Noli Me Tangere Kabanata 32: Ang Panghugos – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 32 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagpapalitada para sa paaralang ipinapatayo ni Ibarra. Malaki ang naging paghahanda ni Ibarra para dito para siguraduhin na magiging masaya ang mga panauhin at matagumpay ang okasyong ito. Ginawa nila ang mga ritwal na dapat gawin. Nagkaroon ng aksidente at may nasawing buhay sa huli. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 32

Si Nol Juan ang nangangasiwa sa pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan. Ipinakita sa kanya ng taong madilaw kung paano mapagagalaw ang pampakilos ng kalong na kanyang itinayo. Sinabi ng taong madilaw na ito ay natutunan niya kay Don Saturnino, lolo ni Ibarra. 

Ang kalong o makinaryang ito ay mayroong walong metro na taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa lupa. Nakasabit naman ang malalaking lubid nito sa haligi kaya kung titingnan ay masasabing napakalaki at napakatibay. Mayroong bandera na iba’t-ibang kulay sa taas nito. 

Ang paggamit ng makinaryang ito ay tiningnang mabuti ni Nol Juan upang malaman niya kung paano itataas at ibaba ang malaking bato na ilalagay sa ilalim na kahit isang tao lamang ang gumagawa. Hinangaan ni Nol Juan at pinuri ng mga tao sa paligid ang taong dilaw dahil sa kanyang ginawa. 

Malaki ang naging paghahanda ni Ibarra para sa okasyong ito, kung saan ibabaon ang panulukang bato para sa paaralan dahil gusto niyang maging matagumpay at masaya ito. Si Ibarra ay nagpaluto ng masasarap na pagkain para sa lahat ng mga dadalo. Ang mga guro naman ay nagdaos ng mga palaro, katulad ng pukpok sa palayok, palosebo, at pabitin. Mayroon ding banda na nagbigay ng masayang tugtugan. Naroon sa okasyon ang alkalde, alperes, Kapitan Tiyago, at Padre Salvi. Pumunta rin dito si Maria Clara at ang ibang kababaihan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 31: Ang Sermon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nagbihis na ng damit para sa okasyon si Padre Salvi upang simulan ang pagbabasbas. Ang mga mahahalagang kasulatan, relikya, salaping pilak, at medalya ay inilagay sa isang kahang bakal. 

Nagtalumpati muna ang alkalde gamit ang Wikang Kastila bago simulan ang pagpapalitada. Pagkatapos mag-bendisyon ni Padre Salvi ay sunod-sunod nang bumaba ang mga panauhin. Ang akalde na sinundan ni Padre Salvi ang nanguna sa pagsasagawa ng ritwal. Sumunod sa kanila sina Kapitan Tiyago, mga kawani, prayle, kura, at mayayamang panauhin. Naroon din sa paligid si Elias at hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa taong madilaw. 

Napansin nilang hindi bumaba si Ibarra kaya napilitan ito. Noong nasa baba na si Ibarra ay saktong humalugpos ang lubid sa kalo. Dahil dito, nasira ang balangkas at makapal na alikabok ang bumalot sa paligid. Nang mawala ang alikabok ay nakita ng mga tao si Ibarra na nakatayo sa pagitan ng batongbuhay at bumagsak na kalo. 

Nakita nila sa paanan ni Ibarra ang taong madilaw na nabgasakan ng biga. Ipapahuli sana ng alkalde si Nol Juan na nangangasiwa ng pagpapagawa ng paaralan ngunit pinigilan ito ni Ibarra. Sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat. Pagkatapos ng pangyayari ay agad ipinagtanong ni Ibarra kung nasaan si Maria Clara at pagkatapos nito ay umuwi na siya. 

Naroon din sa okasyong iyon si Pilosopo Tasyo at nakita niya ang mga pangyayari. Sinabi niyang ang mga pangyayaring naganap ay hindi magandang simula. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 32

Ito ang mga aral na ating matututunan sa Kabanata 32 ng Noli Me Tangere. Dito ay matututunan natin ang epekto ng mga aksyon at desisyon na ating ginagawa at ang pagiging responsable.

  El Filibusterismo Kabanata 18: Ang mga Kadayaan. - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Aral Paglalarawan 
Maging maingat sa aksyon at desisyon na ating ginagawaAng ating mga desisyon at aksyon ay may epekto sa mga tao sa paligid natin kaya dapat maging maingat tayo upang maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente. 
Maging responsable Katulad ni Ibarra, naging responsable siya sa mga nangyari. Sinabi niyang siya na ang bahala sa lahat.  

Mga Tauhan sa Kabanata 32

Mga Tauhan Paglalarawan 
Ibarra Naghanda siya ng malaki para sa kanyang ipinapatayong paaralan. 
Nol Juan Nangangasiwa ng pagpapatayo ng paaralan
Lalaking Madilaw Siya ang nagturo kay Nol Juan kung paano gamitin ang makinaryang ginawa niya
Alkalde, alperes, at Kapitan TiyagoSila ang mga pangunahing panauhin ni Ibarra. 
Padre Salvi Siya ang nangasiwa sa pagbebendisyon ng okasyon. 
Elias Naroon din siya sa okasyong iyon. 
Mga guro at mag-aaral Naghanda ng mga palaro at tumulong sa iba pang gawain.
Maria Clara at mga kababaihan Dumalo sa okasyong iyon 
Alkalde Ipapahuli niya sana si Nol Juan dahil sa aksidente
Pilosopo Tasyo Natunghayan niya ang mga pangyayari at sinabing hindi ito magandang simula. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay mayroon tayong mababasa na salitang hindi pamilyar sa atin. Dapat nating alamin ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas maunawaan natin ang mga tekstong binabasa. 

Mga Salita Kahulugan 
Makinarya Isang instrumento o kagamitan na ginagamit upang mas mapadali ang trabaho
Panghugos Isang kagamitan na ginagamit upang ibaba ang bagay mula sa mataas nitong kinalalagyan sa pamamagitan ng lubid at marahan na pina-uusos. 
Palosebo Ito ay isang laro na karaniwang ginaganap tuwing pista. 
Kalo “Pulley” 
Pukpok sa Palayok Isang larong Pinoy kung saan ang mga manlalaro ay nakatakip ang mata at babasagin ang palayok na nakasabit. Ito ay karaniwang naglalaman ng mga kendi. 
Pasinaya Inagurasyon 
Ritwal Mga gawain bilang parte ng isang seremonya 
Katibayan ng Kasaysayan Nakasulat dito ang mahahalagang pangyayari 
Pabitin Isang laro kung saan may isang grid at may nakasabit ditong mga papremyo at itinataas at ibinababa. 

Leave a Comment