Noli Me Tangere Kabanata 63: Noche Buena – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 63 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang ang Noche Buena. Naging malungkot ang pagdiriwang ng pasko sa bayan ng San Diego. Dito ay matutunghayan din natin ang muling pagkikita ni Sisa at Basilio sa maikling oras. Nakita rin ni Basilio ang isang lalaki at nagbilin ito sa kanya tungkol sa kayamanan. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 63

Sa libis ng isang bundok ay may isang dampa. Ito ay yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy. Isang mag-anak na Tagalog ang nakatira doon. Pangangahoy at pangangaso ang kanilang kabuhayan. May batang babae at lalaki na naglalaro. Isang batang lalaki ang may sugat sa paa at nakaupo sa nakabuwal na kahoy. Ang batang ito ay si Basilio

Inutusan ng matanda ang apong babae na ipagbili ang nagawa nitong walis. Ikinuwento ng matanda kay Basilio na dalawang buwan na ang nakalipas simula noong kalingain niya ito at natagpuan na sugatan. Si Basilio ay nagkwento tungkol sa buhay nila. Nagpaalam na uuwi si Basilio at pinayagan naman siya ng matanda. Nagpabaon din ito ng pindang ng usa para kay Sisa. 

Sa kabilang dako, Noche Buena na sa bayan ng San Diego at nadarama ang lamig ng simoy ng hanging amihan. Ang bayan ay malungkot at walang makikitang parol na nakasabit sa mga tahanan. Sa bahay ni Kapitan Basilio ay ramdam din ang kalungkutan. Nakausap naman niya si Don Filipo na napawalang sala sa mga ibinibintang sa kanya. Si Sisa ay nakita nila at hindi naman ito nananakit ng ibang tao. 

  El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Si Sinang ay nakatanggap ng sulat kay Maria Clara ngunit hindi pa niya nabubuksan sapagkat natatakot na mabasa ang nilalaman nito. Nalulungkot ang mga kaibigan ni Maria Clara dahil sa sinapit ni Maria at Ibarra. May balita namang kumalat na si Linares ang dahilan kung bakit nakaligtas sa bitay si Kapitan Tiyago. 

Samantala, nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan at hinanap niya ang kaniyang ina, ngunit hindi niya ito nakita. Siya ay nagtungo sa bahay ng Alperes at doon niya natagpuan ang kaniyang ina na umaawit. 

Nag-utos ang sibil sa isang babae sa durungawan na papanhikin si Sisa. Nagtatakbo naman si Sisa palayo nang makita niya ang tanod. Nakita ito ni Basilio at sinundan ang kaniyang binato. Binato naman ng alilang babae si Basilio at natamaan ito sa ulo, ngunit nagpatuloy pa rin si Basilio at nakarating sila sa gubat. 

Sa pinto ng libingan ng matandang kastila na katabi ng punong balite ay pumasok si Sisa. Pagkakita ni Basilio sa kanyang ina ay hinagkan at niyakap niya ito at siya ay nawalan ng malay. Makalipas ang ilang saglit ay nagkamalay si Sisa. Nakita niya ang anak niyang si Basilio at ang kanyang katinuan ay bumalik, kaya nakilala niya ang kanyang anak. 

Nagkaroon ng malay si Basilio at nang makita niya ang kaniyang ina ay kumuha siya ng tubig at winisikan sa mukha. Ang tainga ni Basilio ay inilapit niya sa dibdib ng kaniyang ina at natakot siya ng malamang wala na itong buhay. Napaiyak nang malakas si Basilio at mahigpit na niyakap ang ina. 

  El Filibusterismo Kabanata 2: Sa Silong ng Kubyerta - Buod, Aral, Tauhan ATBP.

Noong tumingala siya ay isang lalaki ang nakita niya at tinanong siya nito kung anak siya ng namatay. Hinang-hina ang lalaking ito at sugatan kaya hindi niya matulungan si Basilio. Ang lalaking ito ay si Elias. Pakiramdam niya ay hindi na siya aabutin ng maaga sapagkat dalawang araw na siyang hindi kumakain. Sinabi niya kay Basilio na sunugin ang bangkay niya kasama ng kanyang ina. 

Inihabilin rin nito ang kayamanan sa may punong balite na kuhanin ito kung walang magmamay-ari at gamitin ito sap ag-aaral. Makalipas ang dalawang oras ay isang malaking siga ang nakita ng mamamayan ng San Diego. Sinisi ni Hermana Rufa ang nagsiga dahil hindi raw nangiling sa araw ng pasko. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 63

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 63 ng Noli Me Tangere. Ang mga aral na ito ay maghahatid ng mga magagandang kaisipan na maaari nating maging gabay sa ating pamumuhay. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagsasakripisyo at pagmamahal sa pamilyaMakikita natin sa kabanatang ito ang ginawang pagsasakripisyo ni Basilio upang maabutan ang kanyang ina. Ipinakita ni Sisa at Basilio ang pagmamahal sa pamilya. 
Pagtulong sa kapwa at pagbibigay ng inspirasyonHanggang sa huli, naging matulungin pa rin si Elias. Nagbigay rin ito ng habilin na nagbigay ng pag-asa kay Basilio. 

Mga Tauhan sa Kabanata 63

Narito ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata 63 ng Noli Me Tangere. Nakaranas sila ng kalungkutan, kasawian, at mga pagbabago dulot ng mga pangyayari sa kanilang bayan at kawalan ng hustisya. 

Mga Tauhan Paglalarawan 
Basilio Anak ni Sisa
Matanda Siya ang pansamantalang nag-alaga kay Basilio.
Sisa Siya ang in ani Basilio. 
Kapitan BasilioAng punong opisyal sa bayan ng San Diego.
Don FilipoKaibigan siya ni Kapitan Basilio. Napawalang sala siya mula sa mga ibinibintang sa kanya. 
Sinang Nakatanggap siya ng sulat mula kay Maria Clara. 
AlperesAng may-ari ng bahay kung saan nakita ni Basilio ang kanyang ina.
Elias Siya ang lalaking sugatan na nakausap ni Basilio. 
Manang Rufa Sinisi niya ang nagsiga sapagkat hindi raw ito marunong mangiling sa araw ng Pasko. 

Talasalitaan 

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may mga matatalinhaga at malalalim na salita tayong mababasa. Mahalagang matutunan natin ang kahulugan ng mga ito upang lumawak ang ating kaalaman sa Wikang Tagalog. 

  El Filibusterismo Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Salita Kahulugan 
Dampa Isang maliit na tahanan
Pindang Karne na prineserba sa asin at iba pang sangkap.
Bintang Akusasyon
Punong BaliteIsang malaking puno at matanda
Siga Apoy o sunog
Pagkasindak Pagkatakot

Leave a Comment