El Filibusterismo Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga Maynila  – Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng pagbubuod ng ika dalawamput isang kabanata ng El Filibusterismo na pinamagatang Mga anyo ng taga Maynila. Maliban sa buod ng Kabanata dalawamput isa ay ipakikilala rin ang mga karakter na mababanggit sa nobelang ito. Naglalaman rin ang artikulong ito ng mga aral na makukuha sa kabanata dalawamput isa at mga talasalitaan na siyang bibigyan ng mas mababaw na kahulugan upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa. 

Buod ng El Filibusterismo Kabanata 21: Mga anyo ng Taga Maynila. 

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa Teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Naubos kaagad ang tiket, at mahaba ang hanay ng nagsipasok sa teatro. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito ay si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba na hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido.

lisa ang kanilang hanapbuhay, ang pagdidikit ng mga paskil. Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, kawani, at maraming matataas na tao. 

Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista. Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood ng palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.

  El Filibusterismo Kabanata 18: Ang mga Kadayaan. - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya Kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon, si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.

Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis. ang mga tao ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok. Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit ano sa akin?

Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng mga kahanga hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo.

Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio. 

Nang makita ni Tadeo na dumating sina Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.

  El Filibusterismo Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika  - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Ano ang Aral na Matututunan sa El Filibusterismo Kabanata 21?

Huwag gayahin si Tadeo na isang mayabang – Si Tadeo na kausap ng taga lalawigan ay hindi magandang halimbawa sapagkat siya ay nanloloko ng kapwa at nagyayabang. Mas mabuti pang magsabi ng totoo kaysa iyabang ang mga bagay na hindi naman totoo. 

Ang pagtutol sa palabas na hindi kaaya aya ay tamang gawin sapagkat iniisip lamang ng mga ito ang kapakanan ng mga manonood. Hindi masama na tumanggi sa isang palabas lalong lalo na kung ito ay hindi kaaya aya sa mata ng mga makakapanood lalong lalo na sa mga kabataan o kahit pa sa mga may edad. 

Sino ang mga Tauhan sa El Filibusterismo Kabanata 21?

Tiyo Kiko – Trabaho ang mag dikit ng nga Paskil kasama ni Camarroncocido. Inupahan ng anim na piso para sa pagdidikit ng mga anunsyo para sa teatro. 

Camarroncocido – Gaya ni Tiyo Kiko ay isa ring nagdidikit ng paskil. Isang kastila. Hindi nagnanais na pumasok sa teatro. Wangis gusgusin o madumi. 

Don Custodio – Kasama ng mga prayle na tumutol sa palabas dahil ito raw ay laban sa moralidad o masagwa. 

Tadeo – Ang nagyayabang sa taga lungsod tungkol sa mga bagay na hindi totoo at pag sasabi ng mga bagay na lubos na kahanga hanga. 

Paulita Gomez – Ang pamangkin ni Donya Victorina. Kasintahan ni Isagani. 

Donya Victorina – Isang pilipina na mahilig sa mga kolorete. Itinatatwang siya ay isang pilipino. Tiyahin ni Paulita Gomez. 

Padre Irene – Isang paring kastila. 

Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani – Mga dumating na nabanggit na binati ni Tadeo. 

  Noli Me Tangere Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Simoun – Nabanggit din na lulan ng karwahe kasama ng Kapitan Heneral at ni Quiroga. 

Talasalitaan

Bantog – Sikat (Halimbawa: Bantog siya sa larangan ng palakasan.)

Masagwa – Mahalay, hindi kaaya aya (Halimbawa: Masagwa ang damit ng binata kung kaya’t hindi siya pinapasok sa teatro.)

Dulaan – Teatro (Halimbawa: Sa labas ng dulaan makikit si Isagani.)

Hudyat – Palatandaan (Halimbawa: Ang putok ng baril ay hudyat ng pag aaklas.) 

Inanyayahan – Niyakag. (Halimbawa: Inanyayahan ng magkakaibigan ang ginoo na pumunta sa kanilang paaralan) 

Nagbabalat kayoNagpapanggap, nagiiba ng wangis. (Halimbawa: Nagbabalat kayo si Padre Irene upang hindi siya makilala ng mga taong dumalo sa teatro.) 

Leave a Comment