Dito sa ika-limang kabanata ng Noli Me Tangere ay makikita ni Crisostomo Ibarra si Maria Clara na hinahangaan ng karamihan. Dito ay makikita ang isang tradisyon ng mga Pilipino “Ang Pag-aalay ng mga Bulaklak,” bilang pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria. At sa tagpong ito, nag-alay ng mga bulaklak ang mga dalaga para sa taunang parangal sa Birhen ng Antipolo. Sa Pilipinas, ito ay isang kaugalian ng mga Katoliko na ginagawa tuwing buwan ng Mayo.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 5
Pagkatapos ng pag-uusap ni Crisostomo Ibarra at Tenyente Guevarra, sumakay si Ibarra sa kalesa at bumaba siya sa Fonda de Lala, na isang bahay tuluyan. Nagtuloy siya sa kanyang silid at gulong-gulo ang isip dahil sa kanyang nalaman tungkol sa mga pangyayari sa kanyang ama. Nagmasid-masid siya sa paligid at iginala niya ang kanyang paningin sa himpapawid.
Habang nagmamasid, natanaw niya ang isang maliwanag na tahanan sa kabila ng ilog. Mula sa kanyang kinatatayuan ay rinig niya tugtugin ng mga orkestra, pati na rin ang mga kubyertos. May mga nagtatanghal at sandal siyang nanood.
Natanaw niya ang ilan sa mga binibini na may suot nag into at diyamanate at sila ay nag-aalay ng mga bulaklak kasama ang mga anghel. Ngunit isang binibini ang nakakuha ng kanyang interes at iyon ay si Maria Clara. Marami ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang taglay na kagandahan. Siya ay may suot na manipis na habi at mamahaling mga diyamante at ginto sa katawan.
Kasama rin sa mga panauhin ang ilang Pilipino, Intsik, Kastila, pari, at military na nakatuon ang atensyon kay Maria Clara dahil sa taglay nitong kagandahan. Lahat ng mga naroon ay natutuwa kay Maria Clara at kinagigiliwan siya habang nakatingin sa kanya, maliban na lamang sa isang batang Pransiskano.
Si Padre Sibyla ay natutuwa sa pakikipag-usap sa mga binibini na naroon. Matiyaga naming inaayos ni Donya Victoria ang buhok ni Maria Clara. Dahil na rin sa paglalim ng gabi at pagod ng katawan at isipan ni Ibarra ay agad itong nakatulog.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 5
Simple ngunit makahulugan ang mga aral na matutunan dito sa ikalimang kabanata ng Noli Me Tangere. Dito matututunan natin na kahit ano man ang mga pagsubok sa ating buhay, dapat pa rin tayong magtiwala dahil may liwanag o magandang pangyayari na darating.
Mga Aral | Paglalarawan |
May liwanag sa dilim | Sa mga pagsubok sa ating buhay, may makikita pa rin tayong liwanag sa dilim na magbibigay sa atin ng pag-asa na patuloy na lumaban sa bawat pagsubok ng buhay. |
Maging inspirasyon sa ibang tao | Magpakita ng magandang asal sa ibang tao dahil ito ay nagbibigay ng mabuting halimbawa na dapat nilang tularan. |
Ang tunay na kagandahan ay nasa puso | Makikita natin na bukod sa kagandahang pisikal ni Maria Clara, mayroon din siyang magandang kalooban na hinahangan ng ibang tao. |
Huwag magpatalo sa mga pagsubok | Parte na ng buhay natin ang mga pagsubok dahil ito ang magpapatatag sa atin. Hindi dapat tayo sumusuko sa pagsubok dahil makakaya natin itong lagpasan. May mga tao rin sa paligid natin na handang tumulong. |
Mga Tauhan
Ito ang ilan sa mga tauhan sa ika-limang kabanata. Kasama dito ang mga pastor, militar, Pilipino, Kastila, Itsik, at marami pang iba.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Crisostomo Ibarra | Natanaw niya si Maria Clara sa kabilang ilog at nagka-interes siya sa kanya dahil sa kanyang kagandahan. Magkaibigan na sila noong bata pa lamang sila. |
Maria Clara | Siya ay anak ni Kapitan Tiyago. Hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang ganda. |
Padre Sibyla | Isa siya sa mga pari o padre na panauhin sa nasabing okasyon. Kinagigigliwan niya ang mga dalaga o binibini doon. |
Donya Victoria | Siya ang nag-aayos ng buhok ni Maria Clara. |
Mga Binibini | Sila ay nag-alay ng mga bulaklak sa okasyon. |
Iba pang panauhin | Ito ang mga pastor, Pilipino, Kastila, Instsik, at military na dumalo sa okasyon at kinaaliwan ang kagandahan ni Maria Clara. |
Talasalitaan
May mga salitang hindi pamilyar sa atin kapag tayo ay nagbabasa. Mahalaga na malaman natin ang kahulugan ng mga salitang ating nababasa o naririnig dahil ito ang magbibigay sa atin ng dagdag -kaalaman na magagamit natin sa pakikipag-usap. Ito ang ilan sa mga salitang ginamit sa nobela:
Mga Salita | Kahulugan |
Natanaw | Ang kahulugan nito ay nakita. |
Kalansing | Tumutukoy ito sa tunog ng isang bagay, lalo na iyong gawa sa metal, dahil ito ay kumakalansing kapag tumutunog o pinatutunog. |
Nagmamasid-masid | Ito ay ang pagtingin sa kapaligiran o obserbasyon sa mga nangyayari sa paligid. |
Tinutuluyan | Ito ay bahay o panuluyan, maaaring tirahan o isang pribadong lugar na pinarerentahan. |
Kubyertos | Ito ay tumutukoy sa kutsara. |
Balingkinitan | Ito ay ang paglalarawan sa mga indibidwal na may payat na katawan. |
Kinagiliwan | Ang salitang ito ay isang damdamin kung saan ang isang tao ay nasiyahan sa kanyang nakita, narinig, nakilala, at iba pa. |
Nahimlay | Ang nahimlay ay nangangahulugan ng pagtulog. |