Florante at Laura Kabanata 13: Ang Magkaibigan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 13 ng Florante at Laura ay tungkol sa pagsisimula ng pagiging magkaibigan ni Florante at Aladin. Inalagaan ni Aladin si Florante at hindi siya natulog magdamag upang bantayan Florante at makaligtas sila sakali mang may dumating na mabangis na hayop. Sa una ay hindi agad nakatulog ng payapa si Florante, ngunit kalaunan ay naging payapa rin ito.

Buod ng Florante at Laura Kabanata 13

Kapuwa hindi nakakibi si Florante at ang Morong nagligtas sa kanya. Naging payapa ang kanilang mga damdamin at parang walang malay hanggang sa paglubog ng araw. 

Dumilim na sa gubat, sapagkat lumubog na ang araw at ang nawala na ang sinag nito. Naawa pa rin ang Morong gerero sa kalagayan ni Florante. Tinunton niya ang daan na kaniyang dinaanan at dinala si Florante sa lugar o tapat ng gubat na kanyang pinanggalingan. 

Doon niya dinala si Florante sa tapat kung saan siya unang huminto. Mayroon doong bato na malapad at malinis. Kumuha ang Moro ng makakain mula sa kanyang baon. Inamo niya na tumikim ng pagkain si Florante. Kahit ayaw ni Florante ay napilit pa rin siya ng Moro, dahil sa kanyang mahinahon at mapang-aliw na panghihikayat. 

Ang paghihinagpis ni Florante ay gumaan sapagkat hindi na siya nakagapos. Nakatulog siya sa sinapupunan ng gererong bantog. Ang gerero naman ay hindi natulog buong magdamag at siya ay nagpuyat upang maalagaan si Florante. Alam niya na delikado sa gubat kaya mas mabuting gising siya upang hindi makagat ng mga mababangis na hayop na doon ay gumagala. 

Naghihimutok si Florante sa tuwing nagigising siya sa kanyang magaang pagtulog. Ang paghihimutok ni Florante ay parang isang pana na tumutusok sa dibdib ng Moro, sapagkat siya ay nahahabag. 

  Florante at Laura Kabanata 26: Ang Pagtataksil ni Adolfo – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Naging mapayapa at mahimbing ang pagtulog ni Florante noong magmamadaling-araw na. Hindi na siya nagkaroon ng paghihimutok at pagdaing. Naging matiwasay ang kanyang puso mula sa mga pagdurusa at nanumbalik ang lakas ng kanyang katawan. 

Nang sumikat na ang araw ay nagpasalamat si Florante sa Langit sa panibagong lakas ng kanyang katawan. Dahil dito, natuwa ang gerero at niyakap si Florante. Kung noong una ay lumuluha siya sa habag, ngayon naman ay dahil sa tuwa. Halos hindi siya makapagsalita sa laki ng kanyang tuwa. 

Ang dusa na mula sa pag-ibig ay agad babalik sa isang kisap-mata lamang kahit na ito ay lumayo sa dibdib. Inaliw naman si Florante ng Morong taga-Persiya upang mawala ang dusa sa kanyang dibdib. Nababagabag ang Morong si Aladin at tinanong niya si Florante kung ano ang problema o suliranin nito at hangad niya na makatulong. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 13

May hatid na aral sa mga mambabasa ang bawat kabanata ng Florante at Laura. Sa kabanatang ito ay marami tayong mapupulot na magandang kaisipan katulad ng pagtulong, pagiging mabuting kaibigan, at pagpapasalamat. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagiging mabuting kaibigan Si Aladin ay naging mabuting kaibigan kay Florante. Kahit magkaiba ang kanilang pinagmulan ay hindi ito naging hadlang upang magpakita ng kabutihan. 
Pagtulong sa kapwaInalagaan ni Aladin ng maayos si Florante. Binantayan niya ito habang natutulog at hinikayat na kumain upang manauli ang lakas nito. 
Pagpapasalamat Nagpasalamat si Florante sa Langit sapagkat nanauli ang kanyang lakas. Nagpasalamat din siya kay Aladin na kumalinga sa kanya. Mahalaga ang magpasalamat sa lahat ng biyaya at pagtulong na ibinibigay sa atin. Kapag tayo ay marunong magpasalamat, mas gumagaan ang ating kalooban. 
Ang pagtulong sa kapwa ay nagdudulot ng kagalakanLabis ang naging tuwa ni Aladin nang makita niya na lumakas ang katawan ni Florante. Ang pagtulong sa kapwa ay nagdudulot ng kagalakan sa kalooban. Masaya na makita na naging maayos ang kalagayan ng isang tao sa iyong simple pagtulong o pamamaraan. 
Ang pagdurusa mula sa pag-ibig ay hindi agad mawawalaAng mga pagdurusa mula sa pagmamahal ay hindi kaagad mawawala sa puso at isipan. Sa ganitong pagkakataon, mahalaga na alagaan ang sarili upang makagawa ng tama at maayos na desisyon. 

Mga Tauhan 

Si Florante at Aladin ang pangunahing tauhan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Magkaiba man sila ng bayan at sekta, hindi naman nila itinuring ang isa’t-isa na kalaban, bagkus ay naging magkaibigan sila. 

  El Filibusterismo Kabanata 23: Isang Bangkay  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ang iniligtas at kinalinga ni Aladin. 
AladinSiya ang Morong taga-Persiya na nagtangkilik at nag-alaga kay Florante. Natuwa siya nang bumalik ang lakas niya. 

Talasalitaan 

Maraming bagong salita tayong matututunan sa kabanatang ito ng Florante at Laura. Ang mga salitang ito ay makapagpapalawak ng ating kaalaman sa Wikang Tagalog, kaya mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito. 

Mga Salita Paglalarawan 
Makakibo Makakilos o igalaw ang katawan 
Pebo Araw
Malamlam Madilim 
Dako Isang hugar
Huminto Tumigil 
Pinanggalingan Pinagmulan 
Pangko Buhat, pasan, o dala
Umidlip Natulog 
Puyat Hindi nakatulog o gising buong magdamag
Ikinatiwasay Ikinatuwa o ikinagalak
Inilagaslas Idinaloy 
Kisap-mata Mabilis o madaling bumabalik 
Nasa Nais o hangad
Lunas Solusyon o gamot na nagbibigay ginhawa
Nanaw Nawala o naglaho
Kinandili Inalagaan o kinalinga
Niyapos Niyakap 

Leave a Comment