Noli Me Tangere Kabanata 45: Ang Mga Pinag-Uusig – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 45 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa mga karanasan ng isang matanda mula sa pang-uusig ng mga awtoridad. Sa kabanatang ito ay makikilala natin ang isang tauhan na nawalan ng tatlong anak dahil sa pang-uusig. Ngayon ay handa na siyang ipaglaban ang katarungan upang makamit ang hustisya. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 45

Hinanap ni Elias si Kapitan Pablo sa kagubatan. Sila ay hindi nagkita ng anim na buwan at dalawang linggo. Nalaman ni Elias ang mga nangyari sa pamilya ni Kapitan Pablo. Silang dalawa ay malapit sa isa’t-isa at itinuturing ni Elias si Kapitan Pablo bilang ama. Pareho na silang nag-iisa sa buhay kaya iminungkahi ni Elias na nais niyang isama si Kapitan Pablo sa lupain ng kanyang katutubo upang makalimot at magkaroon ng buhay na payapa. 

Ngunit hindi sumang-ayon dito ang Kapitan sapagkat gusto niyang maghiganti upang makamit ang hustisya. Dati siya ay duwag kaya wala siyang nagawa upang ipaglaban ang kaniyang mga anak na pinahirapan. 

Ang matanda ay may tatlong anak: isang babae at lalaki. Ang anak niyang babae ay pinagnasamantalahan ng isa sa mga alagad ng simbahan. Samantalang ang anak niyang lalaki ay nag-imbestiga tungkol dito. Nagkaroon ng nakawan noong pumunta siya sa kumbento, kaya siya ay pinagbintangan. 

Kahit lumabas ang katotohanan na hindi siya nagnakaw ay ibinitin siya at pinahirapan. Walang nagawa ang matanda sapagkat natatakot siya at gusto niya ng mapayapang buhay. Ang kura ay inilipat sa ibang lugar kaya hindi ito naparusahan. 

Ang isa niyang anak na lalaki ay pinaghinalaan na maghihiganti. Hinuli siya ng mga sibil dahil hindi niya nadala ang kanyang sedula. Pinahirapan siya ng mga ito at hindi niya ito kinaya kaya nagpakamatay siya. 

  Noli Me Tangere Kabanata 15: Ang Mga Sakristan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang mahalaga para sa Kapitan ay maipaghiganti ang kanyang mga anak sa mga nangyari. May plano siya at ang iba pang kasamahan na nakaranas ng pang-uusig na lumusob sa bayan. Naunawaan naman ni Elias ang mga desisyon ng Kapitan sapagkat naisip na rin ni Elias na makapaghiganti ngunit ito ay hindi niya itinuloy upang walang madamay dito. 

Sinabi ng matanda na madali lamang para kay Elias ang makalimot sapagkat siya ay bata pa, hindi nawawalang ng pag-asa, at hindi namatayan ng anak. Nangako ang matanda na hindi siya mananakit ng mga inosente at walang kinalaman sa pagpatay sa kanyang mga anak. 

Nai-kwento rin ni Elias na mayroon siyang kaibigan na matapat, mayaman, may pinag-aralan, nag-iisang anak ng taong marangal at kaibigan ng Kapitan Heneral, at ito ay si Ibarra. Binigyan ni Elias ang matanda ng katiyakan na makatutulong si Ibarra upang maihatid sa Heneral ang mga isyung kinakaharap ng bayan. 

Sinabi ni Elias sa matanda na sa loob ng apat na araw ay ipagbibigay alam niya ang resulta ng kaniyang pakikipag-usap kay Ibarra. Tatagpuin niya ang tauhan ni Kapitan Pablo sa may baybayin ng San Diego upang ipaalam ang sagot o resulta. May maaasahan silang tulong at makakamit nila ang katarungan kung papayag si Ibarra. Kung hindi naman ay handa si Elias na magbuwis ng buhay para sa pagtulong kay Kapitan Pablo. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 45

Ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may hatid na aral sa mga mambabasa. Sa kabanatang ito ay matututunan natin na magkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang katarungan. 

  Noli Me Tangere Kabanata 52: Ang Mga Anino – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Aral Paglalarawan 
Mahalaga ang pagkakaroon ng hustisya at katarungan Ang pagkakaroon ng hustisya at katarungan ay mahalaga upang maipaglaban ang tama at maitigil ang mga masamang gawain. 
Pahalagahan ang buhay ng tao Ang bawat buhay ay mahalaga at hindi tama ang kumitil ng buhay. Dapat ay iwasan na may madamay sa bawat desisyon at aksyon natin. 
Magkaroon ng lakas ng loob upang makamit ang hustisyaAng lakas ng loob ay mahalaga upang makamit natin ang hustisya at tagumpay. 
Mahalaga ang maging mapagpatawad Mahalagang matutunan ang kagandahan ng pagpapatawad. Hindi karahasan ang sagot upang makamit ang hustisya. 
Pag-respeto at pag-unawa sa desisyon at pananaw ng ibang tao Inirespeto ni Kapitan Pablo at Elias ang desisyon at mungkahi ng bawat isa. Ito ay nakatutulong upang mas maunawaan natin ang bawat isa. 
Mahalaga ang magkaroon ng pagtutulungan Ang pagtutulungan ay nakagagaan ng mga suliranin. Katulad ni Elias, handa siyang tulungan si Kapitan Pablo para makamit nito ang katarungan. 

Mga Tauhan 

Si Kapitan Pablo at Elias ang pangunahing tauhan sa Kabanata 45 ng Noli Me Tangere. Nakita natin ang mga dinanas na paghihirap ng mga anak ni Kapitan Pablo at ang handang pagtulong sa kanya ni Elias. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Pablo Si Kapitan Pablo ay namatayan ng tatlong anak dahil sa pang-uusig ng mga awtoridad. 
EliasPinuntahan niya si Kapitan Pablo noong malaman niya ang nangyari sa pamilya nito. 
Mga anak ni Kapitan PabloAng kanilang pagkamatay ang dahilan kung bakit gustong maghiganti ni Kapitan Pablo. 

Talasalitaan 

Narito ang mga salitang nabanggit sa Kabanata 45 ng Noli Me Tangere na dapat nating matutunan ang kahulugan. Ang mga salitang ito ay makatutulong upang mas maunawaan natin ang mga teksto na nakasulat sa Wikang Tagalog. 

  Florante at Laura Kabanata 28: Si Flerida – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Awtoridad Mga pinuno o may kapanyarihan
Sedula Ito ay isang dokumento na nagpapakita ng lugar kung saan nakatira ang isang tao.
Hinaing Protesta o Reklamo 
Pinag-uusig Pinaghahanap o pinahihirapan 
Masalimuot Magulo o mahirap
Sinapit Dinanas
Aanib Sasapi
IminungkahiInilahad 
Natunton Natagpuan 

Leave a Comment