Florante at Laura Kabanata 24: Pakikipaglaban kay Osmalik – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa kabanata 24 ng Florante at Laura ay magaganap ang paglusob ng hukbo ni Florante para iligtas ang bayang Krotona. Halos masira na ang bayan, ngunit sakto lamang ang kanilang pagdating. Hinamon siya sa labanan ni Heneral Osmalik at isa lang sa kanila ang nagtagumpay. Nagkausap rin si Florante at ang kanyang lolo na hari ng bayan ng Krotona. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 24

Dumating ang araw ng pagpunta ni Florante sa bayan ng Krotona. Sa sarili ay naitanong niya kung sino ang sasayod ng bumugsong sakit at alin ang hinagpis sa puso niya ang hindi nagtimo ng kalis. Bukod pa rito, kung may mas masakit pa ba sa mawalay sa iyong sinisint. Siya ay nangulila sa minamahal niyang si Laura. 

Nakatulong kay Forante ang luhang pabaon sa kanya ni Laura. Kung hindi dahil dito, namatay na muna siya bago pa magtagumpay. Hanggang sa pagdating ng kanyang hukbo sa bayan ng Krotona na puno ng hilahil ay hindi pa rin nawawala ang dusa sa puso niya. 

Ang kuta ng bayan ng Krotona ay masisira na dahil sa madalas na pagbayo ng mga pangwalat na makina. Bago pa man tuluyang masira ang haligi ng Krotona ay dumating na ang hukbo ni Florante at lumusob sila at nakipaggdigmaan sa mga kumukubkob sa bayan. 

Nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng dalawang kampo at ang dugo ay dumanak. Habang nakikipaglaban si Florante at pinapatay ang pitong hanay ng mga Moro ay pinapanood siya ni Heneral Osmalik.

Lumapit si Heneral Osmalik kay Florante na nagninigas ang mga mata. Hinamon niya si Florante na maglaban sila. Limang oras silang naglaban at sa huli ay natalo niya si Heneral Osmalik. Dahil dito, nangilabot ang kalaban nila sa pamuksang tabak ni Menandro. 

  Noli Me Tangere Kabanata 9: Mga Bagay-Bagay Ukol sa Bayan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa tagumpay na ito ay napawi ang lumbay ng mga nakubkob sa digmaan. Ang panganib sa puso nila ay napalitan ng katuwaan. Pagkatapos nito ay nabuksan ang pinto ng syudad. Kasama ang buong bayan na naalipin ay sinalubong sila ng dakilang hari. Lubos ang kanilang pasasalamat kay Florante at sa hukbo nito. 

Ang buong bayan na bagong nakatighaw at hapo mula sa paglusob ng mga kaaway ay nag-aagawan na makalapit kay Florante at mahagkan ang kanyang damit. Nagkaroon ng ingay ng pasasalamat kay Florante sapagkat nadinig ang kanilang mga panalangin. 

Mas lalong nagalak ang mga tao nang malaman nil ana si Florante ay apo ng hari ng Krotona. Pagkatapos nito ay umakyat sila sa palasyong bantog at nagpahinga ang mga sundalo na napagod sa labanan. Halos tatlong araw na hindi nakatulog ang mga mamamayan sa bayan ng Krotona dahil sa kagulugan. 

Sa galak nila ng kanyang lolo na hari ay hindi rin napigilan ang pighati lalo na noong mapag-usapan nila ang pagkamatay ng kanyang ina. Ang sakit sa kanilang mga puso ay muling nanariwa. Dahil dito, ang bata niyang kalooban ay naniwala na sa mundong ito ay walang katuwaang lubos, sapagkata ng minsang ligaya ay may kasunod na makapitong lumbay hanggang sa ito ay matapos. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 24

May hatid na aral ang bawat kabanata ng Florante at Laura. Ang mga aral na ito ay nagbibigay ng mga magagandang kaisipan sa mga mambabasa at maaari ring gawing gabay sa pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagpapakita ng katapangan Ang hukbo ni Florante at Menandro ay nagpakita ng katapangan upang maipagtanggol ang bayan ng Krotona at matalo ang mga kaaway. Dahil sa katapangan ni Florante, natalo rin niya sa laban si Heneral Osmalik. 
Pagpapasalamat Lubos ang pasasalamat ng mga mamamayan sa hukbo nina Florante. Ang pagpapasalamat ng taos sa puso ay nagbibigay ng kaligayahan sa kalooban. 
Pagmamahal sa pamilyaNakita natin ang pagmamahal ni Florante at ng kanyang lolo sa kanyang ina. 
Pagtutulungan upang matalo ang mga kaawayMahalaga ang pagtutulungan upang makamit ang tagumpay. Dahil sa pagtutulungan ng hukbo ni Florante ay natalo nila ang kalaban. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 24 ng Florante at Laura na mula sa saknong 296 hanggang 313. Nakita natin ang kanilang tapang upang magtagumpay at ang pagmamahal sa pamilya. 

  Florante at Laura Kabanata 2: Ang Binatang Nakagapos – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Siya ang namuno sa hukbo nila upang labanan ang mga Morong lumusob sa bayan ng Krotona. 
Laura Si Laura ang anak ni Haring Linceo at ang minamahal ni Florante. 
Menandro Si Menandro ang kaibigan ni Florante. Kasama siya ni Florante sa paglusob sa mga kalaban. 
Hari ng Krotona Ang nuno o lolo ni Florante. 
Heneral Osmalic Hinamon niya sa labanan si Florante at natalo siya. 
Mga mamamayan sa bayan ng Krotona Nagpahayag sila ng pasasalamat kay Florante at mas lalo silang natuwa nang malaman nila na apo si Florante ng hari. 

Talasalitaan 

May mga malalalim o matatalinhagang mga salita at parirala ang ginamit sa pagsasalaysay ng kwento o tula. Narito ang kahulugan ng mga ito na makatutulong sa atin upang mas maunawaan natin ang mensahe ng kwento. 

Mga Salita Paglalarawan 
Sasayod Sasalo
Kubkob Napaligirin, napalibutan, o nabakuran
Akibat Kasama 
Soldados Sundalo o mandirigma 
Kita ang maglamas Tayo ay maglaban 
Natimawa Inalipin 
Hukbo Grupo ng sundalo o mandirigma 
Matatap Malaman 
Nagniningas Nagngangalit 
Lumbay Lungkot 

Leave a Comment