Ang Kabanata 59 ng Noli Me Tangere ay pinamagtang “Pag-ibig sa Bayan.” Ito ay tungkol sa pagkakalathala ng nangyaring pag-aalsa sa San Diego. Makikilala rin natin dito ang mga bagong tauhan katulad nina Kapitan Tinong, Kapitana Tinchang, at Don Primitivo at ang kanilang koneksyon kay Ibarra. Nakatanggap naman ng imbitasyon mula sa pamahalaan ang ilang mamamayan sa Tondo.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 59
Nailathala at nakarating sa pahayagan sa Maynila ang naging paglusob ng mga naaapi o sawimpalad. Ang estilo ng balitang lumaganap ay magkakaiba. Naliligalig din ang mga tao sa kumbento. Palihim naman ang pagdadalawan at pakikipanayam ng mga provincial tungkol sa mga nangyari sa ilang tao sa probinsya. May mga taong nagpunta sa palasyo upang maghatid ng tulong para sa mga nasa panganib. Napagkuro naman ng munting heneral o generalillo na mahalaga ang korporasyon.
Si Padre Salvi naman ay ipinagbubunyi sapagkat sinasabing ito ay karapat-dapat tumanggap ng mitra. Ang usapan sa kumbento ay naiiba. Lumalabas raw na pilibustero ang mga nag-aral sa Ateneo.
Si Kapitan Tinong naman ay hindi mapakali sapagkat minsan na siyang nagpakita ng kagandahang loob kay Ibarra. Sinisisi siya ni Kapitana Tinchang na kanyang asawa. Ang mga anak nilang dalaga ay nasa isang tabi lamang at hindi umiimik. Sinabi ni Kapitana Tinchang na kung siya lamang daw ay lalaki ay haharap siya sa Kapitan Heneral at ihahandog niya ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik.
Dahil sa kakulitan ng asawa ay muntik nang mabanas si Kapitan Tinong. Dumating naman si Don Primitivo na kanilang pinsan. Ito ay mahilig magsalita ng latin at may edad na. Si Kapitana Tinchang ang nagpasundo sa kanya sapagkat marunong itong mangatwiran kaya hihingi sil a ng payo.
Pagkarating ng pinsan ay kaagad na nagsalita si Kapitana Tinchang. Ayon sa kanya ay pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang tahanan at yumukod pa ito nang magkita sila sa may tulay ng Espanya at sinabing sila ay magkaibigan sa gitna ng maraming tao.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat ay napakilala si Tinong kay Ibarra sapagkat napaparusahan ang mga mabubuti dahil sa mga masasama. Ang paggawa ni Tinong ng huling habilin ang tanging paraan.
Nawalan ng malay si Kapitan Tinong nang marinig niya ang payo. Ngunit, agad din naman siyang nagkamalay at si Don Primitivo ay nagbigay ng dalawang payo. Una, dapat ay magbigay sila ng regalo sa heneral na kahit anong uri ng alahas at sabihin na ito ay pamasko. Ikalawa, ay ang pagsusunog ng mga kasulatan na maaaring magpahamak kay Tinong, katulad ng ginawa ni Ibarra sa mga kasulatan. Ang mag-asawa ay sumang-ayon sa payo ni Don Primitivo.
Sa kabilang dako, may isang pagtitipon sa Intramuros. Ang mga dumalo rito ay mga asawa, dalaga, at anak ng mga kawani. Napag-usapan nila rito ang naganap na pag-aalsa.
Ayon sa isang lalaking komang ay nagalit ang heneral kay Ibarra sapagat nagpakita siya rito ng kabutihan. Isa namang ginang ang nagsabi na ang mga Indyo ay walang utang na loob kaya sila ay hindi dapat ituring bilang mga tunay na tao. Napag-usapan rin ang itinatayong paaralan ni Ibarra. Ito raw ay gagamitin lamang ni Ibarra upang maging kanyang kuta para sa kanyang pangangailangan.
Napag-usapan rin ang pagbibigay ni Kapitana Tinchang ng regalong singsing na puno ng brilyante sa Heneral. Ang lalaking may komong ay lumingon upang kumpirmahin kung totoo ang balita. Ang pingkok naman ay nagdahilan at nanaog na ng bahay.
Makalipas ang ilang oras ay nakatanggap ng imbitasyon ang ilang mag-anak sa Tondo mula sa pamahalaan. Ito ay tungkol sa pagtulong ng tanyag na tao at ilang mayayaman sa Fuerza de Santiago. Ang isa sa mga naimbita ay si Kapitan Tinong.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 59
Ang bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay may dulot na aral para sa mga mambabasa. Ang mga aral na ito ay magbibigay ng magandang kaisipan na maaari nating gawing gabay at motibasyon.
Mga Aral | Paglalarawan |
Pagpapakita ng pag-ibig sa bayan | Mahalaga na ipakita ang pag-ibig sa bayan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat mamamayan. |
Maging maingat sa desisyon at aksyon | Ang mga desisyon at aksyon natin ay may epekto sa ating kinabukasan kaya mahalagang maingat maingat tayo. Mahalagang pag-isipang mabuti ang bawat gagawin at ang magiging resulta nito. |
Pagpapahalaga sa sariling kaligtasan | Sa panahon ng kaguluhan, ang una nating naiisip ay ang pagliligtas sa sarili at pamilya. Ngunit, kung ating makakaya, tumulong rin tayo sa iba. |
Mga Tauhan
Narito ang mga tauhan na nabanggit sa Kabanata 59 ng Noli Me Tangere. Sila ay nagpahayag ng kanilang mga saloobin, damdamin, at opinyon tungkol sa nangyaring pagsalakay sa bayan ng San Diego kaya nagdulot ng takot ang iba’t-iba nilang pananaw.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Kapitan Tinong | Siya ay nag-aalala sa kanyang kaligtasan dahil mayroon siyang naging koneksyon kay Ibarra. |
Kapitana Tinchang | Asawa ni Kapitana Tinong at sinisisi ang kanyang asawa. |
Don Primitivo | Ang pinsan ni Kapitan Tinong. Ipinatawag siya ni Kapitana Tinchang upang humingi ng payo. |
Dalawang anak na dalaga ni Kapitan Tinong | Tahimik lang sa gitna ng kaguluhan. |
Padre Salvi | Ipinagbubunyi siya at sinasabing karapat dapat maging obispo. |
Mga sawimpalad o naaapi | Sila ang laman ng balita |
Mga tauhan sa kumbento | Nagdulot ng takot at kaguluhan |
Mga nag-aaral sa Ateneo | Sinasabing nagiging mga pilibustero |
Mga taong nagtitipon sa Intramuros | Kabilang dito ang mga dalaga, anak, at asawa ng mga opisyal ng pamahalaan |
Heneral | Siya ang binigyan ni Kapitana Tinchang ng singsing nap uno ng brilyante. |
Talasalitaan
Narito ang mga salitang ginamit ng may-akda ng Noli Me Tangere sa kabanatang ito. Ang mga salitang ito ay maaaring hindi pamilyar sa lahat ng mambabasa kaya mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito.
Mga Salita | Paglalarawan |
Lumaganap | Naging sikat, popular, o kumalat |
Sawimpalad | Inaapi o mahihirap |
Pamasko | Regalong ibinibigay tuwing pasko |
Pag-aalsa | Pagrerebelde, paglaban, o agsalungat |
Pilibustero | Suwail |
Ipinagbunyi | Ipinagdiwang |