Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 31 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa sermon ni Padre Damaso. Gumamit siya ng Wikang Kastila at Tagalog kaya naging mahaba ito. Hindi naman naunawaan ng mga tao ang sermon na ipinahayag sa Wikang Kastila. May sermon din ito na ang tinutukoy ay si Ibarra. Nagbigay naman ng babala si Elias kay Ibarra tungkol sa paaralan na kanyang ipinapatayo. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 31

Ang sermon ni Padre Damaso ay sinimulan niya sa pagsipi ng tala sa bibliya. Humanga ang karamihan sa pagsisimula ni Padre Damaso ng kanyang sermon. Sa kabilang banda, napalunok naman si Padre Manuel Martin sapagkat maganda ang naging panimula ni Padre Damaso sa kanyang pagsesermon. Ginamit ng pari ang mga Wikang Kastila at Tagalog. 

Nagbigay pugay si Padre Damaso sa mga taong nagsimba. Ayon kay Padre Damaso ay binitiwan niya ang pananalita ng Diyos bilang isang binhi upang ito ay tumubo at lumago sa lupain ng banal o santo na si San Francisco. 

Hinikayat din ng Padre ang mga nagsimba na tularan ang ilan sa mga tauhan sa bibliya. Sinabi niyang tularan si Gideon sapagkat ito ay mapagwagi, si David na nagpakita ng tapang, at si Roldan na mapagtagumpay ng ka-kristiyanuhan. 

Hindi naman naintindihan ng mga nagsimba ang sermon ni Padre Damaso sapagkat ito ay ipinahayag niya ang sermon gamit ang Wikang Kastila. Ilang salita lamang ang naintindihan ng mga tao, katulad ng San Francisco, San Diego, tulisan, at guwardiya sibil. Inakala ng mga tao na pinagalitan ni Padre Damaso ang alperes dahil hindi niya magawang hulihin ang mga tulisan at nakita ng mga tao na umasim ang mukha nito. 

  Florante at Laura Kabanata 5: Halina, Laura – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nabanggit din sa kanyang sermon ang usapin tungkol sa patente bilang pagtukoy sa mga taong nagwawalang bahala sa kasalanan. Dahil dito isang lalaki ang tumindig at nagtago sapagkat madalas siyang inuusig ng mga kabinero dahil hinihingan siya ng patente at nagbebenta ng mga alak. 

Maraming tao ang napahikab at inaantok sapagkat hindi nila nauunawaan ang sinasabi ni Padre Damaso sa Wikang Kastila, kabilang na si Kapitan Tiyago. Si Maria Clara naman ay abala sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra kahit ito ay malapit lamang sa kanya, kaya hindi siya nakikinig sa sermon. 

Lalong tumagal ang misa nang simulan ni Padre Damaso ang pag-gamit sa Wikang Tagalog. Ang naging laman ng kanyang sermon ay sumpa, panunumbat, at hindi paggamit ng mga magandang salita. Nabalisa si Ibarra sa naging sermon ng pari tungkol sa mga namatay sa bilangguan na hindi nangungumpisal at walang sakramento ng simbahan. 

Naramdaman din ni Ibarra na siya ang tinutukoy ng pari nang inaglahi niya ang mga binatang salbahe, pilosopo, at mistisilyong hambog at mapagmataas. Nagsawalang-kibo na lamang si Ibarra sa mga pahayag na ito. 

Hindi na naging maganda ang pinatunguhan ng mga sermon ni Padre Damaso, kaya si Padre Salvi ay nagpakuliling na upang huminto na si Padre Damaso sa kanyang sermon. Ngunit hindi ito pinansin ni Padre Damaso at umabot pa sa kalahating oras ang sermon. Palihim na lumapit si Elias kay Ibarra upang magbigay ng babala para sa gagawing pagdiriwang sa pagtatayo niya ng paaralan. Sinabi niya kay Ibarra na mag-iingat kapag bumaba sa hukay at huwag lalapit sa bato dahil maari niya itong itong ikamatay. Umalis kaagad si Elias pagkatapos sabihin iyon kay Ibarra. 

  El Filibusterismo Kabanata 33: Ang Huling Matuwid – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 31

Narito ang mga aral na matutunan sa Kabanata 31 ng Noli Me Tangere mula sa naging sermon ni Padre Damaso sa kanyang pagmimisa. Ang mga aral na ito ay makatutulong sa atin upang mas mapaunlad ang ating buhay. 

Mga Salita Paglalarawan 
Mahalaga ang pagpapakita ng integridad at pagpapakatooBilang isang pinuno ng simbahan, hindi naging maganda ang mga sinabi ni Padre Damaso sa kanyang misa. Dapat ay maging isang mabuting halimbawa siya sa mga mamamayan. Wikang Tagalog din sana ang kanyang ginamit sa buong sermon upang mas maunawaan ito ng mga tao at makita ang kanyang tunay na intensyon. 
Maging mapagkumbabaIpinagsawalang kibo na lang ni Ibarra ang sermon ng pari kung saan siya ang pinatutungkulan. 
Ipakita ang pagmamalasakit para sa kaligtasan ng ibang tao Ipinakita ni Elias ang pagmamalasakit kay Ibarra sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala tungkol sa okasyon para sa kanyang itinatayong paaralan. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na dumalo sa misa at nakinig sa sermon ni Padre Damaso. Ang bawat isa sa kanila ay nagpakita ng iba’t-ibang katangian na nagbigay kulay sa kwento. 

Tauhan Paglalarawan 
Padre Damaso Siya ang nagbigay ng sermon sa misa 
Alperes Akala ng mga tao ay siya ang tinutukoy ni Padre Damaso sa isang parte ng kanyang sermon. 
Padre Manuel Martin Siya ang isa sa mga pari na kasama sa misa
Maria Clara Siya ay naging abala sa paghahanap sa kinaroroonan ni Ibarra
Kapitan Tiyago Dumalo siya sa misa at nainip na rin dahil hindi maunawaan ang sinasabi ni Padre Damaso.
Ibarra Siya ang tinukoy ni Padre Damaso sa isang bahagi ng kanyang sermon. 
Padre Salvi Nagpakuliling siya upang huminto na ang pagbibigay ni Padre Damaso ng sermon. 
Elias Nagbigay siya ng babala kay Ibarra
Mga taong nagsimba Sila ang mga taong dumalo sa misa at karamaihan sa kanila ay hindi naunawaan ang sermon ni Padre Damaso sa Wikang Kastila. 

Talasalitaan 

Ito ang mga malalalim na salitang nabanggit sa Kabanata 31 ng Noli Me Tangere. Ang pag-alam sa kahulugan ng mga salitang ito ay makatutulong upang mas madagdagan ang mga salitang ating nalalaman sa Wikang Tagalog. 

  Noli Me Tangere Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Sermon Pangangaral 
Sinusulyapan Lihim na tinitingnan
Naghihikab Inaantok 
EreheHindi sumusunod sa alituntunin o utos ng simbahan
Ipinagsawalang-kibo Hindi pinansin 

Leave a Comment