Ang Kabanata 27 ng El Filibusterismo ay tungkol sa pag-uusap ng prayle na si Padre Fernandez at si Isagani na isang estudyante. Ang kanilang usapan ay tungkol sa kawalan ng karunungan at kawalan ng tibay ng loob ng mga mag-aaral. Napag-usapan rin nila kung sino ang may dahilan ng kasalatan sa karunungan at kagandahang asal ng mga estudyante.
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 27
Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani. Ito ay labis na iginagalang ni Isagani. Sinabi ng Pari na narinig niya ang pagtatalumpati ni Isagani at pinuri nito ang binata dahil sa kanyang paninindigan.
Pinaupo ng Pari si Isagani pero nanatili itong nakatayo. Ipinahayag ng pari na nasa dalawang libong estudyante na ang kanyang naturuan ng mabuti at karamihan sa mga ito ay lumalalos at pumupula sa mga prayle, ngunit wala namang makapagsalita sa kanila ng harapan.
Sinabi naman ni Isagani na hindi iyon kasalanan ng mga kabataan at sinasabihan kaagad sila na pilibustero. Dagdag pa niya, ang magsabi nang malakas sa kanyang iniisip ay baliw sapagkat siya ay magtitiis ng pag-uusig.
Ang sagot naman ng prayle ay hindi niya inuusig si Isagani at malaya itong makapagpapahayag ng anuman sa kanyang klase at paborito niya ang binata. Nagpasalamat naman si Isagani at napangiti at sinabi niyang itinatangi niya ang pari. Ipinakiusap ng binata na ibahin ang paksa, sapagkat hindi sila nag-uusap tungkol sa kanilang mga sarili.
Si Padre Fernandez ay maaring gayon nga ngunit ang mga katedrikano ay iba sa mga Dominikong prayle. Ipinahayag ng binata ang ilan sa mga sakit sa sistema ng pagtuturo ng mga prayle. Sinabi niyang ang pagbibigay ng kaalaman at sigasig ng mag-aaral ay binabawasan ng mga prayle. Lumang kaisipan ang itinuturo sa kanila at kasalungat ito ng pagkakasulong. Ang mga estudyante raw ay parang mga bilanggo na salat ng pagkain, sapagkat ang mga mag-aaral ay salat sa kaalaman. Ayon pa kay Isagani, may sabwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang mapanatili ang kamangmangan ng mga ito.
Sa mga pahayag na ito ng binata ay napakagat-labi ang pari at sinabing ang mga paratang ni Isagani ay lampas na guhit.
Iginiit naman ni Isagani na hindi, sapagkat sa lahat ng orden, ang mga prayle ang naging kontra sa karunungan at sa kanila mismo nagmumula na hindi dapat matuto ang mga mag-aaral dahil magpapahayag ang mga ito ng kalayaan sa hinaharap. Katambal na raw ng tao ang kalayaan at ang katarungan at talino. Ang dahilan ng pagkawala ng kasiyahan ng mga mag-aaral ay ang pagtanggi ng mga prayle na makuha ng mga estudyante ang mga bagay na ito.
Sinabi naman ng pari na ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa mga karapat-dapat. Taliwas sa layunin ang ipagkaloon ang karunungan sa kapos sa wastong asal at tibay ng loob.
SI Isagani ay tumutol sa sinabi ng pari, sapagkat hindi daw iyon totoo. Sinabi niyang ang mga pari ang may gawa kung ano ang mga mag-aaral ngayon at natuto na magkunwari ang bayang inalipin. Lumikha ng mga alipin ang paghaharian. Sinabi ni Isagani na ipagpalagay na ang mga mag-aaral ay walang tibay ng loob at magandang asal at tinanong niya ang prayle kung sino ang may kasalanan nito. Kung ang mag-aaral ba o ang mga nagturo sa kanila sa loob ng tatlong siglo. Nagpatuloy pa si Isagani sa pagpapahayag ng kanyang saloobin.
Dahil dito, nakita ni Padre Fernandez ang kagipitan niya sa sitwasyon. Ito ang unang pagkakataon na natalo siya ng isang estudyanteng Pilipino lamang. Kay sinabi niya na sila ay sinusunod lamang nila ang mga iniuutos sa kanila at napapagitna sila sa mag-aaral at sa pamahalaan.
Ang pagtatago ng kura ay pinulaan ni Isagani at nangatwiran naman ang pari. May mga batas raw na ang layunin ay mabuti ngunit masama ang nagiging resulta. Ang masamang igali ng mag-aaral ay dapat isisi sa kapisanan na masama ang pagkakatatag at nawalan ng pag-iingat dahil sa lubos na kasaganahan.
Sumagot muli si Isagani at sinabi na katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Hinuhubaran daw ng mga pari ang mga estudyante ng kaalaman at pagtatawanan sa kahihiyan.
Mga Aral na Matututunan sa Kabanata 27
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 27 ng El Filibusterismo. Ang mga aral na ito ay tungkol sa sistema ng edukasyon, pagtuturo ng mga prayle sa kabataan, ang pagkakaroon ng tibay ng kalooban at wastong asal ng mga mag-aaral.
Mga Aral | Paglalarawan |
Pagkakaroon ng paninindigan | Katulad ni Isagani, mahalaga ang magkaroon ng paninindigan. Ito ay nagbibigay ng kamulatan sa mga isyu sa lipunan at pagtatanggol sa karapatan. |
Mahalagang ang pagiging maayos ng sistema ng edukasyon | Ang pagkakaroon ng maayos na sistema ng edukasyon ay mahalaga, sapagkat ito ang pundasyon ng magandang kinabukasan, kagandahang asal, at katibayan ng loob. |
Karapatan ng bawat isa ang matuto at magpahayag | Ang bawat isa ay may karapatan na matuto at may kalayaan na magpahayag ng saloobin. Mahalaga ang pagpapahayag ng saloobin at karunungan upang kahit sa simpleng paraan ay mabuksan ang mga mata ng mga nasa itaas o makapangyarihan. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 27 ng El Filibusterismo. Sa kanilang pag-uusap ay nagbigay sila ng kani-kaniyang opinyon tungkol sa edukasyon at pagkakaroon ng tibay ng loob at magandang asal ng mga estudyante.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Isagani | Siya ang mag-aaral na ipinatawag ni Padre Fernandez. Ipinahayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa edukasyon. |
Padre Fernandez | Siya ang katedratiko na nagpatawag kay Isagani. |
Talasalitaan
Marami tayong mababasang mga malalalim o matatalinhagang salita sa bawat kabanata ng El Filibusterismo. Narito ang ilan sa kahulugan ng mga ito na makatutulong sa bawat mambabasa na mas maunawaan ang mensahe ng kwento.
Mga Salita | Kahulugan |
Dinatnan | Naabutan |
Prayle | Pari |
Itinatwa | Itinanggi |
Pinupulaan | Pinipintasan |
Salat | Kulang |
Hinadlangan | Pinigilan |
Mangmang | Walang alam |
Katedratiko | Paring maestro |