Noli Me Tangere Kabanata 43: Mga Balak o Panukala – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sa Kabanata 43 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Mga Balak o Panukula” ay matutunghayan natin ang pagpapakita ni Padre Damaso ng kanyang pagmamahal sa inaanak na si Maria Clara. Ipinakilala rin ni Donya Victorina si Linares kay Padre Damaso at nalaman ng kura na kailangan nito ng trabaho at mapapangasawa. Dumating rin si Lucas na humihingi ng payo kay Padre Salvi dahil sa ginawa sa kanya ni Ibarra, ngunit hindi naawa ang pari sa kanya at ipinagtabuyan siya. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 43

Pagdating ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nagdiretso ito sa silid kung saan nakahiga si Maria Clara. Sinabi niya sa dalaga na “Anak ko, hindi ka mamamatay.” Pagkakita ni Maria Clara sa anyo ng pari ay nagtaka ito. Hindi rin makapaniwala ang mga nakakakilala sa kanya na sa kabila ng matipuno nitong anyo at hindi magandang ugali ay mayroon din pala itong malambot na damdamin. 

Tumayo si Padre Damaso at siya ay nagtungo sa sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe nina Kapitan Tiyago. Doon ay umiyak siya na parang isang bata at ibinuhos ang kanyang nararamdaman. Dahil dito, nasabi ng mga naroon kung gaano kamahal ni Padre Damaso ang kanyang inaanak na si Maria Clara. 

Pagkatapos kumalma ni Padre Damaso ay kinausap siya ni Donya Victorina at ipinakilala si Linares. Nagpakilala si Linares bilang inaanak ni Carlitos, ang bayaw ni Padre Damaso. Ang sulat na dala ni Linares ay ibinigay niya kay Padre Damaso. Kaagad naman itong binasa ng pari. Nalaman ni Padre Damaso na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at naghahanap ng mapapangasawa. 

  Florante at Laura Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Sinabi ni Padre Damaso sa madali niyang matutulungan si Linares sa paghahanap ng trabaho, sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Unibersidad Central. Sinabi rin ni Padre Damaso na kakausapin niya si Kapitan Tiyago tungkol sa pag-aasawa ni Linares. 

Sa kabilang banda, si Padre Salvi ay nagmumuni-muni at malungkot. Nagitla naman siya nang batiin ni Lucas. Humihingi si Lucas sa kanya ng payo tungkol sa nangyaring pagkamatay ng kanyang kapatid. Upang kaawaan siya ni Padre Damaso ay nagdrama siya at pinipilit niyang magpatulo ng luha habang ikinukwento niya ang naging pagkikita nila ni Ibarra at P500 lamang ang ibinigay nito sa kanya. 

Sa halip na kaawaan ay nagalit si Padre Salvi sa kadramahan ni Lucas. Sinabi ni Padre Salvi na dapat ay magpasalamat siya sapagkat hindi siya ipinakulong ni Ibarra. Ipinagtabuyan ng pari si Lucas. Bumubulong-bulong naman si Lucas sa kanyang pag-alis. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 43

Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 43 ng Noli Me Tangere. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa damdamin ng bawat tao, pagiging too, at pagiging responsable. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagpapahalaga sa pagkataoPinahalagahan ng mga tao ang damdamin o emosyon ni Padre Damaso. 
May kabutihan sa puso ng bawat taoAng bawat tao ay may kabutihan, kahit hindi maganda ang ugaling madalas nilang ipinapakita. Ang kabutihan ng isang tao ay makikita sa pagmamahal na kanyang ipinakikita sa kanyang kapwa. 
Maging totoo sa ipinakikitang damdamin Mahalaga ang maging totoo sa pagpapakita ng damdamin. Katulad ni Lucas, sa halip na kaawaan siya ni Padre Salvi ay pinagtabuyan siya dahil sa kanyang pilit na kadramahan. Ang pagiging totoo ay makatutulong upang makuha natin ang tiwala ng ibang tao. 
Iwasang ang pang-aabuso para sa personal na interesIsa sa mga dahilan kung bakit pumunta si Lucas kay Padre Salvi ay upang makakuha ng dagdag na bayad mula kay Ibarra. Sapat ang ibinayad sa kanya ni Ibarra at dapat ay hindi niya inaabuso ito para sa personal na interes. 
Gamitin sa tama ang kapangyarihan Hindi dapat ginagamit ang kapangyarihan o impluwensya upang pagbigyan ang kahilingan ng isang tao. Katulad ni Padre Damaso, agad niyang sinabi kay Linares na tutulungan niya ito sa paghahanap ng trabaho. 

Mga Tauhan sa Kabanata 43

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 43 ng Noli Me Tangere na nagpakita ng iba’t-ibang pag-uugali. Ang kanilang mga desisyon, aksyon, at interes ay nagpapakita ng kanilang tunay na pagkatao. 

  Noli Me Tangere Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Padre Damaso Siya ay nagpakita ng pagmamahal kay Maria Clara sa pagbisita dito kahit kagagaling lang din niya sa sakit. 
Maria Clara Siya ay maysakit at dinalaw ni Padre Damaso at iba pang kaibigan at kakilala. 
Donya Victorina Ipinakilala niya si Linares kay Padre Damaso
Linares Siya ay inaanak ni Carlicos, ang bayaw ni Padre Damaso. Naghahanap siya ng trabaho at nais niyang magpakasal kaya humingi siya ng tulong kay Padre Damaso. 
Padre Salvi Siya ang nilapitan ni Lucas upang madagdagan ang ibinigay na pera sa kanya ni Ibarra. 
Lucas Nag-drama siya kay Padre Salvi upang makuha ang kanyang kagustuhan. 

Talasalitaan 

Ito ang mga salitang binanggit sa Kabanata 43 ng Noli Me Tangere. Mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng mga ito upang mas mapalawak pa ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng Wikang Tagalog. 

Mga Salita Kahulugan 
Namangha Nagulat 
Sinambit Binanggit 
Balkonahe Isang parte ng bahay o gusali na may Magandang tanawin
Luhaan Pagkakaroon ng malungkot na damdamin 

Leave a Comment