Sa Kabanata 29 ng Noli Me Tangere ay matutunghayan ang mga pangyayaring naganap sa kinaumagahan ng pista. Maagang nagsimula ang banda ng musiko, pagpapaputok, at ang tunog ng kampana. Nagkaroon din ng prusisyon na ginanap eksaktong alas-otso ng umaga. Sa prusisyong ito ay makikita ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 29
Ang banda ng musiko ay maagang nagtipon at pumasiyo sa lansangan. Sinabayan din ito ng mga paputok at tunog ng kampana, kaya maaga ring nagising ang mga taga San Diego. Ang mga mamamayan ay nagsulat ng kanilang pinakamagandang damit at ang kanilang mga pinakatatagong mga alahas.
Si Pilosopo Tasyo lamang ang hindi nagsuot ng magandang damit. Ang Tinyente Mayor ay bumati sa kanya. Sumagot naman sa kanya si Pilosopo Tasyo at sinabi na ang kasiyahan katulad ng pista ay paglulustay lamang ng oras at pera. Ang okasyong ito ay pagpapakitang tao lamang. Sinabi rin niya na mayroong mas importanteng bagay na kailangang bigyan ng pansin kaysa sa pagdiriwang ng pista.
Si Don Filipo ay sang-ayon sa pahayag ni Pilosopo Tasyo, subalit wala siyang lakas ng loob upang salungatin ang kagustuhan ng pari sa pagdiriwang na ito.
Maraming tao ang makikita sa patyo. Tuloy-tuloy naman ang paglilibot ng banda ng musiko. Ang mga tao naman ay tinatawag at inaanyayahan ng Hermano Mayor upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Ang magmimisa dapat araw na iyon ay si Padre Damaso, ngunit nagkasakit siya. Tinanggihan niya ang pagbibigay ng sermon sa misang iyon, ngunit pinilit siya ng ibang pari dahil siya lamang ang makapagbibigay ng aral sa mga mamamayan. Upang guminhawa ang kanyang pakiramdam ay agad siyang nagpahilot at nagpapahid ng langis.
Ang prusisyon ng mga santo ay saktong nagsimula noong ika-walo ng umaga. Ito ay idinaan sa ilalim ng tolda at ang mga matatandang dalaga na miyembro ng kapatiran ni San Franciso ang nag-ilaw dito. Ito ay naiiba sa prusisyon noong mga nakaraang araw sapagkat nakaabitong ginggon ang mga nag-iilaw. Kabukod tangi ang karo ni San Diego at ito ay sinundan ng kay San Francisco at Birhen De La Paz. Naging maayos ang ginawang prusisyon. Ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo at hindi si Padre Sibyla.
Sinasabayan ito ng awitin at tugtuging pang-simbahan at pagpapaputok ng kwitis. Sa prusisyong ito ay makikita ang pagkakaiba ng antas ng bawat mamamayan, kung marangya o hindi dahil sa suot nilang abito. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago natapos ang prusisyon at naroon sina Kapitan Tiyago, Maria Clara, Ibarra, Alkalde, at ilan pang mga Kastila. Hindi bumati si Padre Salvi sa kanyang mga kakilala, bagkus ay nagtaas lamang siya ng ulo at matuwid na nakatayo.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 29
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 29 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay sumasalamin sa ibat-ibang pananaw at ugali ng bawat tauhan sa nobelang ito.
Mga Aral | Paglalarawan |
Gamitin ang pera sa tamang paraan at isaayos ang mga prayoridad | Hindi masama ang magkaroon ng kasiyahan o pagdiriwang, sapagkat ito ay parte ng ating kultura bilang Pilipino. Subalit kailangan nating gamitin ang pera ng wasto o i-badyet ito ng maayos. Alamin ang mga prayoridad at pagtuunan ito ng pansin. Dapat ay tama ang paggamit ng pera sa iba’t-ibang gaw ain na makapagbibigay ng pang-matagalang benepisyo. |
Mahalagang kilalanin at malaman ang mga problem ana kinakaharap ng bayan | Sa prusisyong naganap ay nakita ang antas ng pamumuhay ng isang tao ayon sa kanyang kasuotan. Dahil dito, nagkakaroon ng hindi pantay-pantay na pagtingin, diskriminasyon, at paghahati-hati ng mamamayan. |
Maayos na pagtugon sa mga problema at suliranin na kinakaharap ng mga mamamayan. | Mas mahalaga ang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan upang masolusyonan ang mga problema at suliranin na kinakaharap ng bayan. |
Maging matapang sa pagpapahayag ng sariling saloobin | Matapang na ipinahayag ni Pilosopo Tasyo ang kanyang saloobin tungkol sa pagdiriwang ng pista. Samantalang kahit sang-ayon sa pananaw na ito si Don Filipo ay wala siyang ginawa. Mahalaga ang pagpapahayag ng saloobin lalo na kung ito ay para sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat isa. |
Mga Tauhan
Sa Kabanata 29 ay makikita natin ang naging partisipasyon at pagkakaisa ng bawat tauhan sa mga aktibidad na isinagawa sa umaga nang araw ng pista. Ang bawat isa ay may mahalagang ganap upang mas maisaayos at maisakatuparan ang pagdiriwang na ito.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Pilosopo Tasyo | Sinabi niya sa Tinyente Mayor nap ag-aaksaya lamang ng oras at pera ang okasyong ito. |
Tinyente Mayor | Siya ay bumati kay Pilosopo Tasyo. |
Don Filipo | Sang-ayon siya sa pananaw ni Pilosopo Tasyo, ngunit walang lakas ng loob na ipahayag ito. |
Padre Damaso | Pinilit siya ng mga pari na magbigay ng sermon sa misa. |
Padre Salvi | Si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo ng prusisyon. |
Padre Sibyla | Siya ang pinalitan ni Padre Salvi sa kanyang posisyon sa prusisyon. |
Kapitan Tiyago, Maria Clara, Ibarra, Alkalde, at ilan pang mga Kastila | Sila ang mga nasa bahay ni Kapitan Tiyago at nag-abang sa pagtatapos ng prusisyon sa tapat ng bahay nila. |
Talasalitaan
Mga Salita | Kahulugan |
Banda | Isang grupo na musiko na tumutugtog sa lansangan at nagpapatugtog ng mga awitin. |
Kalembang | Tunong ng mga bagay kapag nagtatama ang mga ito. |
Magarbo | Marangya |
Prusisyon | Isang pang-relihiyong gawain kung saan ang mga tao ay lumalakad sa daan dala ang imahen o santo. |
Panauhin | Bisita |
Pilosopo | Isang taong malalim ang pag-iisip at nagbibigay ng malalim na kahulugan |