El Filibusterismo Kabanata 38: Kasawiang-Palad – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 38 ng El Filibusterismo ay tungkol sa panunulisan ni Matanglawin at sinapit ng mga inosenteng magsasaka na dinakip ng mga kawal. Makikita dito ang kawalan ng maayos at tamang paraan sa pagtrato sa ibang tao. Mayroon ding nakalaban ang mga kawal at matututunan natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang desisyon at aksyon. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 38

Sa panunulisan ni Matanglawin ay halos napuntahan na niya ang buong Luzon. Pinatay niya ang hukom pamayapa sa Tiyani, nangulimbat, at nagsunog. Ngayon ay sa Batangas at kinabukasan ay sa Cavite at Tayabas. Pagkatapos ay sa Pangasinan o Albay. Lagi siyang nakaliligtas mula sa mga humahabol sa kanya. Ang mga inosenteng magsasaka ang dinarakip ng mga sibil sa kawalangkaya nila na humuli ng mga tulisan. 

Nasa anim o pitong magsasaka ang kabuuang bilang ng mga nahuli ng mga Sibil matapos sumalakay ni Kabesang Tales. Ang mga dinakip ay may gapos hanggang siko at ang mga ito ay kabit-kabit. Iyon ay buwan ng Mayo at sila ay pinalakad ng walang sombrero at panyapak. Nagpuputik na ang pawis at alikabok at makikita sa kanilang mga mukha ang poot at kawalan ng pag-asa. 

Ang mga mahapding pawis na sumisigid sa mga mata nila ay hindi man lamang nila mapahid. Kapag ang isa sa kanila ay nabubuwal dahil sa pagod at gutom, lahat sila ay hinahagupit, at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Ang nabuwal naman ay sumisigaw na patayin na lamang siya at umiiyak na parang isang bata. 

Ang mga guwardiya sibil ay nilalait ang mga ito. Isa naman sa mga sibil ang tutol sa pagmamalupit na ginagawa ng kasamahan. Hindi na niya natiis ang ginagawa nila kaya sumigaw siya sa mapagparusa at sinabi kay Mautang na hayaan ang mga dinakip na lumakad ng mapayapa. Sinabi naman ni Mautang na pinarurusahan ang mga dinakip upang kapag nanlaban ay babarilin na lamang nila. 

  El Filibusterismo Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Isa sa mga bilanggo ang sinumpong ng pag-ihi o pag-dumi kaya nakiusap siya na kung maaari ay tumigil muna sandali, ngunit hindi siya pinagbigyan. Sinabi ng mga bihag na ang sibil ay mas mahigpit pa kaysa sa mga kastila. 

Nakarinig sila ng isang putok at nakita nila si Mautang na gumulong-gulong, tutop ang dibdib, at may dugo sa bibig. Sumigaw ang kabo na namutla ng salitang Alto. Nagkaroon muli ng isang putok at ang tinamaan nito ay ang kabo. Itinuro ng kabo ang mga bilanggo at sumigaw ng salitang “Fuego.” Pinagbabaril ang mga bihag. Pagkatapos noon ay lumaban na sa putukan ang mga nasa batuhan sa bundok na sa tingin nila ay mayroon lamang tatlong ripe.

Ang mga sibil ay lumusob at ang unang pumunta sa pinagtataguan ng mga kalabang hindi nila kilala ay gumulong-gulong pababa. Sa ibabaw ng talampas ay may isang lalaki silang nakita at winawasiwas ang isang baril. 

Sumigaw ang kabo na paputukan iyon at tatlo sa mga kawal ang nagpaputok. May isinisigaw ang lalaki ngunit hindi maintindihan ang kanyang sinasabi. Si Carolino ay natigilan sapagkat parang kilala niya ang lalaking iyon. Pinabaril kay Carolino ang lalaki at sinunod niya ito, Ang lalaki ay gumulong at nawala sa talampas at may isinigaw. 

Ang mga nagtatago sa itaas ay nagsitalilis kaya ang mga sibil ay lumusong. May isang lalaki ang lumitaw sa talampas at iniamba nito ang kanyang sibat, ngunit nagpaputok ag mga kawal kaya ito ay nabulid. 

Isang matandang lalaki na naghihingalo ang naabutan ng unang nakarating sa itaas at binayuneta iyon. Ang matanda ay hindi man lamang kumurap at ito ay kay Carolino nakatingin at ang kamay ay nakaturo sa likod ng talampas. 

  Florante at Laura Kabanata 10: Ang Pagtulong kay Florante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Nagulat at namutla si Carolino, sapagkat ang matandang nakilala niya ay si Tandang Selo na kanyang ingkong. Nakita niya na ang mga mata nito ay tila salamin ng matinding hinanakit. Namatay ang matanda at nakaturo pa rin sa likod ng talampas. 

Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 38

Sa bawat kabanata ng El Filibusterismo ay marami tayong matututunan na magagandang aral na magbibigay sa atin ng inspirasyon. Narito ang mga aral na matututunan natin na maaari nating gawing gabay sa bawat desisyon at aksyon. 

Mga Aral Paglalarawan 
Maging maingat sa bawat aksyon at desisyon na gagawinMahalagang maging maingat sa mga desisyon at aksyon na ating gagawin sapagkat may mga bagay o buhay na maaaring maapektuhan at pwedeng hindi na maibalik. 
Pagtutol sa kasamaan Ang isa sa mga kawal ay tutol sa ginawang pagpapahirap sa mga nadakip. Hindi dapat suportahan ang mga maling gawain, bagkus dapat itong itama. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanatang ito ng El Filibusterismo. Ang pagkakaiba sa karakter, paniniwala, at pag-uugali ng mga tauhan sa kwentong ito ay nagbigay ng kulay sa kwento. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Matanglawin Siya ang tulisan na halos nalibot na ang buong Luzon. 
Mga magsasaka Sila ang mga dinakip at pinahirapan ng mga sibil.
Mga sibil Sila ang dumakip sa mga inosenteng magsasaka. 
Mautang Isa sa mga sibil na nagpapahirap sa mga dinakip. 
Carolino Nagulat siya ng makita niya ang kanyang ingkong si Tandang Selo.
Kabo Isa sa mga sibil. 
Tandang SeloAng ingkong ni Carolino na nakita niya sa talampas. 

Talasalitaan 

May mga malalalim o matatalinhagang salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa mga salitang ito at kahulugan upang mas maunawaan natin ang daloy ng kwento. 

  Noli Me Tangere Kabanata 4: Erehe at Pilibustero – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Paglalarawan 
Kawalangkaya Kawalan ng kakayahan na gawin ang isang bagay
Dinakip Hinuli
Kabo Sarhento 
Pinangungublihan Pinagtataguan 
Tumalima Sumunod 
Nabulid Bumagsak, nahulog, o nabuwal 

Leave a Comment