo. Itinanong ng hari kung sino si Florante at kung saang siyudad nagmula. 

Sumagot naman si Duke Briseo at sinabing si Florante ang kanyang bugtong na anak at inihahandog niya sa mahal na yapak ni Haring Lincceo upang ibilag sa isang basalyo at alagad. Dahil dito, namangha ang hari at niyakap si Florante. Sinabi ng hari na ang pagdating ni Florante ay mabuting panahon at siya ang magiging heneral ng hukbong dadala sa bayan ng Krotona na kinubkob ng mga Moro. 

  Noli Me Tangere Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Si Florante raw ang napangarap ng hari na gererong matapang na maglalathala ng kapangyarihan at kapurihan ng hari sa sansinuuban. Sinabi rin ng hari kay Florante na lolo nito ang hari ng Bayang Krotona kaya dugo siyang mataas at dapat kumite ng sariling bunyi at dangal sa isang digmaan. 

Matuwid ang pagsasalaysay ng hari kaya sumang-ayon ang kanyang ama kahit ito ay mapait. Pumayag siya na agad masubo sa pakikipagdigmaan ang kabataan di Florante kahit hindi siya sanay sa pakikipaglaban. 

Sa ipinahayag ng kanyang ama ay wala siyang naisagot. Nang hahagkan na ni Florante ang mahal na bakas ay kusa siyang itinayo at muling niyakap ng hari. Matapos ito, naupo sila at nag-usap tungkol sa bala-balakit na may halagang mga bagay. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 21

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 21 ng Florante at Laura. Ang mga aral na ito ay nagpapakita ng pagpapatawad, pagrespeto, at katapangan na harapin ang mga pagsubok. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagiging mabuti kahit sa mga kaaway Hindi hinangad ni Florante na maranasan ng kanyang mga kaaway ang mga dusang kanyang sinapit. Hindi niya nais ang masamang kapalaran ng kanyang mga kaaway. Ipinakikita rin dito ang pagiging mapagpatawad sa ibang tao, lalo na sa mga kaaway. 
Pag-respeto sa mas nakatataas at sa magulang Ipinakita ni Florante ang respeto kay Haring Linceo at sa kanyang ama. Kahit wala siyang kasanayan sa pakikipaglaban ay sumang-ayon siya sa naging pasya ni Haring Linceo. 
Pagkakaroon ng lakas ng loob para harapin ang mga pagsubokKahit walang kasanayan sa pakikipagdigma si Florante ay may lakas pa rin siya ng loob at katapangan upang harapin ang hamon na ibinigay sa kanya. 
Pagtitiwala sa kakayahan May tiwala si Duke Briseo sa kakayahan ng kanyang anak na si Florante, pati na rin ang hari. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan ng Florante at Laura sa kabanatang ito na nagmula sa saknong 264 hanggang 274 ng tula. Ang karakter at pag-uugali ng mga tauhang ito ay nagbibigay ng kulay sa buhay ng bawat isa. 

  Noli Me Tangere Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ay ipinakilala ng kanyang ama kay Haring Linceo. 
Duke BriseoSiya ang ama ni Florante. Ipinakilala niya ang kanyang bugtong na anak na si Florante kay Haring Linceo. 
Haring Linceo Sinabi niyang si Florante ang gererong matapang na napangarap niyang magiging haligi ng kanyang setro at reyno. Itinalaga rin niya si Florante bilang heneral ng hukbo kahit na ito ay walang karanasan sa pakikipaglaban. 
Lolo ni FloranteSiya ang hari ng bayang Krotona na tutulungan ni Florante upang maglaban para magtagumpay sa mga Moro.
Aladin Ang Morong taga-Persya na kausap ni Florante. 

Talasalitaan 

Maraming mga salita at parirala tayong matututunan sa bawat kabanata 21 ng Florante at Laura. Mahalagang matutunan at maunawaan ang kahulugan ng mga ito upang mas malinang ang ating kaalaman sa sariling wika. 

Mga Salita Kahulugan 
Maparis Maihalintulad o maikumpara sa iba 
Bantog Popular o kilala ng mga nakararami 
Matanto Pagkaunawa o pagkaliwanag sa isang ideya, katotohana, o balita. 
Ninanais Hinahangad 
Batbat Puno o napalilibutan 
Kinubkob Ang salitang ito ay kasingkahulugan ng nilusob, pinalibutan, sinakop, pinaligiran, o binakuran. 
PinanggalinganIto ay tumutukoy sa isang lugar na pinagmulan. 
Maglalathala Ito ay tumutukoy sa magsasalaysay, magpapahayag, o magkukwento. 
Sasalitin Ang salitang ito ay tumutukoy sa pagpapahayag, pagsasalaysay, o pagkukwento. 
Umayon Sumang-ayon, pumayag, umalinsunod, kumampi, o tumupad. 

Leave a Comment