Florante at Laura Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 11 ng Florante at Laura na hango sa Saknong 136 hanggang 145 ay nagpapakita ng pagtulong ng gererong si Aladin kay Florante upang maalis ang lubid sa nakagapos na katawan. Nawalan ng malay si Florante at inalalayan naman ng gerero ang katawan nito. Sa pagbalik ng malay ni Florante ay ang sinisinta pa ring si Laura ang hinahanap niya at hindi napansin ang lalaking may kalong sa kanya. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 11

Ang bantog na gererong si Aladin ay nagtagumpay laban sa dalawang mabangis na hayop. Lumuluha siya habang kinakalag ang gapos sa katawan ng kaawa-awang si Florante. Ang habag na nararamdaman ni Aladin ay halos nabibihay nang makita niya ang mga dugo ni Floranteng nanukal dahil sa gitgit ng mga gapos. 

Matibay ang lubid kaya kahit nainip siya sa pag-alis ng mga ito. Inagapayan niya ang katawan ni Florante na maihahalintulad sa isang bagong bangkay. Ang hawak niyang espada ay ginamit niya upang maputol ang matibay na lubid. 

Walang malay si Florante kaya umupo siya at kinalong ito habang naghihimutok. Ang katawan ni Florante ay nakaranas ng matinding pagdurusa kaya siya ay nawalan ng malay. Tinutop ng gerero ang dbdib ni Florante at hinaplos ang mukha. Ang hangad ng gerero ay manauli ang lakas ng lalaking kanyang iniligtas. 

Napatitig ang gerero sa pagkalungayngay ng kanyang kalong na kahabag-habag ang anyo. Nagnilay siya at nagtaka sa mga dikit at ng kiyas at kung bakit nangyari iyon sa lalaki. Malaki ang habag na nararamdaman ng gerero sa kalagayan at sa sinapit ng binata. 

  El Filibusterismo Kabanata 8: Mabuting Pasko - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang kanyang kalooban ay gulong-gulo, ngunit ito ay naging mapayapa nang nakita niyang kumilos ang katawan ni Florante. Nagkaroon na muli ng malay si Florante. Idinilat niya ang kanyang mga mata at paghihimutok kaagad ang kanyang sinambit nang makita ang liwanag. Pagkatapos nito, tumaghoy siya ng nakahahabag at winika niya “Nasaan ka, Laura sa ganitong hirap?”

Sinambit din niya ang pag-anyaya kay Laura upang kalagin ang kanyang gapos at kung mamatay siya ay hiling niyang siya ay gunitain rin. Muli siyang pumikit at dumaing. Hindi naman tumugon si Aladin sapagkat natakot siya na baka mabigla si Florante at manganib ang buhay nito. Inisip niya na baka ang hiningang mahina ni Florante ay tuloy na mapatid. Hinintay na lamang ulit niyang pumayapa ang loob ng kanyang kandong na lalaki. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 11

May hatid na mabubuting aral at magagandang kaisipan ang bawat kabanata ng Florante at Laura. Sa kabanatang ito ay makikita natin ang pagkakaroon ng lakas ng loob na tumulong sa mga nangangailangan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagtulong sa nangangailangan Katulad ng gerero, tinulungan niya si Florante kahit na ito ay hindi niya kilala. Nagpakita siya ng awa at habag sa kalagayan ni Florante. Tinulungan niya ito sa pamamagitan ng pagtanggal sa lubid na nakagapos sa katawan nito. 
Pagkalinga sa ibang taoKinalinga ng gerero si Florante sa pamamagitan ng pag-aalaga dito. Kinalong niya ito, sapagkat nahabag siya sa kalagayan nito. 
Pagiging alerto at pagdedesisyon ng tamaMahalagang maging alerto tayo upang malaman ang tamang gagawin. Ginamit ng gerero ang kanyang espada upang mabilis na makalas ang matibay na lubid. Hindi rin siya agad tumugon kay Florante sapagkat inisip niya na baka hindi ito makabuti sa kanyang kalagayan, sapagkat pwede itong mabigla. 

Mga Tauhan 

Ang gererong si Aladin at si Florante ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Ang karakter ni Aladin ay dapat tularan sapagkat nagpakita siya ng pagmamalasakit at pagtulong sa nangangailangan. 

  Florante at Laura Kabanata 17: Kataksilan ni Adolfo– Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Siya ang nakita ng gererong si Aladin na nakagapos sa isang puno. Nang siya ay saglit na magkamalay ay si Laura pa rin ang sinasambit niya. 
AladinSi Aladin ang gererong tumulong kay Florante upang maalis ang matibay na lubid na gumagapos sa katawan nito. Kinalinga rin niya si Florante upang gumaan ang loob nito. 
Laura Si Laura ang sinisinta ni Florante. Sa kabila ng mga dusang pinagdaanan ni Florante ay hindi nawala ang pagmamahal nito sa kanya. Hinihiling ni Florante kay Laura na iligtas siya at gunitain kung sakaling mawalan ng buhay.

Talasalitaan 

Maraming mga salitang malalalim o matatalinhagang nababanggit sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Ang pag-alam sa kahulugan ng mga salitang ito ay makatutulong sa atin upang mas lumawak ang ating kaalaman sa ating sariling wika. 

Mga Salita Kahulugan
BantogIto ay naglalarawan sa isang taong popular o kilala ng nakararami. 
KinalagIto ay salitang tumutukoy sa pag-alis o pagtanggal ng isang bagay.
NabibihayTumutukoy sa nasisira o nawawasak
NunukalAng kasingkahulugan nito ay dumaloy, pag-agos, paglitaw, paglutang, o paglabas. 
Siga-sigalotPaglalarawan sa isang bagay o pangyayari na magulo.
Inagapayanan Inalalayan 
Tangan Paghawak ng kamay sa isang bagay
NaghimutokNagdamdam, naghinaing, o nagtampo
TinutopTinakpan o pinatong
Pagsaulang-loobPagkakaroon muli ng lakas, panunumbalik, o nahimasmasan
PagkalungayngayNakabagsak o nakakiling ang katawan
Kalumbay-lumbayKalungkot-lungkot o kahabag-habag
NinilayNagkuro, nagbulay, nagmuni, nag-alala, o nagdili-dili
Kalunos-lunosIsang karanasan na mapait 
KalaginTanggalin
Lipos-dalitaPagdurusa o paghihirap

Leave a Comment