Noli Me Tangere Kabanata 27: Sa Pagtatakip-Silim – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Ang Kabanata 27 ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagdiriwang ng pista. Makikita rin natin dito ang layunin ni Kapitan Tiyago kung bakit niya gustong mapalapit kay Ibarra. Nakita rin ni Maria Clara ang kalagayan ng ketongin at ni Sisa at naisip niya na marami ang naghihirap o kapus-palad. 

Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 27

Si Kapitan Tiyago ang may pinakamalaking handa para sa pista. Naghanda siya ng malaki para kay Maria Clara at Ibarra na kanyang mamanugangin. Alam ni Kapitan Tiyago na tanyag si Ibarra sa Maynila kaya hindi niya pinalampas ang oportunidad na ito upang kasama siyang mapuri sa mga pahayagan. Si Ibarra ay kilala sa pagiging Kastilang-Pilipino, bihasa, mayamang kapitalista, at marami pang iba. 

Ilang araw bago ang pista ay dumarating na sa tahanan ni Kapitan Tiyago ang iba’t-ibang pagkain at inuman na nagmula pa sa Europa. Binigyan ni Kapitan Tiyago si Maria Clara ng pasalubong tulad ng kapirasong kahoy mula sa bangka ni San Pedro at agnos na may brilyante at esmeralda. 

Masaya ang naging pagkikita nina Ibarra at Kapitan Tiyago. Kinumbida naman ng mga kaibigan si Maria Clara para mamasyal. Pinayagan naman siya ng kanyang ama. Sinabi ni Kapitan Tiyago na dapat ay umuwi si Maria Clara bago maghapunan sapgkat darating si Padre Damaso. Inimbitahan din ng mga kababaihan si Ibarra at tinangggap naman ito ni Ibarra. Inanyayahan din ni Kapitan Tiyago si Ibarra para sa hapunan ngunit magalang niya itong tinanggihan at sinabing may hinihintay siyang bisita. 

Pumanaog na sina Ibarra, Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan. Napatapat sila sa bahay ni Sinang at inanyayahan sila na pumanhik muna. Pinuri ng mga bisita si Maria Clara at binati naman si Ibarra. Nakita rin ni Crisostomo Ibarra si Kapitan Basilio na naging kaibigan niya. Sinabi nito kay Ibarra na si Padre Damaso ay maglalagay ng isang munting bangka sa monte. Ngumiti na lamang si Ibarra sa sinabing ito ni Kapitan Basilio. Hindi malaman ang tunay na kahulugan ng ngiti ni Ibarra kung sang-ayon ba siya o hindi. 

  Florante at Laura Kabanata 10: Ang Pagtulong kay Florante – Buod, Aral, Tauhan, ATBP

Pumunta na sila sa liwasang bayan at dito ay may nakita silang ketongin. Ito ay nakasalakot at umaawit habang nag-gigitara. Ang mga tao ay nandidiri sa kanya at lumalayo sapagkat natatakot sila na mahawa ng sakit nito. 

Kinuha ni Maria Clara ang agnos na suot niya at inilagay ito sa bakol ng ketongin. Nagtaka naman ang mga kaibigan sa kanyang ginawa. Kinuha ng ketongin ang agnos na ibinigay ni Maria Clara at hinagkan ito. Lumuhod siya sa harapan ni Maria Clara, isinubsob ang ulo, at hinagkan ang mga bakas ng yapak ng dalaga. 

Biglang lumapit si Sisa sa ketongin at hinawakan ang bisig nito. Itinuro ni Sisa sa ketongin ang ilaw ng kampanaryo na nandoon ang kanyang anak na si Basilio at ito ay bumababa ng lubid. Sinabi rin niya na nandoon naman si Crispin sa may kumbento

Bumitaw na si Sisa sa pagkakahawak sa bisig ng ketongin at umalis habang kumakanta. Ang ketongin naman ay umalis na dala ang kanyang bakol. Sa pangyayaring ito ay nasabi ni Maria Clara sa sarili na marami pala ang kapus-palad at mahihirap. 

Mga Aral na Matutunan sa Kabanata 27

Sa bawat kabanata ng Noli Me Tangere ay mayroon tayong mapupulot na aral na magagamit natin upang mas mapaunlad ang ating buhay. Ang pagtulong sa kapwa ang isa sa mga aral na mapupulot natin sa kabanatang ito. 

Mga Aral Paglalarawan 
Maging matulungin sa kapwaBukal sa kalooban na ibinigay ni Maria Clara ang regalo sa kanya ng kanyang ama. 
Pag-alam sa katotohanan na nangyayari sa lipunanMahalagang maging bukas ang ating mga mata sa mga isyu at mga pagsubok na kinakaharap ng ating kababayan. Sa pamamagitan nito, makatutulong tayo kahit sa simple at maliit na paraan. 
Pagpapahalaga sa pamilya Ipinakita ni Kapitan Tiyago ang pagmamahal kay Maria Clara sa pag-bibigay ng isang regalo. 
Pagpapahalaga sa tradisyon Pinahalagahan nila ang piyesta na isang tradisyon ng mga Pilipino. 
Magiliw na pagtanggap sa mga bisita Magiliw na tinanggap ni Sinang at ng iba pang bisita sa bahay ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay. 
Maging magalang sa pagtanggi sa mga paanyaya o imbitasyonInanyayahan ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa isang hapunan, subalit ito ay magalang na tinanggihan ng binata. 

Mga Tauhan 

Narito ang mga tauhan sa Kabanata 27 ng Noli Me Tangere. Sa mga pangyayari sa bawat kabanata ay mas lalo natin silang nakikilala at nalalaman ang kanilang mga mithiin o tunay na layunin. 

  Florante at Laura Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin – Buod, Aral, Tauhan, ATBP
Mga Tauhan Paglalarawan 
Kapitan Tiyago Si Kapitan Tiyago ay may bigay na pasalubong kay Maria Clara. Siya rin ang may pinakamalaking handa para sa piyesta. 
Maria Clara Ang kababata at kasintahan ni Maria Clara. Ibinigay niya sa ketongin ang pasalubong na agnos ng kaniyang ama. 
Crisostomo Ibarra Si Crisostomo Ibarra ay sikat sa Maynila. Magiliw din siyang binabati ng karamihan sa mamamayan ng San Diego. 
Padre Damaso Si Padre Damaso ang panauhin ni Kapitan Tiyago sa hapunan. 
Mga kaibigan ni Maria Clara Sila ang kasama ni Maria Clara sa pamamasyal.
Kapitan BasilioNakausap niya si Ibarra tungkol sa paglalagay ni Padre Damaso ng isang munting bangka sa monte. 
SisaHinawakan niya sa bisig ang ketongin at sinabi dito na nasa kumbento at kampanaryo ang kaniyang mga anak na sina Crispin at Basilio. 
Ketongin Siya ang binigyan ni Maria Clara ng agnos. 

Talasalitaan 

Narito ang mga salitang maaring hindi pamilyar sa mga mambabasa. Mahalaga na alamin ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas madali nating maunawaan ang iba’t-ibang teksto na nakasulat sa Wikang Tagalog

Mga Salita Kahulugan 
Panauhin Bisita 
Hinandugan Inalayan 
Paanyaya Imbitasyon
Manugang Ang asawa ng anak ng isang tao
Sikat Tanyag o kilala
Kampanaryo Tore na may kampana sa simbahan 

Leave a Comment