Florante at Laura Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 27 ng Florante at Laura ay ang pagtatapos ng pagsasalaysay ni Florante. Dito ay mas makikilala natin ang katauhan ni Aladin sa pagsasalaysay ng kaniyang mga pinagdaanan. Parehong hindi naging madali ang pinagdaanan ni Florante at Aladin, lalo na sa kanilang mga minamahal. Ang kanilang pinagdaanan ang naging daan upang magkakilala at magkita silang dalawa. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 27

Nagpatuloy si Florante sa kanyang pagsasalaysay. Labingwalong araw na naibilanggo si Florante at tila nainip na siya sa kanyang hindi pagkamatay. Isang gabi, siya ay inialis sa bilangguan, dinala sa gubat, at iginapos. Nang siya ay magising ay nakita niya ang kanyang sarili na nasa kandungan ni Aladin. Sinabi niyang ito ang kanyang buhay na puno ng sakit at hindi pa niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Dito nagtapos ang pagsasalaysay ni Florante tungkol sa kanyang buhay. 

Si Aladin naman ang nagkwento tungkol sa kanyang mga pinagdaanan. Sinabi ni Aladin kay Florante na natalastas niya ang buhay ni Florante at ngayon naman ay siya ang magsasalaysay. 

Nagpakilala siya kay Florante bilang si Aladin na nagmula sa Persya at anak ng sultan na si Ali-Adab. Tumigil silang dalawa sa gubat ng halos limang buwan at nang isang umaga sila ay naglibang. Ang loob ng gubat ay kanilang nilibot at nakakita sila ng landas. Dito ay isinalaysay ni Aladin ang mga pangyayari sa kanyang buhay na kahabag-habag. 

Sinabi ni Aladin na hindi siya naghirap sa pakikipaglaban sa mga gerang kanyang pinagdaanan. Si Flerida ang kanyang irog na tinatangisan, sapagkat ito ay inagaw ng kanyang ama. Siya ay ibinilanggo agad pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban sa syudad ng Albanya. 

  Noli Me Tangere Kabanata 6: Kapitan Tiyago– Buod, Aral, Tauhan, ATBP

At ang sinabing kasalanan ni Aladin ay iniwan niya ang kanyang hukbo. Noong mabalitaan na ang reyno ay nabawi ni Florante ay hinatulan siyang pugutan ng ulo. Alam niyang ang tadhana niya ay siya ay pupugutan. Pumasok ang isang heneral sa karsel at sinabi nito sa kanya na ang kanyang kasalanan ay napatawad na. 

Ngunit, kailangan niyang umalis kaagad sa Persya at iyon ang utos ng kanyang ama. Sa puso ni Aladin ay mas nanaisin pa niya ang mamatay kaysa wala sa kanyang piling ang kanyang minamahal. Anim na taon na si Alading nagpapalibot-libot at ang kasama niya ay hirap. 

Napatigil silang dalawa at nagmatyag, sapagkat may narinig silang nag-uusap sa loob ng gubat. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 27

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 27 ng Florante at Laura. Ilan sa mga aral na ito ay ang may mga taong handang gumawa ng masama para lang makuha ang hinahangad at hindi hadlang ang pagkakaiba upang maging magkaibigan

Mga Aral Paglalarawan 
Hindi hadlang ang pagkakaiba upang magtulunganKahit na hindi magkasundo ang mga syudad na pinanggalingan ni Florante at Aladin ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pagkakasundo. 
May mga taong handang gawin ang mga bagay na masasama, makuha lamang ang kanilang gustoKatulad ng ama ni Aladin, ipinabilanggo niya ang kanyang anak at pinaalis sa syudad upang makuha niya ang puso ni Flerida. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 27 ng Florante at Laura. Ang mga pangunahing tauhan sa kabanatang ito ay may mga masasakit na pinagdaanan sa kanilang bayan at ito ang naging daan upang sila ay magkita. 

  El Filibusterismo Kabanata 35: Ang Piging – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ang pangunahing tauhan sa kwento. Sa kabanatang ito ay natapos ang kanyang pagsasalaysay tungkol sa kanyang mga pinagdaanan. 
Aladin Si Aladin ang gererong taga-Persya. Siya ang namuno sa kanilang hukbo noong lusubin nila ang Albanya. 
FleridaSiya ang minamahal ni Aladin. Inagaw siya ni Sultan Ali-Adab mula kay Aladin. 
Sultan Ali-Adab Ang ama ni Aladin. Siya ang nagpabilanggo kay Aladin at umagaw kay Flerida. 
HeneralSiya ang nagpunta sa karsel at nagsabi kay Aladin na napatawad na ito sa kanyang kasalanan, ngunit kailangan niya kaagad umalis sa syudad. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Florante at Laura ay may mababasa tayong mga salita o parirala na maaaring hindi pamilyar sa atin. Kaya, mahalagang matutunan natin ang ibig sabihin ng mga ito upang mas maintindihan ang konteksto ng kwento. 

Mga Salita Kahulugan
Ipinugal Ito ay nangangahuligan ng itinali o iginapos. 
PagkagaposIto ay nangangahulugan ng pagkakatali, karaniwang gamit ang lubid. 
Napatid Ito ay kasingkahulugan ng natigil o nahinto. 
Nagsulit Ito ay nangangahulugan ng nasalaysay, nagkwento, o nagsabi. 
Naganyak Ang kahulugan nito ay na-enganyo, nayaya, nahimok, o nahikayat na gawin ang isang bagay. 
Landas Ang landas ay tumutukoy sa daan. 
Kahabag-habag Ang mga kahulugan ng salitang ito ay kalunos-lunos, kaawa-awa, kahabag-habag, lubhang malungkot, nahahapis, o nalulumbay. 
BiktoryaIto ay ang pagtatagumpay o pagkapanalo sa isang laban o kompetisyon. 
NagugunitaAng ibig sabihin ng salitang ito ay muling naaalala o naiisip ang mga pangyayari. 
Namatyag Ang kahulugan ng salitang ito ay nagmanman, nag-obserba, nagmasid, o naniktik. Ito ay ang pag-obserba sa paligid nang masinsinan upang matuklasan ang isang bagay o pangyayari. 

Leave a Comment