Florante at Laura Kabanata 17: Kataksilan ni Adolfo– Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 17 ng Florante at Laura na mula sa saknong 215 hanggang 231 ay matutunghayan natin ang pagkatuto ni Florante sa iba’t-ibang larangan. Dito rin ay malalaman kung tunay ba o pakitang-tao lamang ang kabaitan at kahinhinan na ipinapakita ni Adolfo sa eskwela at sa kanilang bayan. Malalaman din dito kung sino kina Florante at Adolfo ang hahangaan ng karamihan. 

Buod ng Florante at Laura Kabanata 17

Sa pag-aaral ni Florante sa Atenas ay mas naging marunong siya. Nadamitan ang bulag niyang isipan. Ang lalim ng pilosopiya ay natarok niya at natututunan niya ang astrolohiya. Ang mga bagay na kataka-taka ay napagtanto niyang malinas at naging magaling sa matematika. 

Sa loob ng anim na taong pag-aaral ni Florante ay nayakap niya ang dunong sa iba’t-ibang larangan. Dahil dito, nagsisipanggilas ang mga kasama niya at natuwa ang kanyang maestro. 

Nahigitan na niya si Adolfo sa pagkatuto. Si Florante ang naging hantungan ng usapan ng mga tao sa kanilang bayan. Mula sa mga bata hanggang sa matatanda ay nakakaalam ng kanyang pangalan. 

Dahil ito, nalaman na ang pagpababalat-kayo ni Adolfo at nakita na hindi bukal sa kanya ang ipinapakita niyang kabaitan at kahinhinang-asal. Nalaman ng mga tayo na kaya iyon ginawa ni Adolfo ay upang madagdagan ng pagiging mabait at mahinhin ang kanyang pagkakaroon ng matalas na isip. 

Ang lihim na ito ni Adolfo ay nabunyag at mas lalong nahalata ng magkaroon ng palatuntunan sa kanilang eskwelahan. Ang dulang ito ay tungkol sa magkapatid na maglalaban sa espadahan upang malaman kung sa kanilang dalawa ang papalit sa posisyong ng kanilang ama na si Haring Edipo

  Noli Me Tangere Kabanata 12: Araw ng mga Patay – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Si Florante ang gumanap na Eteokles at si Adolfo naman ang gumanap bilang Polinise. Ang isang kaeskwela nila ang gumanap na Adrasto at si Menandro ang nag-Yokasta. Iba sa ditsong orihinal ang isinalaysay ni Adolfo habang nanlilisik ang mga mat anito. Sinabi niyang si Florante ang umagaw ng kapurihan niya kaya dapat itong mamatay. 

Hinandulong ni Adolfo si Florante ng espada niyang pamatay. Nagbitaw ito ng tatlong mariing taga at napahiga si Florante at nakaiwas. Mabuti na lamang at mabilis ang pagkilos ni Menandro. Napigil niya ito sa isang tagang malakas. Labis ang pasasalamat niya kay Menandro, dahil nakaligtas siya. 

Pumagitna ang kanilang maestro at itinapon naman ni Adolfo ang hawak niyang kalis. Ang mga kasaa at katoto nila ay nawalan ng diwa. Ang katuwaan ay natapos na may kapighatian at pangingilabot. Kinabukasan, si Adolfo ay umuwi na sa bayan ng Albanya. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 17

Maraming aral ang matututunan sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Sa kabanatang ito ay matututunan natin ang importansya ng pagpapakita ng tunay na pag-uugali at ang pagiging mabait na bukal sa kalooban. 

Mga Aral Paglalarawan 
Ang sipag at tiyaga sa pag-aaral ay nagbibigay ng karununganAng sipag at tiyaga ni Florante sa pag-aaral ay nakatulong sa kanya upang maging marunong sa iba’t-ibang larangan. Nabuksan rin ang kaniyang isipan tungkol sa maraming bagay. 
Ang totoong pagkatao ay nakikita sa kilosAng isang tao ay makikilala natin sa kilos na kanyang ipinapakita. Sa kabanatang ito ay nakita ng mga tao ang tunay na ugali ni Adolfo. Nalaman nila na hindi totoo o hindi bukal sa loob ang kabaitan na kanyang ipinakikita. 
Mahalaga ang maging alerto sa mga pangyayariMahalaga ang maging alerto upang mapigilan ang isang hindi magandang pangyayari. Sa bilis at alerto ng maestro ay natulungan niyang iligtas sa Florante sa tangkang pagpatay ni Adolfo. 
May mga tao na nagpapakitang-tao lamang upang purihin ng ibaMarami sa mga tao ang gustong magkamit ng papuri o makilala ng nakararami. Ang isang paraan na ginagawa nila upang makamit ang papuri ng ibang tao ay ang pagpapakita ng kabutihan na hindi bukal sa kalooban
Mas maganda sa pakiramdam ang magpakita ng kabutihang mula sa pusoMararamdaman at makikita ng ibang tao ang tunay na itinitibok ng puso mo sa pamamagitan ng kilos na iyong ipinapakita. Nagdudulot ng kasiyahan sa kalooban ang purihin ka sa mga bagay kung sino ka talaga. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 17 ng Florante at Laura. Ang karakter at pag-uugali ng bawat tauhan ay nagbibigay ng kulay sa kwento. Marami rin tayong matututunan sa mga mensahe na nais ihatid ng kanilang karakter. 

  Noli Me Tangere Kabanata 4: Erehe at Pilibustero – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Florante Si Florante ang gumanap bilang Eteokles sa ginanap na palabas. Sa loob ng anim na taon sa pag-aaral ay marami siyang natutunan. 
AdolfoSi Adolfo ang gumanap blang Polinise. Hindi niya sinunod ang orihinal na ditso, bagkus ay ginamit niya ang pagkakataong ito upang tangkaing patayin si Florante. 
Maestro Siya ang namagitan kina Florante at Adolfo. Dahil sa kanyang bilis ay nailigtas niya ang buhay ni Florante mula sa tangkang pagpatay ni Adolfo. 
KaeskwelaAng kaklase nina Florante at Adolfo na gumanap bilang Adrasto. 

Talasalitaan 

Maraming bagong salita tayong mababasa sa bawat kabanata ng Florante at Laura. Mahalagang matututunan natin ang kahulugan ng mga ito upang mas lumawak ang ating kaalaman sa ating sariling wika. 

Mga Salita Kahulugan 
Bulag na isipSarado ang isip
Natarok Nabatid o nalaman
Nakatalastas Nakaalam
Hindi Bukal Hindi mula sa puso 
Binalat-kayoPagpapakitang-tao lamang
Magkabaka Magkalaban o magka-kompetensiya
LiyagGiliw, sinta, mutya, mahal, o irog

Leave a Comment