Noli Me Tangere Kabanata 61: Ang Barilan sa Lawa – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 61 ng Noli Me Tangere ay matutunghayan natin ang mga sinapit ni Elias at Ibarra pagkatapos nilang dumaan kay Maria Clara. Nakalusot sila sa mga unang bantay na dinaanan nila, ngunit sa huli nilang dinaanan ay hinabol sila. Ipinakita dito ni Elias at Ibarra ang pagtutulungan at pagtitiwala sa isa’t-isa. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 61

Mabilis ang pagsagwan ni Elias. Sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa Mandaluyong sa bahay ng isang kaibigan. Ibabalik naman ni Elias kay Ibarra ang pera nito na itinago niya sa puno ng balite sa libingan ng nuno nito upang may magamit si Ibarra sa pagpunta niya sa ibang bansa. 

Sinabi ni Elias kay Ibarra na hindi ito nababagay na tumira sa Pilipinas at ang katiwasayan nito ay nasa ibang bansa, sapagkat hindi inilaan ang buhay nito sa kahirapan. Inalok ni Ibarra si Elias na sumama sa kanya dahil pareho sila ng kapalaran at ituturing nila ang isa’t-isa bilang magkapatid. Ang alok na ito ay tinanggihan ni Elias. 

Nang mapadaan sila sa palasyo ay napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapa naman kaagad ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapatapat siya sa palasyo ay pinatigil sila ng polvorista. Si Elias ay tinanong kung saan nanggaling. Sinabi ni Elias na nagmula siya sa Maynila at magdadala ng mga damo sa kura at hukom. 

Nakumbinsi ni Elias ang polvorista kaya nagpatuloy siya sa pagsasagwan. Binilinan naman siya ng bantay na huwag magpapasakay sapagkat may isang bilanggo na nakatakas. Kapag nahuli raw ito ni Elias ay bibigyan siya ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong ito na mahusay magsalita ng Kastila at nakalebita. Pinagpatuloy ni Elias ang pagsasagwan at lumihis ng daan. Upang akalain na siya ay taga-Peñafrancia, pumasok sila sa may ilog Beatang na inawit ni Balagtas. 

  El Filibusterismo Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutchero - Buod, Aral, Tauhan ATBP. 

Itinapon naman ni Elias sa pampang ang mga damo sa bangka. Ipinagpatuloy nila ni Ibarra ang kwentuhan. Makalipas ang ilang saglit ay nakalabas na sila ng Ilog Pasig at nakarating sa Sta. Ana. 

Napadaan ang kanilang bangka sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas. Dahil dito, nanariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw niya noon na mayroon siyang magulang, kapatid, at magandang kinabukasan. Sila ay nakarating sa malapad na bato. Pinaraan sila ng makita ng bantay na wala siyang mahihingi mula sa mga ito. Umaga nan ang makarating sila sa lawa. 

Natanaw nila ang palwa ng mga sibil at ang mga ito ay papalapit sa kanila. Pinahiga naman ni Elias si Ibarra at tinakpan ng bayong. Tinawag si Elias ng mga sibil at makikita na pinipigilan sila sa baybayin. Ang bangka ay kaagad ipinihit ni Elias patungong Binangonan, ngunit napansin niya na nagbago rin ang direksyon ng mga palwa. 

Ang pagbalik sa bunganga ng Ilog Pasig ang naging desisyon ni Elias. Naisip naman ni Elias na wala silang laban sa mga ito sapagkat wala silang sandata. Sinabi ni Elias kay Ibarra na magkita na lamang sila sa libangan ng kaniyang nuno at nagtanggal ng damit si Elias at tumalon sa lawa. 

Ang atensyon ng mga palwa ay nakatuon kay Elias. Ang tapat kung saan tumalon si Elias ay pinaulanan ng punglo. Pinapuputukan nila ito sa tuwing lumilitaw si Elias. Napagod ang mga humhabol kay Elias. May limampung dipa ang pagitan nila. Makalipas ang tatlong oras ay nagdesisyon ang mga palwa na umalis na lamang sapagkat may nakita silang bahid ng dugo sa may pampang. 

  Noli Me Tangere Kabanata 8: Ang Mga Alaala – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 61

May hatid na aral sa mga mambabasa ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere. Sa kabanatang ito ay makikita natin ang pagkakaroon ng isang tapat at maasahang kaibigan, lalo na sa panahon ng pangangailangan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagpapahalaga sa pagkakaibigan Makikita natin kay Elias at Ibarra ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan. Handa silang tumulong sa isa’t-isa. 
Pagpapakita ng malasakitNagpakita si Elias ng malasakit kay Ibarra sa pagtulong dito upang hindi mahuli ng mga bantay.
Pagpapakita ng katapanganSi Elias ay nagpakita ng katapangan upang mailigtas ang sarili at ang kanyang kaibigan. Ginawa niya ang isang bagay kahit ito ay mapanganib para sa kanilang kaligtasan. 

Mga Tauhan sa Kabanata 61

Ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ay sina Elias at Ibarra. Ipinakita nila ang tapang, pagtitiwala sa isa’t-isa, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan na maasahan. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Crisostomo IbarraSiya ang itinakas ni Elias mula sa bilangguan.
Elias Siya ang tumulong kay Elias upang makatakas.
Hukom at KuraIdinahilan ni Elias na magdadala siya ng damo para sa mga ito. 
Polvorista Ang mga gwardiya na nagbabantay sa palasyo.
Mga SibilSila ang humabol sa bangka na sinasakyan nina Elias at Ibarra. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may mababasa tayong mga salita. Ang ilan dito ay matatalinhaga, may malalim na kahulugan, at hindi na karaniwang ginagamit sa pakikipagtalastasan kaya mahalagang matututunan ang kahulugan ng mga ito. 

Mga Salita Paglalarawan 
Balite Isang uri ng puno
PolvoristaTaga-bantay
Damo Isang uri ng halaman
Ikinubli Itinago
Heswitas Orden ng mga pari sa Simbahang Katolika

Leave a Comment