Ang Kabanata 53 ng Noli Me Tangere ay nagsimula sa pagkalat ng balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan. Ang balitang ito ay nakarating din kina Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Ipinahayag din ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo ang naging desisyon ng alkalde sa kagustuhan niyang pagbibitiw sa pwesto. Sa pagkakataong ito ay mahina na rin ang pangangatawan ni Pilosopo Tasyo kaya ipinakiusap niya kay Don Filipo na gusto niyang makita si Ibarra.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 53
Kinabukasan, agad kumalat ang balita tungkol sa mga nakitang ilaw sa libingan noong nakaraang gabi. Ayon sa kapatiran ni San Francisco ay may nakita silang 20 kandila na sinindihan. Sinabi naman ni Hermana Sepa na nakarinig siya ng mga panaghoy at paghikbi kahit na may kalayuan ang bahay niya sa libingan. Sa pulpito naman ay nagbigay ang pari ng sermon tungkol sa mga kaluluwa na nasa purgatoryo.
Ang balitang ito ay napag-usapan din nina Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Si Pilosopo Tasyo ay ilang araw nang nakakaramdam ng panghihina. Ipinahayag ni Don Filipo na tinanggap na ng alkalde ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin. Nabalisa naman si Pilosopo Tasyo sapagkat sa kanyang pananaw ay hindi nararapat at wala sa tamang panahon ang pagbibitiw ni Don Filipo.
Sinabi ni Pilosopo Tasyo na ang puno ay kailangang manatili sa kanyang tao lalo na sa panahon ng digmaan. Dagdag pa niya, ibang-iba na raw ang bayan makalipas ang dalawang dekada. May mga aral na idinulot ang nakaraan. Ang resulta ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagpunta ng mga kabataan sa Europa ay nakikita at nadadama na.
Ayon kay Pilosopo Tasyo naging malawak ang kaalaman ng mga kabataan na nag-aral sa Europa sa kasaysayan, agham, wika, matematika, at iba pang kaalaman. Ang mga tao rin daw ay may kakayahan ng mamahala sa mundong kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa larangan naman ng panitikan ay umusbong ang mga makata na nagpapahayag ng kalayaan at maka-agham na pagsubok. Ang kumbento rin ay hindi na kayang pigilan ang pag-usbong ng modernong kabihasnan.
Sa kanilang pag-uusap ay nakapag-palitan pa sila mg marami pang kuro-kuro, katulad ng kahihinatnan ng bayan, relihiyon, ugali ng mga dalaga at binata, at naglilingkod sa simbahan. Tinanong ni Don Filipo si Pilosopo Tasyo kung kailangan nito ng gamot dahil napansin niya ang paghihina nito.
Sinabi ni Pilosopo Tasyo na hindi nangangailangan ng gamot ang mga mamamatay. Ang mga nangangailangan ng gamot ay ang mga maiiwan. Ipinakiusap din ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na sabihan niya si Ibarra na makipagkita sa kanya dahil malapit na raw ang kamatayan niya. Ang bayan pa rin ang inaalala ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng kaniyang sakit. Siya ay naniniwala na tumatahak pa rin sa karimlan ang bansang Pilipinas. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagpa-alam na rin si Don Filipo.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 53
Narito ang mga aral na matututunan natin sa Kabanata 53 ng Noli Me Tangere. Kabilang na dito ang pagmamahal sa bayan,
Mga Aral | Paglalarawan |
Pagmamahal sa bayan | Ipinakita ni Pilosopo Tasyo ang pagmamahal niya sa bayan. Inaalala pa rin niya ang magiging kalagayan nito sa darating na panahon. |
Malahaga ang pag-aaral | Malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa ating buhay. Ito ay nagbibigay sa atin ng kaalaman at abilidad upang makamit ang tagumpay. |
Mahalagang manatili ang isang lider kasama ang kanyang mamamayan lalo na sa panahon ng krisis | Para kay Pilosopo Tasyo ay hindi napapanahon ang pagbibitiw ni Don Filipo sa pwesto. Kailangan ng mamamayan ng isang lider na mapagkukunan nila ng lakas lalo na sa panahon ng kagipitan. |
Mahalaga ang magkaroon ng pagkakaisa para sa pag-unlad ng bayan | Ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ay nagdudulot ng pag-unlad ng bayan. Dapat ay gamitin ng bawat isa ang kanyang kakayahan at abilidad sa ikakaunlad ng sarili at bansa. |
Matuto sa mga pangyayari sa nakaraan | Marami tayong aral na matututunan mula sa ating nakaraan. Mahalagang matutunan natin ang mga bagay na hindi makabubuti upang maiwasan natin ang mga iyon. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 53 ng Noli Me Tangere. Ipinapakita ng mga karakter nila ang kanilang iba’t-ibang opinyon tungkol sa mga balitang kanilang naririnig at mga bagay na naoobserbahan sa paligid.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Don Filipo | Siya ay nagbitiw bilang tinyente mayor ng bayan. |
Pilosopo Tasyo | Ipinakita niya ang pagmamahal sa bayan. Nais din niyang makausap si Ibarra. |
Hermana Sepa | Sinabi niya na may narinig siyang mga panaghoy at pag-iyak sa libingan. |
Miyembro ng Kapatiran ni San Francisco | Sila ang mga nakakita ng mga kandila sa sementeryo. |
Talasalitaan
May mga malalalim o matatalinhagang salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Narito ang ilan sa mga salita at ang kahulugan ng mga ito upang mas maunawaan natin ang nobela.