Ang kabanata 33 ng Noli Me Tangere ay pinamagatang malayang kaisipan. Dito ay nagkaroon ng pag-uusap sina Elias at Ibarra tungkol sa mga naging kaaway ng binata. Namangha si Ibarra sa mga pahayag ni Elias sapagkat hindi ito katulad ng sa mga karaniwang tao. Ang pag-uusap nilang ito ay nagbigay kay Ibarra ng maraming kaisipan at malalim na kahulugan sa mga pangyayaring naganap.
Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 33
Pumunta si Elias sa tahanan ni Ibarra nang palihim upang pag-usapan ang tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Sinabi ni Elias kay Ibarra na huwag sasabihin kaninuman ang pagbibigay niya ng babala dito. Dagdag pa ni Elias, nagbabayad lamang daw siya ng utang na loob sa binata.
Sinabi ni Elias kay Ibarra na mag-ingat ito sapagkat marami ang kanyang kaaway ng binata. Idiniin ni Elias na ang hindi pagkaksundo ay batas na ng buhay at ang bawat isa sa atin ay mayroong kaaway, magmula sa kulisap hanggang sa mga tao na pinakadukha o makapangyarihan.
Si Ibarra ay may kaaway mula sa iba’t-ibang dako. Nagkaroon din ng kagalit ang kanyang ama at ninuno at ito ang dahilan kung bakit maraming galit sa kanya. Sa kanyang pagpapatayo ng paaralan ay nagkaroon din siya ng mga kaaway at isa na sa mga ito ay ang taong madilaw.
Noong isang gabi ay narinig ni Elias na may kausap ang taong dilaw na hindi kilalang tao. Ang isang linya na narinig niya “hindi kakainin ng isda ang isang ito (kung saan ang tinutukoy ay si Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo”.
Nabahala naman si Ibarra sa pahayag ni Elias kahit na ipinagmalaki nito ang kanyang kaalaman at kakayahan sa kanyang ginawang makinarya. Nagprisinta siya kay Nol Juan at hindi ito humingi ng mataas na sahod.
Nanghinayang si Ibarra sapagkat namatay na ang taong dilaw, dahil kung buhay pa ito ay makakakuha siya ng dagdag na impormasyon na makatutulong sa kanya. Hindi naman sang-ayon sa pahayag na ito si Elias, sapagkat kahit nabuhay ang taong dilaw ay maaaring makalusot ito sa hukuman sapagkat bulag ang sistema sa pagpapatupad ng batas.
Si Ibarra ay namangha sa opinyon ni Elias, sapagkat ito ay hindi karaniwan. Ang kanilang usapan ay napunta sa relihiyon at pananampalataya sa Diyos. Ipinahayag ni Elias ang unti-unting pagkawala ng kanyang pananalig.
Nagpaalam na si Elias kay Ibarra dahil alam niyang marami pa ang gustong kumausap sa binata. Bago siya umalis ay sinabi niya na makakaasa si Ibarra sa kanyang katapatan at dedikasyon. Ipinangako niya kay Ibarra na babalik siya anumang oras sapagkat tumatanaw siya ng utang na loob. Sa naging pag-uusap nilang dalawa ay napuno ang kanyang kaisipan na mas nagbigay sa kanya ng mas malalim na dimensyon tungkol sa mga bagay na kanilang pinag-kwentuhan.
Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 33
Narito ang mga aral na matututunan sa Kabanata 33 ng Noli Me Tangere. Dito ay makikita natin ang kahulugan ng pagtanaw ng utang na loob, pagtulong sa kapwa, pagpapahayag ng opinyon, at pagiging maasahan na kaibigan.
Mga Aral | Paglalarawan |
Pagtanaw ng utang na loob | Si Elias ay may utang na loob kay Ibarra sapagkat iniligtas niya ang buhay nito, kaya naman ngayon ay bumabawi siya rito sa pagbibigay ng babala at mga mahahalagang impormasyon na kanyang nalaman. |
Pagtulong sa Kapwa | Tinulungan dati ni Ibarra si Elias, kaya tinutulungan din ni Elias si Ibarra para sa kanyang kaligtasan. |
Pagpapahayag ng Opinyon | Ipinahayag ni Elias kay Ibarra ang kanyang mga opinyon nang walang pag-aalinlangan. |
Maging tapat at maaasahan na kaibigan | Sinabi ni Elias na magiging tapat siya kay Ibarra. |
Mahalaga ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip. | Ito ay nakatutulong upang mas maunawaan natin ang mga panyayari sa ating paligid at magkaroon ng mas magandang desisyon, lalo na sa mga isyu sa ating lipunan. |
Maging maingat sa mga taong nakakasalamuha araw-araw | Hindi lahat ng tao ay magiging masaya sa ating tagumpay o plano, kahit na ito ay para sa ikabubuti ng nakararami, sapagkat mayroong mga taong gusto na sila lang ang magaling at hindi rin maiiwasan na may maiinggit sa iyo. |
Mga Tauhan
Si Ibarra at Elias ang tauhan ng kabanatang ito. Pinag-usapan nila ang mga kaaway ni Ibarra, mga narinig na usapan ni Elias, at opinyon ni Elias sa mga pangyayari sa mga nangyayaring isyu sa lipunan.
Mga Tauhan | Paglalarawan |
Ibarra | Si Ibarra ay binigyan ni Elias ng babala dahil marami itong kaaway. |
Elias | Nagpunta siya sa bahay ni Ibarra upang pag-usapan ang kanyang mga kaaway at bigyan ng babala si Elias. |
Talasalitaan
Ito ang mga salitang nabanggit sa Kabanata 33 ng Noli Me Tangere. Ang pag-alam sa kahulugan ng mga ito ay makatutulong sa atin upang mas maunawaan natin ang kwento o nobelang ating binabasa.
Mga Salita | Kahulugan |
Binalaan | Binantaan |
Namangha | Nagandahan |
Hatol | Husga |
Milagro | Himala |
Nanghinayang | Pagkasayang o pagsisisi sa mga bagay o tao na nawala |
Makatakas | Makalayo o makaiwas |
Utang na Loob | Ito ay nararamdamang obligasyon ng isang tao sa mga tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan. |