Florante at Laura Kabanata 30: Masayang Wakas – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Narito ang huling kabanata o katapusan ng kwentong Florante at Laura na sinulat ni Francisco Balagtas. Sa kabanatang ito ay matutunghayan natin ang muling pagbalik nina Florante at Laura sa Albanya at nina Aladin at Flerida sa Persya. Nagkaroon ng mga bagong pinuno ang bayan at nakamit nito ang kapayapaan at kaunlaran. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 30

Hindi pa natatapos ang kanilang pag-uusap ay dumating si Menandro sa gubat na kinaroroonan nila. Kasama niya ang hukbo at hinahanap si Adolfo. Ngunit ang nakita niya ay sina Florante na kanyang kaibigan, kaya sobrang laki ng kanyang naging tuwa at galak. 

Sa ligaya ng hukbo na mula sa Etolya ay nawika nila ang katagang “Biba si Floranteng Hari sa Albanya! Mabuhay, mabuhay, ang Prinsesa Laura.” Silang lahat ay bumalik sa palasyo, kasama sina Aladin at Flerida. Kapwa sila tumanggap na mangabinyagan. Idinaos din ang kasal ng magkakasintahan. 

Sa Persya naman ay namatay si Sultan Ali-Adab, ang ama ni Aladin. Umuwi si Aladin sa syudad ng Persya. Si Florante naman ay umakyat sa trono at naging hari ng Albanya at kapiling niya ang kanyang minumutyang liyag na si Laura. 

Nagkaroon ng kapayapaan sa kanilang bayan sa pamumuno ng bagong hari. Dahil dito, nakabangon sila sa pagkakalugami at ang kanilang pighati ay napalitan ng tuwa. Nagtaas sila ng kamay sa langit bilang pasasalamat ng buong bayan. 

Ang tanging inisip ng hari at reyna ay ang magsabog o magpakita ng awa sa kabig o bayan na nasasakupan. Maluwalhati silang nagsama hanggang sa makamit ang kapayapaan ng bayan. Naging matiwasay at mapayapa ang kanilang mga nasasakupan. 

  Florante at Laura Kabanata 15: Pangaral sa Magulang – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 30

Ang bawat kabanata ng Florante at Laura ay may hatid na magagandang aral at kaisipan sa mga mambabasa. Ang mga aral na ito ay makapagbibigay din ng inspirasyon sa bawat isa sa atin. 

Mga Aral Paglalarawan 
Hindi nagtatagumpay ang kasamaan Hindi magtatagumpay ang kasamaan at ang mga taong may masamang intensyon o hangarin. Ang pagmamakasarili, paggamit ng kapangyarihan sa maling paraan, at ang pagkainggit ay hindi nagdudulot ng kasayahan. 
Pagpapasalamat Sa bawat pangyayari sa ating buhay, malaki man o maliit, dapat natin itong ipagpasalamat. Katulad ng mga tauhan sa kwento sila ay nagpakita ng pasasalamat sa Maykapal. 
Pagiging mabubuting mga pinuno Ang pagiging isang pinuno ay may pribelehiyo, ngunit ito ay may kaakibat din na responsibilidad. Ang kaunlaran at kapayapaan ng isang lugar ay nagmumula sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno. Kaya, mahalaga na sa pagpili ng mga pinuno, piliiin natin ang tunay na may malasakit. 
Ang lahat ng mga pangyayari ay may dahilan Ang mga pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Minsan masakit ito at nakakalungkot, ngunit ito ay magbibigay sa atin ng lakas upang mas makita natin ang ating kakayahan at makilala ang ating sarili. 
Ang lahat ng pagsubok ay malalampasan Katulad ng mga tauhan sa kwento, nalampasan at napagtagumpayan nila ang mga pagsubok na kanilang kinaharap. 
Pagkakaroon ng tapang at lakas ng loob na ipaglaban ang tama at tumulong sa kapwaSa pagtutulungan nina Florante, Laura, Aladin, at Flerida at sa pagkakaroon nila ng tapang at lakas ng loob upang malampasan ang mga pagsubok ay nagtagumpay sila. 
Ang kapayapaan at kaunlaran ay makakamtan kung ang mga pinuno ay may puso at malasakit sa bayang nasasakupan. Nakamtan ng Albanya at Persya ang kaunlaran dahil sa magandang pamumuno ng mga bagong pinuno nito na sina Florante, Laura, Aladin, at Flerida. Maganda ang kanilang hangarin sa kanilang nasasakupan kaya nagkaroon ng kapayapaan at kaunlaran.
Huwag mawalan ng pag-asaKahit gaano kahirap ang mga pinag-dadaanan natin sa buhay, hindi dapat tayo nawawalan ng pag-asa at pananampalataya. Hindi kaagad tayo dapat sumuko upang makamit ang tagumpay. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Ang mga tauhang ito ay nakaranas ng mga pagsubok ngunit sa kanilang tapang, lakas ng loob, at pagtutulungan ay nakamit nila ang tagumpay. 

  El Filibusterismo Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Tauhan Paglalarawan 
FloranteSi Florante ang pangunahing tauhan sa kwento. Siya ang naging bagong hari ng Albanya at ikinasal sila ni Laura. 
LauraSi Laura ang minamahal ni Florante. 
Aladin Si Aladin ang pumalit sa kanyang ama bilang hari ng Persya. 
Flerida Siya ang minamahal ni Aladin.
Menandro Ang tapat at totoong kaibigan ni Florante. Sa kabanatang ito ay nagpunta siya sa gubat upang hanapin si Adolfo, ngunit natuwa siya at nakita niya sina Florante. 
Hukbo Sila ang kasama ni Menandro at masayang nagdiwang sa pagkakakita nila kay Florante. 
Sultan Ali-Adab Siya ang ama ni Aladin. 
Adolfo Siya ang umagaw kay Laura mula kay Florante. 

Talasalitaan 

Marami tayong mababasang mga salita na matatalinhaga o malalalim na kahulugan sa kabanatang ito. Narito ang ilan sa mga salitang ito at ang kanilang mga kahulugan upang mas maunawaan natin ang kwento at mas mapalawak ang kaalaman sa ating wika. 

Mga Salita Kahulugan 
Napapatid Natatapos
Ehersito Sundalo
Katoto Kaibigan, kaagapay, o kasamahan 
Nalulugami Nanghihina sa bigat na dinadala 
Pighati Matinding sakit o lungkot na nadarama 
TangkilikItaguyod o kalingain
Mahinusay Mapayapa, maluwalhati, magaan, o maayos

Leave a Comment