Noli Me Tangere Kabanata 38: Ang Prusisyon – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 38 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa prusisyon. Kasama rito ang mga mamamayan ng San Diego at ang mga makapangyarihan. Makikita rin natin dito ang mga aktibidad sa prusisyon na ginagawa pa rin hanggang sa ngayon, katulad ng pagluwa at paghahandog ng awit para sa Mahal na Birhen. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 38

Ang prusisyon ay nagsimula sa pagtunog ng kampana at pagpapaputok. Ang mga tao ay may dalang parol at kandila. Kasama sa mga naglalakad ang Kapitan Heneral, ang kanyang mga kagawad, ang Alperes, ang Alkalde, si Kapitan Tiyago, at si Ibarra. Ang prusisyon ay patungo sa bahay ng Kapitan. 

Isang kubol ang ipinatayo ng Kapitan sa harap ng kanyang tahanan. Ito ay gagamitin sa pagdaraos ng loa o ang pagbigkas ng tulang nagbibigay puri sa Santong pintakasi ng bayan. Mas gusto ni Ibarra na manatili sa bahay para makasama niya si Maria Clara, subalit hindi niya matanggihan ang imbitasyon ng Kapitan Heneral. 

Ang prusisyon ay pinangungunahan ng tatlong sakristan at may dala silang seryales na pilak. Sumunod naman sa kanila ang mga guro, mag-aaral, at mga batang may mga hawak ng parol na papel. May dala namang pamalo ang mga tinitini at agwasil upang gamitin para sa mga hihiwalay sa hanay at maniniksik. Ang iba nilang mga kasama ay namimigay ng libreng kandila para maging ilaw sa prusisyon. 

Ang prusisyong ito ng mga santo ay pinangungunahan ni San Juan Bautista at sinundan ito nina San Francisco, Santa Maria Magdalena, at San Diego de Alcala. Ang pinakahuli naman ay ang Mahal na Birhen. Anim na Hermano Tercero ang humihila ng karo ni San Diego. 

  Noli Me Tangere Kabanata 2: Crisostomo Ibarra – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang prusisyon ay huminto sa bahay ng Kapitan sa tapat ng kubol na pagdarausan ng loa. May isang batang lalaki na may pakpak, nakabota ng pangabayo, nakabanda, at nakabigkis ang lumabas mula sa tabing. Siya ay bumigkas ng papuri gamit ang mga Wikang Latin, Kastila, at Tagalog. 

Pagkatapos nito ay nagpatuloy ang prusisyon papunta sa bahay ni Kapitan Tiyago. Umawit si Maria Clara ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang piyano. Ang mga lumahok sa prusisyon, kasama na si Padre Salvi dahil sa kanyang magandang tinig. Kalungkutan naman ang nadama ni Ibarra. Sa tinig ni Maria Clara ay naramdaman niya ang kasiphayuan nito. 

Nawala naman ang atensyon si Ibarra sa kanyang pagmumuni-muni nang ipaalala sa kanya ng Kapitan Heneral ang imbitasyon sa isang pagsasalo upang pag-usapan ang pagkawala ng magkapatid na sina Basilio at Crispin. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 38

Ito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 38 ng Noli Me Tangere. Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pananampalataya, tradisyon, at kultura ng mga Pilipino at ang pakikilahok sa mga aktibidad ng bayan. 

Mga Aral Paglalarawan 
Pagpapahalaga sa pananampalataya at tradisyon Ang prusisyon ay isang pang-relihiyong gawain ng mga Katoliko kung saan naipapakita ang pananampalataya sa mga santo. Ito ay isa ring tradisyon na ginagawa pa rin hanggang ngayon. 
Pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng iba Kahit ayaw ni Ibarra na makilahok sa prusisyon, sumama pa rin siya para paunlakan ang Kapitan Heneral. 
Pagmamalasakit sa nararamdaman ng iba Naramdaman ni Ibarra ang kalungkutan ni Maria Clara sa pamamagitan ng tinig nito, sapagkat mayroon na silang malalim na koneksyon sa bawat isa. 
Pagiging responsable Ipinakita ng Kapitan Heneral ang pagiging responsable dahil gusto niyang pag-usapan ang pagkawala ni Crispin at Basilio. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa kwento na Noli Me Tangere na nakilahok sa isinagawang prusisyon. Ang bawat isa ay mayroong mahalagang partisipasyon upang mapanatili ang kaayusan at maging matagumpay ito. 

  Noli Me Tangere Kabanata 59: Pag-ibig sa Bayan – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Heneral Inimbitahan niya na sumama si Ibarra sa prusisyon at sa isang pagsasalo para pag-usapan ang pagkawala nina Crispin at Basilio.
Crisostomo IbarraIsa siya sa mga kasama sa prusisyon at inimbitahan siya ng heneral.
Maria Clara Siya ang umawit ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang 
Batang Lalaki bumigkas ng papuri gamit ang mga Wikang Latin, Kastila, at Tagalog. 
Kapitan Heneral, ang kanyang mga kagawad, ang Alperes, ang Alkalde, si Kapitan Tiyago, at si IbarraKasama sila sa prusisyon
Mga Sakristan Sila ang nanguna sa prusisyon 
Mga mamamayan ng San Diego Kasama dito ang mga guro, mag-aaral, at iba pang nakilahok sa prusisyon. May mga dala silang kandila at parol. 

Talasalitaan 

Narito ang mga salitang nabanggit sa kwento na maaaring hindi pamilyar sa mga mambabasa. Mahalagang matutunan ang kahulugan ng mga ito upang sa susunod na mabasa o marinig ay alam na natin ang ibig sabihin. 

Mga Salita Kahulugan 
Andas Karo ng Santo
Loa o luwa Tulang binibigkas bilang papuri sa patron ng bayan 
Nagmuni-muni Nag-isip-isip
Nakatutulig Isang malakas na tunog na nakabibingi
Paputok Isa sa mga ginagamit na paingay tuwing may selebrasyon
Parol Tradisyonal na palamuti tuwing pasko
Prusisyon Isang paglalakad kung saan ipinaparada ang mga santo 
Kubol Ito ang piandarausan ng luwa o pagbigkas ng tula bilang papuri sa nga santo. 

Leave a Comment