Noli Me Tangere Kabanata 55: Ang Pagkakagulo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 55 ng Noli Me Tangere ay magaganap na ang planong pagsalakay sa kumbento at kwartel. Saktong ika-walo ng gabi ay nakarinig na ng mga putukan sa paligid. Si Ibarra ay nagpunta sa bahay nina Maria Clara at umalis rin pagkatapos ng putukan. Ang mga sibil naman ay nagpunta sa bahay ni Ibarra. Nagpunta rin si Elias at sinunog niya ang mga aklat at iba pang gamit sa gabinete ng bahay ni Ibarra. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 55

Oras ng hapunan at ayaw kumain ni Maria Clara. Sinabi niyang wala siyang ganang kumain. Ang kanyang kaibigan na si Sinang ay nag-aya sa may piano at doon ay nagbulungan sila. Hindi mapakali ang magkaibigan sapagkat hinihintay nila ang pagdating ni Ibarra sa ika-walo ng gabi. 

Si Linares ay kumakain at si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa may bulwagan. Ang magkaibigang Maria Clara at Sinang ay nagdadasal na sana ay umalis na sina Padre Salvi. Sa pagsapit ng ika-walo ng gabi ay napaupo ang pari sapagkat ito ang nakatakdang oras ng paglusob sa kumbento at kwartel. Hindi naman malaman ng magkaibigan kung ano ang kanilang gagawin. 

Tumunog ang kampana at lahat sila ay tumayo upang magdasal. Noong oras na iyon ay dumating si Ibarra na nakapanluksang damit. Lalapit sana siya kay Maria Clara ngunit nakarinig sila ng sunod-sunod na putok. Si Ibarra naman ay napapatda at hindi nakapagsalita. Si Padre Salvi ay nagtago sa likod ng haligi, si Tiya Isabel ay patuloy sa pagdarasal, at nagyakapan na lamang ang magkaibigang Maria Clara at Sinang. 

  Noli Me Tangere Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Narinig ng mga tao na nasa bahay ni Kapitan Tiyago ang mga putukan, sigawan, at pinagbuhan sa kumbento. Bigla namang nagsipasok ang mga kumedor na nagsisikain at sumisigaw ng “Tulisan….Tulisan…” Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng bintana at pintuan. 

Pinababa ng alperes ang kura nang matapos ang putukan. Si Ibarra ay pumanaog din at sina Maria Clara at Sinang naman ay pinapasok ni Tiya Isabel sa silid. Dahil dito, hindi na nagkausap ang magkasintahan at pumunta na si Ibarra sa kanyang tahanan. 

Inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kabayo. Inilagay naman niya sa kanyang maleta ang salapi, hiyas, kasukatan, at larawan ng kasintahang si Maria Clara. Ang isang balaraw at dalawang rebolber ay isinukbit niya. 

Nang siya ay paalis na, nakarinig siya ng malakas na putok sa pintuan at tinig ng isang kastila. Inisip niyang lumaban, ngunit sa huli nagdesisyon siya na bitawan ang baril at buksan ang pintuan. Siya ay isinama ng mga sarhento ng mga dumating na kawal. 

Sa kabilang dako, gulong-gulo ang kaisipan ni Elias. Siya ay pumasok sa bahay ni Ibarra ngunit naramdaman niya na parang sinusurot siya ng kanyang budhi, sapagkat naalala niya ang mga nangyari sa kanyang pamilya. Tila ba ay tinatawag siyang duwag ng lahat. 

Nakita niya ang katulong ni Ibarra na naghihintay sa kaniyang amo. Nagkunwari siyang umalis nang malaman niya na ang nangyari kay Ibarra, ngunit pumunta sa gabinete ng bahay. Doon ay nakita niya ang alahas, baril, aklat, at kasulatan. Ang baril ay kanyang kinuha at ang ibang gamit ay inilagay sa sako at inihulog sa bintana. Dumating ang mga gwardiya sibil. Ang larawan ni Maria Clara ay inilagay niya sa isang supot at tinipon niya ang mga papel at damit. Ito ay binuhusan niya ng gas at nagkaroon ng sunog. 

  El Filibusterismo Kabanata 38: Kasawiang-Palad – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Pilit na pumapasok ang mga kawal sa tahanan ni Ibarra. Hindi sila pinayagan ng katiwala na makapsok sa loob sapagkat walang pahintulot mula kay Ibarra. Tinabig ng mga kawa ang matandang katiwala at pumasok sa bahay. Isang makapal na usok ng apoy ang sumalubong sa kanila pagdating sa gabinete. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at ang mga kawal pati ang katulong ni Ibarra ay agad bumaba ng bahay. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 55

Marami tayong matututunan sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere, sapagkat ang mga pangyayari sa nobelang ito ay sumasalamin sa ating kasaysayan at kultura. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga magagandang kaisipan na maari nating gawing gabay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagkakaroon ng mabuting kaloobanSa kabila ng galit at poot ni Elias ay tinulungan pa rin niya si Ibarra. 
Pagtitiwala sa sariliMahalaga ang magtiwala sa sariling kakayahan at manindigan sa tama lalo na sa panahon ng kaguluhan. 

Mga Tauhan 

Ito ang mga tauhan sa kabanata 55 ng Noli Me Tangere. Narinig nila ang mga putukan at iba pang ingay dulot ng pagsalakay sa kwartel at kumbento. Ipinakita nila ang pananampalataya, pagtitiwala sa sarili, at paggawa ng tama. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Maria ClaraSi Maria Clara ang kasintahan ni Ibarra
SinangKaibigan ni Maria Clara
Padre Salvi Ang kura paroko ng bayan ng San Diego
LinaresSiya ang manliligaw ni Maria Clara
Crisostomo Ibarra Siya ang pinagbibintangan na nagpasimuno sa kaguluhan
Elias Tinulungan niya si Ibarra
Alperes Ang pinuno ng mga gwardiya sibil 
Tiya IsabelTiya ni Maria Clara
Mga kawal Kasamahan ng mga gwardiya sibil at umaresto kay Ibarra
Katulong ni IbarraSiya ang namamahala sa tahanan ni Ibarra
Sarhento Siya ang dumakip ang Ibarra

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may mga salita tayong mababasa na hindi pamilyar sa atin. Upang mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa mga salita sa Wikang Tagalog, ating alamin ang kahulugan ng mga ito. 

  El Filibusterismo Kabanata 6: Si Basilio - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Salita Kahulugan 
Batingaw Kampana ng Simbahan 
Rebolber Isang uri ng baril
Gasera Lalagyan ng langis na may ilaw
Pumanhik Umakyat
Pumanaog Bumaba 
Punyal Panaksak 

Leave a Comment