Florante at Laura Kabanata 9: Sa Harap ng Dalawang Leon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 9 ng Florante at Laura na mula sa Saknong 108 hanggang 125 ay tungkol sa paglapit ng dalawang leon kay Florante. Sa kalagayang iyo ni Florante ay naisip niya na iyon na ang kanyang katapusan, kaya nagpahayag na siya ng pamamaalam sa Albanya at sa kanyang minamahal na si Laura. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 9

Dalawang leon ang hangos na naglakad patungo kay Florante. Nais ng mga ito na siilin ang buhay niya. Ngunit, pagdating ng dalawang leon sa kanyang harapan ay napatigil ang mga ito. 

Mistulang naawa at nawala ang bangis ng dalawang leon sa abang kalagayan ng katawan ni Florante kung saan matinding sakit ang kanyang dinadanas. Ang dalawang leon ay nakatingin sa kanya at parang nakkinig sa kanyang pagtangis. Isang kamatayan ang nasa harapan ni Florante, sapagkat ang mga ngipin at kuko ng dalawang leon ay talagang nakakikilabot. 

Hindi siya nakapagsalita at ang puso ay nakaramdam ng malaking habag sa kanyang kalagayan. Sa kalagayan ni Florante ay mahahapis ang sinumang makakita sa kanya. Makikita ang kanyang anyong kalumbay-lumbay. Ang tinutunguhan niya ay dalawang leon na siyang hihimay sa kanyang mga laman at dugo. 

Sa pagkakataong ito, ang buhay ni Florante ay masasabing tungtong na sa guhit. Ang boses niya ay nasira sapagkat halos hindi makapagsalia at ang puso niya ay parang nilagnat. Ang kanyang paghibik ay patuloy pa rin. 

Dahil dito, nagpaalam si Florante sa kanyang sinisintang si Laura at sa bayan niyang Albanya. Nagwika siya ng pamamaalam sa pamayanan ng Albanya na inilarawan niya na puno ng kasamaan, kalupitan, kabangisan, at kaliluhan. Malaki ang panghihinayang ni Florante sa naging kalagayan ng bayang ito kahit na ang tanggulan nito ay kusang pinatay. 

  Noli Me Tangere Kabanata 46: Ang Sabungan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Hiling ni Florante na huwag mamilantik sa loob ng Albanya ang panirang talim. Bata pa lamang si Florante ay hangad na niya ang maglingkod sa Albanya. Sinabi ni Florante na ang bihis na bayad ng Albanya ay ang dusting kamatayan. Ngunit sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa Albanya ay nagpapasalamat pa rin siya kung mamahalin at hindi ipapahamak ang kanyang sintang tinatangisan na si Laura. 

Ang pagmamahal ni Florante kay Laura ay hindi maaalis. Ipinahayag niya na magsaya na ang bayang walang loob, si Adolfong malupit, at ang kanyang sinang alibugha at mandaraya na si Laura, sapagkat magaganap na kay Florante ang kanilang nais. 

Malulubos na ang kanilang kasamaan at ang kaalipustaan ni Florante sapagkat nasa harap na niya ang kamatayan. Sa lahat ng kanyang pagdurusa ay ito ang pinakamapait sapagkat siya ay mamatay na walang mag-aalaala at ang hindi na sinisinta ng kanyang minamahal na si Laura. 

Nasabi rin niya na hindi tatapunan ni Laura ng kaunti mang luha ang kanyang pagkapang-anyaya at hindi rin babahaginan ng kaunti mang gunita kung ang buhay niya ay mawala. Sa makamandag na guniguning ito ni Florante ay hinahayaan na niyang umagos ang kanyang luha, sapagkat ang puso niya ay maagnas at ang kanyang dugo ay nauunahan sa pagpatak. 

Nais ni Florante na huwag siyang tangisan sa pagkawala ng kanyang buhay, kundi ay ang kanyang lubos na pagmamahal na lubos na naamis. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 9

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 9 ng Florante at Laura. Ang bawat aral na ito ay maghahatid ng inspirasyon at magandang kaisipan sa mga mambabasa, lalo na sa mga kabataan. 

  El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Aral Paglalarawan 
Pagmamahal sa bayanIpinakita ni Florante ang kanyang pagmamahal sa bayan. Kahit na hindi nagging maganda ang kanyang karanasan ay hindi pa rin nawawala sa puso niya ang pagmamahal dito. 
Tapat na pagmamahal sa sinisintaAng pagmamahal ni Florante kay Laura ay tapat. Kahit nasa bingit na siya ng kamatayan ay ipinapahayag pa rin niya ang pagmamahal kay Laura. 
Pagkakaroon ng tapang sa pagharap sa mga pagsubokSa bawat pagsubok na ating pinagdaraanan, mahalagang magkaroon ng pananalig at lakas ng loob

Mga Tauhan 

Sa kabanatang ito ng Florante at Laura ay nakaharap ni Florante ang dalawang leon. Makikita natin dito ang ang tunay at tapat na pagmamahal ni Florante sa kanyang bayan at sa kanyang sintang si Laura. 

Tauhan Paglalarawan 
Florante Nakaharap niya ang dalawang leon at naisip niya na ito na ang kanyang kamatayan. Dahil dito, nagpahayag siya ng pamamamaalam sa Albanya at sa kanyang sinisinta na si Laura. Hanggang sa bingit ng kamatayan ay ipinakita niya ang pagmamahal sa bayan at kay Laura.

Talasalitaan 

Marami tayong matututunan na salita sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Upang mas maintindihan natin ang nais ipahiwatig ng kwento, mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga salitang ito. 

Mga Salita Paglalarawan 
Hangos Paghingal dahil sa pagmamadali
Hangad Nais o kagustuhan
Pagsil-inKakainin o lalapain
BangisTapang
Nagagapos Nakatali
Kakila-kilabot Nakatatakot o nakasisindak
Nauumid Natahimik o napipi
Tuntong na sa guhit Nasa bingit ng kamatayan
AdhikainMithiin o layunin
Nagsukab Nagtaksil o hindi nagging tapat 
Naamis Nainis, nagalit, o nayamot

Leave a Comment